LOOK: Binyag ng anak ni Rich Asuncion at Benjamin Mudie

lead image

Rich Asuncion at asawang Benj Mudie napabinyagan na ang kanilang baby girl na si Bela Brie.

Binyag ng anak ni Rich Asuncion at Benj Mudie

Nito nga lamang ika-25 ng Agosto, winelcome nina Rich Asunsion at Benj Mudie sa Christian world ang baby girl nilang si Bela Brie kasama ang pamilya at ilang mga kaibigan sa industria.

Kabilang sa mga dumalo ay sila Sunshine Dizon, Sheena Halili, Jeron Manzareno, Renz Fernandez, Catherine Rem, Yasmien Kurdi, at iba pa. Ikinatutuwa ni Rich na ang kanyang baby girl ay napapaligiran ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Suot naman ni Baby Bela ang baptismal gown na sinuot pa ng kanyang ama at mga kapatid nito nang sila ay binyagan. Laking pasasalamat ni Rich sa kanyang biyenan na naaalagaan ito.

Hindi mapigilan ng mga dumalo ang manggigil sa napakagandang si Baby Isabella Brie. Mula sa mga bisita pati na mga anak nila ay tuwang tuwa sa bata. Kitang kita rin ang saya ng aktres at ng Filipino-Australian rugby player sa kanilang pagtanggap sa mga bisita.

Mensahe ni Rich para sa kaniyang anak

Sa Instagram ni Rich (@richasuncionmudie), ibinigay niya ang kanyang mensahe sa anak para sa binyag nito.

"My love, may you grow in good faith and always show kindness towards other people. We, your parents, family and godparents are all here to guide you. We love you anak!"

Patuloy ang career ni Rich sa pagiging artista na akala niyang matitigil na dahil sa pagkakaroon ng anak. Ganunpaman, patuloy parin siyang nagiging hands-on na ina sa kanyang anak. Aminado siya na sa kanilang mag-asawa, siya ang overprotective na magulang.

Isang breast feeding mom si Rich sa kanyang unica hija. Nahirapan man sa simula, sa tulong ng kanyang asawa, mga kapatid at kaibigan, kanyang nararanasan ang hirap at saya ng pagpapabreastfeed. Kanya itong isinabay sa pagta-trabaho kung saan nahirapan sila sa pagsanay sa bata sa paggamit ng bote.

Naging masaya ang pag-welcome sa Christian world ni Baby Isabella Brie. Tuwang tuwa rin ang #MudSquad sa pagmamahal na kanilang natanggap mula sa mga bisita.

 

Source: Nice Print Photography0, Rich Asuncion Instagram, The Asian Parent

Basahin: #TipidTips: Paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner