LOOK: Rita Daniela ni-reveal na ang gender ng kaniyang baby!

Rita sinagot din ang isang issue kung saan isang negosyante ang sinasabing ama ng kanyang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Happy si Rita Daniela matapos niyang ibahagi ang gender ng kaniyang first baby na isang boy!

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rita Daniela is having a baby boy
  • Boyfriend ni Rita Daniela

Rita Daniela is having a baby boy!

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

Masayang ibinahagi ng singer-actress na si Rita Daniela na baby boy ang dinadala niyang sanggol. Si Rita, ibinahagi ang magandang balita sa kaniyang Instagram account kasabay ng pagpapabahagi niya sa napili niyang ipapangalan sa kanyang unico hijo.

“My boy. you are an answered prayer. my JUAN “Uno” Rafael.”

Ito ang caption ng post ni Rita na kung saan tampok rin ang ibinibida niyang latest ultrasound ng dinadala niyang sanggol.

Ang mga netizens at celebrities’ agad namang binati si Rita.

Boyfriend ni Rita Daniela

Samantala, sa isa pang IG post ay ibinida rin ni Rita ang kaniyang baby bump na 24 weeks na ngayon. Ito ay sa post niya tungkol sa kaniyang 27th birthday celebration na binaha rin ng pagbati mula sa kaniyang celebrity friends.

iamrichardyap Happy birthday Ta! All the best!

rodjuncruz Happy birthday @missritadaniela God bless you always

arrasanagustin Happy birthday, Taaa!

Ngunit bago pa man ang mga post na ito ni Rita, may isang IG post siya na talaga namang umagaw ng atensyon ng mga netizens. Ito ay ang larawan niya kasama ang businessman na si Jonathan So. Ang ibang netizens inakalang ito ang kaniyang boyfriend at ama ng ipinagbubuntis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Rita agad namang binigyang linaw ang pag-aakala na ito ng mga netizen. Ito ang sabi niya sa isang Facebook post.

“Hi guys… chill lang kayo jan hindi po si Jonathan So ang tatay ng anak ko, just to clarify. I was in his office kasi nag shoot kami ng interview for his product. Keri na? ok peace na tayo lahat.”

Bago ang post na ito ni Rita, kumalat ang tsismis na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang anak. Si Rita agad na nilinaw na ito daw ay isang fake news. Sinabi niya rin niya na pagdating sa kaniyang pagbubuntis ay naging pribado siya hangga’t maari at tanging isang beses lang nagpa-interview tungkol dito.

“FYI, I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life. Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.”

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pregnancy announcement in Rita Daniela

Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela

Matatandaang nitong Hunyo inanunsyo ni Rita ang kaniyang pagdadalang-tao. Ito ay una niyang ginawa sa programang ‘All Out Sundays’ ng GMA na kaniyang kinabibilangan. Doon ay sinabi ni Rita na wala naman siyang balak na itago ang pagbubuntis at humahanap lang ng tamang timing para i-share ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ito ang bahagi ng sinabi ni Rita na revelation sa naturang programa. Sinundan ito ng Instagram post niya na open letter para sa anak na ipinagbubuntis. Doon sinabi ni Rita na dumating sa tamang oras ang anak at ito ay itinuturing niyang blessing mula sa Diyos.

“My child, You came just in time and you are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Sa interview naman sa kaniya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas sa ’24 Oras’ ay nagsalita na ang singer-actress tungkol sa daddy ng kaniyang baby.

Ayon kay Rita Daniela, non-showbiz ang kaniyang boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang sanggol at pinili niyang huwag na munang magsalita tungkol dito. Dahil noon pa man ay pribado na ang kanilang relasyon at nais niyang ganito muna ito manatili sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s my non-showbiz boyfriend,” sabi ni Rita Daniela. “It’s my decision not to share anything about us or about him to everybody. He is not a showbiz personality, and he’s a private person. And our relationship has always been private.”

Dagdag pa niya, pinili niyang gawing pribado ang naging pagbubuntis para namnamin ito at ma-enjoy.

“There are some things in life na ang sarap na ikaw lang muna yung tinetreasure mo yung blessing na yun. ‘Yong ninamnam mo yung good news.”

Ito ang nangingiting sabi pa noon ni Rita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement