Richard Gutierrez to mom Anabelle Rama: “You taught us the value of family, loyalty and hard work, thank you for never giving up on us”

Aktor ipinunto ring ang pagiging pranka ng ina ang isa sa mga dahilan kung bakit napapalibutan ito ng mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Richard Gutierrez may sweet na mensahe sa inang si Anabelle Rama sa 71st birthday nito. Aktor nagpasalamat sa mga sakripisyo ng ina para sa kanilang pamilya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Anabelle Rama 71st birthday.
  • Birthday message ni Richard Gutierrez sa inang si Anabelle Rama.

Anabelle Rama 71st birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Annabelle Rama

Nitong Oktubre 21 ay nagdiwang ng kaniyang 71st birthday ang kilalang aktres at talent manager na si Anabelle Rama. Syempre maliban sa star-studded niyang birthday party ay mas naging makahulugan ang birthday celebration niya dahil sa presence ng kaniyang pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gutierrez

Sa Instagram ay may ibinigay ngang mensahe ang aktor na si Richard Gutierrez sa kaniyang ina. Si Richard pinasalamatan at binigyang honor ang ina sa mga ginawa nitong sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Birthday message ni Richard Gutierrez sa inang si Anabelle Rama

“Happy birthday Mom, i would like to honor you and thank you for everything that you have done for the family. For the unconditional love, the constant support, and all the sacrifices you had to endure for us to be where we are today. We appreciate you and we love you so much. ???”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Richard sa kaniyang ina.

Pinasalamatan rin ni Richard ang mga itinuro sa kanila ng kaniyang ina. Partikular na dito ang pagbibigay halaga sa pamilya. At ang laging paggawa ng tama para mapanatili silang buo at masaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You taught us the value of family, loyalty and hard work. Thank you for never giving up on us when times are hard, never giving up on your marriage when it was tested. And always choosing to fight for what is right for the family.”

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gutierrez

Higit sa lahat, ipinunto niya rin ang kinagandahan ng pagiging pranka at honest ng kaniyang ina. Ito daw ang isa sa mga dahilan kung bakit ito napapalibutan ng mga taong totoong nagmamahal sa kaniya.

“Thank you for being brutally honest and real, thats why you are surrounded by real friends who loves and cherish you.”

“On this day i wish you all the happiness in the world, may God give you the desires of your heart and good health always.. again, we love you @annabelleramaig ❤️❤️❤️.”

Ito ang mensahe pa ni Richard Gutierrez sa inang si Anabelle Rama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement