Paano nga ba nalalaman ang gampanin ng tatay? Napapansin mo bang hindi na tumutulong sa iyo ang iyong partner? Alamin ang sabi ng experts tungkol dito.
Mga mababasa artikulong ito:
- Hindi gaanong tumutulong si Daddy sa pag-aalaga kay Baby? Ito ang mga posibleng dahilan, ayon sa study
- Father child moments: Bonding activities you can try with your little one
Hindi gaanong tumutulong si daddy sa pag-aalaga kay baby? Ito ang mga posibleng dahilan, ayon sa study
Hindi gaanong tumutulong si Daddy sa pag-aalaga kay Baby? Ito ang mga posibleng dahilan, ayon sa study | Larawan mula sa Pexels
Iba-iba ang parenting skills, depende ito sa mga magulang kung paano nila nakikita ang best for their kids. Mayroon ding pagtingin ang lipunan sa magkaibang responsibilidad para sa nanay at tatay. Kadalasan, pagkapanganak ng bata mayroon na kaagad na para bang ‘unwritten rule’ na mayroon na agad tungkulin ang bawat isa para sa parenting.
Kumbaga para bang mayroon nang itinakda kung ano bang kailangan gampanin ng tatay at nanay. Sa mga mommy, parang automatic na kaagad na sila ang taga-alaga sa mga anak at magpuyat para lang mabantayan sila. Sa mga daddy naman, sila ang ini-expect na magtrabaho at mag-provide financially.
Nauuwi ang ganitong kalagayan sa pagtingin na nagkukulang ang tatay sa pag-aalaga sa kanyang anak. Sa isang pag-aaral sa The Ohio State University, nakita nila ang ilang dahilan kung bakit mayroong ibang pagtingin din ang mga lalaki sa kanilang parenting skills bilang tatay.
Narito ang mga sumusunod:
Larawan mula sa Pexels
Gender role ng lipunan
Gaya nga ng nabanggit, mayroon nang itinakda ang lipunan sa kung ano ang role ng bawat magulang. Dahil nga mayroong automatic na responsibility para sa tatay at nanay, ginagampanan lang ng tatay ang sa tingin nila ay ang kailangan nilang gampanan base sa pagtingin ng lipunan.
Depende sa attachment noong childhood
Mahalagang tingnan na factor din ang attachment ng tatay sa kanyang pagkabata. Sasalamin kasi ng kanyang parenting kung paano rin siya itinuring noong kabataan nila. Halimbawa, kung dati ay mayroong secure at stable na attachment noong bata ang isang lalaki ay maaaring magawa rin nila ito sa kanyang anak.
Sa kabilang banda, kung hindi naman siya nagkaroon ng magandang attachment sa kaniyang mga magulangmaaaring ganito rin kanyang magawa sa kanyang anak.
Personality
Maaari ring maging factor ang personality ng tatay. Mayroon kasing tatay na hindi talaga nagiging showy para sa kanilang anak ngunit mayroon din na ipinapakita ito nang buong-buo. Sa ganitong pagkakataon, maaaring makita ng ibang tao na makita as absent dad kung sakaling hindi nila napapakita ang kanilang pagiging loving and caring sa anak.
Father child moments: Bonding activities you can try with your little one
Father child moments: Bonding activities you can try with your little one | Larawan ng Pexels
Magandang kunin ang chance ng day off para maka-bonding ang kids. Hindi rin kasi healthy na palaging work lang ang pinagkaka-busyhan. Bagaman, nakakapag-provide ito ng pinansya sa pamilya, mahalaga rin na may nabubuo kayong alaala habang bata pa sila.
Maraming ideas ang maaring i-try upang maging time ito na makabuo ng memories sa kanila. To help you with this, narito ang ilang bonding activities na pwede ninyong gawin during your day-off:
Explore music together.
Hindi naman kinakailangan na naging magaling kaagad sa simula kung ie-explore ang music and instruments. It takes time para maging magaling pero maaaring ma-enjoy pa rin naman. Maaaring i-try na manood sa Youtube ng mga videos na makapagtuturo sa inyo kung papaano ito gawin.
Turuan siyang mag-bike.
Magandang time ito para maturuan siyang magkaroon ng control sa mga bagay na powerful at kinakailangan ng responsibility. Nabibigyan din ng chance na makipag-communicate sa iyo na magtiwala patungkol sa bagay na ito. Nagkakaroon na rin siya ng panibagong skills na maaaring maging helpful sa kanya later on sa buhay.
Gawin ang favorite memory mo ng childhood.
Balikan ang memory mo with your dad din na sa tingin mo ay best noong childhood mo. Maaari rin itong i-share mo sa iyong anak ngayon upang maalala niya rin ito sa kaniyang pagtanda.
Hindi maiiwasang maiisip mo na para bang hindi mo nagagawa ang gampanin ng tatay sa inyong pamilya. Kung ganito ang iyong nararanasan, tandaan ang ilang mga bagay na ito:
- Comforting para sa mga bata ang yakap na para sa iyo
- Life-changing sa iyong anak ang guidance na mula sa iyo
- Exciting ang bawat adventures na naise-share mo sa pamilya
- Para sa bata, fun and productive ang bonding nila with you
- Powerful din na maituturing ang strength ng tatay para sa bawat anak niya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!