Richard Gomez sa sikreto sa masayang pagsasama nila ni Lucy Torres na halos 26 years na: “Dapat laging malamig ang kwarto”

Aktor at misis naiisip pa sanang dagdagan ng isa pa ang anak bagamat pakiramdam nila ngayon ay tila huli na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Richard Gomez at Lucy Torres relationship ano nga ba ang sikreto at hanggang ngayon matapos ang 26 years ay going strong at very happy parin.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Richard Gomez at Lucy Torres relationship.
  • Sikreto sa masayang pagsasama ng mag-asawa.

Richard Gomez at Lucy Torres relationship

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gomez

Higit dalawang dekada na ang nakalipas ng maikasal sina Richard Gomez at Lucy Torres. Sa katunayan ay naka-graduate na sa kolehiyo ang nag-iisa nilang anak na si Juliana. Gustuhin man dagdagan pa ng isa ang kanilang anak ay iniisip ng aktor at kaniyang misis na baka hindi na kayanin ng kanilang katawan pa. Pero masaya ring ibinahagi ng aktor sa isang panayam na sa mga nakalipas na taon ay walang naging pagbabago sa pagmamahalan nila ni Lucy sa isa’t-isa.

Ano ang sikreto? Ito ang pagbabahagi ni Richard.

Sikreto sa masayang pagsasama ng mag-asawa

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gomez

“I think importante talaga ‘yung open ‘yung line of communication namin. Kung minsan kasi nagdi-drift apart ‘yung mga mag-asawa dahil hindi na sila nag-uusap. Saka importante talaga that you pray together and you always tell each other how much you love each other.”

Ito ang pagbabahagi ni Richard.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinundan niya ito na lagi o araw-araw parin siyang nag-I love you kay Lucy. Saka hirit ng pabirong sagot na nakakatulong naman talagang mas maging malapit pa umano ang mag-asawa sa isa’t-isa.

“Saka dapat laging malamig ang kwarto.”

Ito ang natatawang sabi ng actor turned politician.

Isa pa daw sa dahilan ng masaya nilang pagsasama ni Lucy ay sa hindi ito selosa. Lalo na sa linya ng trabaho na meron siya na kung saan madalas maraming mag-asawa ang naghihiwalay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I think ‘yun ‘yung secret sa relationship namin. Hindi siya selosa type saka ‘yung time na ‘yun syempre kasagsagan nung pag-aartista ko ‘yun ‘di ba. Naiintindihan niya ‘yung trabaho ko as an actor na makakahalikan mo ‘yung leading lady mo, nakakayakap mo ‘yung leading lady mo. You spend a lot of time with your leading lady, all throughout ng paggawa ninyo ng pelikula. I think ‘yun ang naiintindihan niya ‘yung process na ‘yun,”

Ito ang kuwento pa ni Richard.

Larawan mula sa instagram account ni Richard Gomez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At tulad ng maraming mag-asawa ay nagkakaroon rin daw ng problema sina Lucy at Richard. Pero ito ay agad na nireresolba nila.

“Very relax lang yung relationship namin. Kapag meron dumating naman na problema we try to resolve it kaagad. Hindi na namin pinapalaki.”

Ito ang sabi pa ni Richard Gomez sa sikreto sa happy marriage nila ni Lucy Torres for 26 years.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement