Ayon sa isang pag-aaral, posible raw na may masamang epekto ang pag-inom ng mga mainit na inumin, kasama na ang kape. Ito ay dahil kapag ang init raw nito ay umabot sa 60 degrees Celsius o 140 degrees Fahrenheit, halos nadodoble raw ang risk ng cancer.
Risk ng cancer, nadodoble ng pag-inom ng mainit na kape
Ginawa ng mga researchers ang pag-aaral sa Iran, kung saan marami ang umiinom ng tsaa. Dito, nalaman ng mga researchers na hindi lamang sa mainit na tsaa tumataas ang panganib ng cancer, kundi para na rin sa mga umiinom ng iba pang mainit na inumin.
Ayon kay Dr. Farhad Islami, lead author ng pag-aaral, “Many people enjoy drinking tea, coffee, or other hot beverages. However, according to our report, drinking very hot tea can increase the risk of esophageal cancer, and it is therefore advisable to wait until hot beverages cool down before drinking.”
Napag-alaman nila na kapag nasa 60 degrees Celsius o mas mainit pa ang kape, ay umaakyat sa 90% ang risk ng esophageal cancer. Ito raw ay kung ikukumpara sa mga umiinom rin ng kape o tsaa, pero hinahayaan muna itong lumamig ng kaunti bago nila inumin.
Dati nang nakahanap ng koneksyon sa pag-inom ng mainit na inumin at esophageal cancer. Ngunit ito ang unang pagkakataon na mayroong naibigay na temperature para sa risk na ito. Kaya’t importante na umiwas ang mga tao sa pag-inom ng sobrang init na kape, at iba pang mga inumin. Mas mabuti na kung palamigin ito ng kaunti bago inumin para makaiwas sa panganib ng cancer.
Anu-ano ang nakakaapekto sa risk ng cancer?
Ang cancer ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo. At importante sa mga magulang na malaman ang mga bagay na nakakadagdag sa risk ng cancer, upang makaiwas sila at ang kanilang pamilya sa sakit na ito. Heto ang ilang mga dapat tandaan ng mga magulang:
- Ang obesity at pagiging overweight ay nakakadagdag sa risk factors ng cancer.
- Ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ay kabilang rin sa risk factors na ito.
- Ang pagkakaroon ng sobrang stress ay hindi lang risk factor sa cancer, ngunit nagiging sanhi rin ng iba’t-ibang mga sakit.
- Isa pang risk factor sa cancer ang pagiging exposed sa araw, na nagiging sanhi ng skin cancer.
- Kabilang rin sa mga risk factors ang pagkain ng processed foods, at pag-inom ng softdrinks.
Kailangan ng mga magulang na panatilihing malusog ang kanilang mga pangangatawan. Ito ay upang makaiwas sila sa sakit, at maalagaan pa ng mabuti ang kanilang mga anak. Ang mga healthy habits na ito ay naipapasa rin ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya’t importanteng magsilbi silang mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.
Source: CNN
Basahin: Pag-inom ng kape, hindi mabuti para sa mga nagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!