LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!

Nadagdagan ng isa pang baby ang pamilya nina Rich Asuncion at kaniyang mister, na isang Filipino-Australian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinilang na ng aktres at dating First Princess ng StarStruck: The Next Level na si Rich Asuncion ang pangalawang anak nila ng kaniyang husband na si Benj Mudie.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Rich Asuncion isinilang na ang kanyang pangalawang supling!
  • Rich Asuncion's growing family

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Rich Asuncion isinilang na ang kanyang pangalawang supling!

Labis na natuwa ang followers ng aktres at dating kalahok sa reality talent competition show na si Rich Asuncion nang ibahagi nito ang mga larawan ng kanyang pangalawang anak sa rugby player na asawa nitong si Benj Mudie.

Unang nagbigay ng pahiwatig na manganganak na si Rich Asuncion nang magpost ito ng larawan nilang dalawa ng kanyang mister na si Benj. Sa Instagram account niya, sinabi niya na handa na siya sa pangalawang pagkakataon na siya ay magsisilang.

Ibinahagi niya rin na pareho nilang hiniling ng asawa na sana ay normal delivery na ang panganganak niya. Matapos daw ang halos 41 linggo nalaman nilang uli siyang sasailalim sa Caesarian procedure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ready for round 2. We were hoping for a normal delivery but after almost 41 weeks of waiting, its time to meet our baby girl via CS again. Mama and Papa will see you soon Alessandra."

Sinundan ito ng post niya na ipinanganak na niya ang sanggol. Pinangalanan nila itong Alessandra. Healthy na healthy na makikita sa larawan si Baby Alessandra na may timbang na 3.84 kilos.

Ibinahagi rin ni Rich Asuncion ang larawan niya kasama ang mag-ama kung saan maayos at masaya silang mag-asawa na winelcome ang bagong parte ng kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Rich, mayroon na raw bagong kalaro ang kaniyang panganay na anak na si Bela.

"Introducing Alessandra. Born very strong and healthy. Bela finally has a fulltime playmate and our #MudSquad is complete"

Binati naman siya ng isa ring aktres na kapwa nagsimula rin sa StarStruck na si Sheena Halili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Congratulations, hello baby Alessandra! Big girl ka na."

Ang ilan pa sa nagpaabot ng pagbati ay sina Glaiza De Castro, Maricris Garcia, at sportscaster na si Mara Aquino.

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

BASAHIN:

Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: "Love at first sight."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

Meryll Soriano aminadong mahirap magpalaki ng mga anak na may big age gap: "Feeling mo you're not giving enough."

Rich Asuncion's growing family

Unang nakilala ni Rich Asuncion ang Filipino-Australian na asawa nitong si Benj Mudie nang ipakilala ito sa kanya ng kaibigang si Yasmien Kurdi. Taong 2015 nang kinumpirma ng aktres na nakilala na ng pamilya niya sa Bohol ang rugby player na si Benjamin.

Nagdiwang sila ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong ika-24 ng Abril taong 2016 kasama rin si Yasmien at kasintahan nitong si Rey Soldevilla, Jr.

Minsang nagparamdam si Benjamin na handa na ito na pakasalana si Rich nang magpost ito na ay caption na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You're getting close to that age where you should start thinking about settling down and starting a family.”

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Hindi nagtagal ay tinanong niya na ang aktres tungkol sa pagpapakasal habang nasa shooting ito ng afternoon serye na Ika-6 Na Utos.

Ikinasal sila noong May 28, 2018 sa isang intimate wedding sa bansang Hong Kong. Kasama nila sa pag-celebrate ng kasal ang mga malalapit na kabigan na sina Sheena Halili, Glaiza de Castro, Renz Fernandez, at Sunshine Dizo sa isang yate.

Disyembre sa parehong taon din isinilang ni Rich Asuncion ang una niyang anak na si Bela Brie Mudie. Ibinahagi ni Rich Asuncion na Daddy's little girl daw ang panganay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napagpasyahan ng mag-asawa na mag-migrate sa Australia at doon na muna manirahan nang matagal ngunit bukas din sa ideyang baka doon na talaga sila bubuo ng pamilya. Sa bansang ito,  ibinahagi niyang kapalit ng pagiging artista niya ay pinili niya ang mas simpleng buhay.

Namasukan siya sa Australia bilang waitress. Minsan niyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account kung gaano siya kasaya noong una niyang natanggap ang sahod niya sa trabahong ito.

"Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo."

Bukod dito, maligaya rin daw siya na hindi na siya masyadong nalulungkot.

"At sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya."

Isa raw kasi sa nagiging dahilan ng lungkot niya ay ang maraming adjustments sa paglipat ng bansa. Handang-handa na sila mamuhay sa Australia kasama ng mga magiging anak dahil bumili na sila nga asawa niya ng bahay dito.

Sinulat ni

Ange Villanueva