TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Rita Daniela inalala ang panghaharass sa kaniya ng aktor na si Archie Alemania: “Kuya, huwag. Kuya kita!”

3 min read
Rita Daniela inalala ang panghaharass sa kaniya ng aktor na si Archie Alemania:  “Kuya, huwag. Kuya kita!”

Aktres pinilit halikan at hinawakasan sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan ng aktor.

Rita Daniela sinampahan ng kaso ang kapwa aktor na si Archie Alemania. Ayon kay Rita, hinarass siya ng aktor na tinuring niya ng “kuya” o nakakatandang kapatid niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Rita Daniela case vs Archie Alemania.
  • Aktres nasaktan sapagkat tinuring niyang “kuya” o nakakatandang kapatid ang aktor.

Rita Daniela case vs Archie Alemania

rita daniela at archie alemania

Mainit na usapan ngayon ang pagsasampa ng kaso ng singer at aktres na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania. Base sa ginawang affidavit ni Rita, siya ay sexually na hinarass daw umano ni Archie nitong Setyembre. At pormal lang siyang naghain ng kaniyang reklamo nitong Oktubre 30 sa Prosecutor Office sa Bacoor City.

Ang pambabastos at paghawak daw sa maseselang bahagi ng katawan ni Rita ay naganap sa thanksgiving party na isinagawa ng aktres na si Bea Alonzo para sa programang “Widow’s War” na kung saan kapwa nabibilang si Archie at Rita.

Pahayag ni Rita sa ginawa niyang complaint affidavit, pagdating palang niya sa party ay binastos na siya ng aktor na si Archie. Kahit nga daw mismo ang aktres na si Bea Alonzo ay hindi ito nagustuhan at pinagsabihan rin agad si Archie.

“Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”

Ito raw ang isa sa mga linya ni Archie sa kaniya noon.

rita daniela

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

Aktres nasaktan sapagkat tinuring niyang “kuya” o nakakatandang kapatid ang aktor

Hindi daw dito natatapos ang pambabastos ni Archie kay Rita. Matapos ang duet ni Rita sa kapwa singer na si Royce Cabrera ay narinig niya daw itong sinabihan ang male singer na “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”

Ang bastos na pananalita na ito ni Archie ay nasundan daw ng pamimisikal nito. Nangyari ito ng magpumilit umano ang aktor na ihatid si Rita sa bahay nila sa Cavite. Ayon sa singer ay dumating na sana ang sundo ni Rita na grab car pero si Archie hinarang daw ito at nagpumilit na siya ay sumakay at sumabay na sa aktor. Sa pag-aakalang nawala na ang kalasingan ng aktor at dahil pareho silang taga-Cavite ay sumabay nalang si Rita kay Archie.

archie alemania

Larawan mula sa Facebook account ni Archie Alemania

Sa loob ng sasakyan doon daw ginawan ng kahalayan ni Archie si Rita. Marahas daw nitong hinawakan ang ulo niya at binigyan siya ng masisiil at mahalay na halik. Ipinilit pa daw ni Archie na ipasok ang dila niya sa bibig ni Rita.

“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”

Ito ang bahagi ng pahayag pa ni Rita sa kaniyang affidavit.

Hinawakan din daw ng aktor ang kaniyang dibdib. Dito na mas lalong nagpumiglas ang aktres at nagmakaawa sa aktor.

“Kuya, huwag! Kuya kita”, ito daw noon ang pakiusap ni Rita.

Si Archie wala pang opisyal na pahayag sa mga nangyari at kasong isinampa sa kaniya ni Rita na acts of lasciviousness. Pero pareho silang naalis na sa drama series na “Widow’s War”.

 

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rita Daniela inalala ang panghaharass sa kaniya ng aktor na si Archie Alemania: “Kuya, huwag. Kuya kita!”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko