Risks of Online Dating: Isang menor de edad na babae ang ginahasa matapos makipagkita umano sa kanyang nobyo na nakilala niya sa social media. Suspect ngayon ang kanyang nobyong nakasama nito.
Noong February 13, ang 14-year old na babaeng itago na lang nating sa pangalang “Jella” ay nakipagkita sa kanyang 18-year old na nobyong nakilala lamang niya sa internet.
14 years old na bata na-rape ng nakilala niya sa social media
Nagsimula raw silang magkakilala at magkapalagayan ng loob sa isang facebook group. Nagkakausap lamang sila sa chat gamit ang pekeng pangalan at litrato. Nagtuloy-tuloy ito hanggang noong Enero.
Hanggang noong February 13, nagkasundo na nga sina Jella at ang nobyo nito na personal nang magkita. Kasama ni Jella ang kanyang 9-year old na kapatid nang makipagkita ito sa kanyang nobyo sa isang mall. Dahil nga hindi alam ang itsura ng isa’t-isa, sa damit lang nila binase ang pagkakakilanlan ng bawat isa.
Sa salaysay ni Jella tungkol sa kanilang pagkikita, naglaro muna sila sa isang amusement center at pagkatapos nito ay inihatid na rin nila ng kanyang nobyo ang kanyang kapatid sa kanilang bahay.
Malinaw na makikita sa CCTV ang magkasintahan at ang nakababatang kapatid ni Jella na naglalakad sa may Sta. Mesa. Dumaan pa ang tatlo sa isang convenience store upang kumain.
Pagkahatid sa batang kapatid ni Jella sa bahay nila, niyaya agad ng suspect ang menor de edad na sumama sa kanya sa kanilang bahay. Pinangakuan din itong bibigyan ng makeup set at cellphone. Pagkarating sa bahay, dito rin niya nakilala ang magulang ng suspect.
Ngunit, hindi rin agad umuwi si Jella ng araw na iyon. Dahil dito, nagsimulang magpanic ang mga mgaulang nito kaya nireport na agad nila sa barangay at pulisya na nawawala ang kanilang anak.
Ngunit noong February 15, muling nakita si Jella. Hinatid daw ito ng kanyang nobyo malapit sa kanilang bahay. Pagkauwi ng biktima, napansin agad ng kanyang magulang na hindi ito makausap at kumikibo.
Ayon sa interview ng GMA News sa tatay nito, pinilit raw ng nobyo na makipagtalik ang kanyang anak. Tumanggi naman ang kanyang anak ngunit bigla na lamang daw itong hinalikan.
“Nag-doubt ako, kasi two days niyang kasama. Katabi mo pa sa kama,” dagdag pa ng tatay.
Dahil sa insidente at sa trauma na nangyari sa bata, sinuri nang maigi at isinilalim sa medico-legal si Jella. Lumabas naman dito na positibong ginahasa siya.
Ayon sa tatay,
“Kailangan pagbayaran niya ‘yung ginawa niyang kasalanan. Kailangan mabigyan ng hustisya ‘yung bata para ‘yung istilo niya hindi niya magawa sa iba na mabiktima ng babae na abusuhin niya,”
Nakatakdang magsampa ng kaso ang pamilya ni Jella sa suspect ngayong Lunes.
Paano ito maiiwasan?
Image from Thought Catalog on Unsplash
Hindi masama ang gumamit ng social media. Ngunit lagi lang mag doble ingat sa lahat ng gagawin dito. Maging mapanuri at ‘wag basta basta magpapaloko.
Kung ang anak mo naman ay mahilig gumamit ng social media, mas mabuting patigilin muna ito lalo na kung ito ay menor de edad pa lamang.
Narito ang dalawang mahalagang dapat gawin upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente:
1. ‘Wag makikipag-usap sa hindi mo kilala
Gaya ng kasabihan ng mga magulang sa isang bata, “Wag na ‘wag makikipag-usap sa hindi mo kilala.” Kailangan mo rin itong i-apply sa social media. Mas lalong delikado rito dahil wala ka talagang alam sa kanila. Maaaring sila ay gumagamit ng pekeng pangalan at litrato kapag sila ay makikipag-usap sa’yo.
2. Panatilihin ang privacy
Iwasan ang mag-accept ng hindi kilala. Marami sa ganito ang balak lang mangloko. Ang pangunahing intensyon nila ay makipagkaibigan ngunit kapag naglaon, gagawin na nila ang kanilang totoong nais. Nagpapanggap silang ibang tao at kadalasan silang gumagamit ng mga pekeng litrato at pangalan.
Kung maaari, ‘wag maglalagay sa iyong profile ng mga pribadong impormasyon katulad ng iyong address at birthday. Iwasan din ang magpost ng mga current happenings katulad ng pag post tungkol sa mag-isa sa tinutuluyang bahay.
Maraming mata ang nakabantay sa’yo sa social media at wala kang kaalam-alam sa maaari nitong intensyon sa’yo.
Kaya mga moms and dads, bigyan ng sapat na gabay at aral ang iyong mga anak kung gagamit ito ng social media. Mas mabuting alam nila ang maaring dulot nito sa kanilang mga sarili. Kung maaari, limitahin ang kanilang paggamit at gawin na lang ang iba pang mas makabuluhang bagay.
SOURCE: GMA News
BASAHIN: Isang babala ng tatay matapos muntik ma-kidnap ang anak dahil sa social media
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!