LOOK: Riva Quenery ipinakita ang photo ni Baby Athena, ikinuwento ang birth story

Ibinahagi ni Riva Quenery ang kaniyang panganganak sa baby nila ni Vern na si Baby Athena. Silipin ang birth story niya at photos ng kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby Athena Rae naisilang na! Riva at Vern, masayang ibinahagi sa kanilang vlog ang pinagdaanan sa pagsilang ng kanilang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang karanasan ni Riva at Vern sa pagla-labor kay baby Athena
  • Reaksyon ng fans ni Riva Quenery sa kanilang Baby Athena

Lunes, October 18, 2021, ibinahagi ni Riva Quenery ang kanyang karanasan habang nagla-labor sa kanyang first baby. Mapapanood sa kanyang vlog ang paghahanda ni Riva at kanyang non-showbiz boyfriend na si Vern Ong sa kanyang panganganak.

“Madami ka munang pagdadaanan bago ka maka-relax sa room mo”

Dinala na si Riva sa hospital at patuloy na mino-monitor ang kanyang cervix.

“5:00am nakarating kami dito. in-IE nila ako, 5cm na pala ako nung time na yon kaya pala sobrang sakit na talaga.

Nung nag-9:00am naman, chineck ako, 8 cm na ko agad. Di ko in-expect na ganon ‘yong progress ng cm ko. Nung nag 8cm ako, my water broke sabi ko ‘oh my gosh, ito na ba yon?’

Hindi na talaga tolerable yung pain. Ngayon lang ako nasaktan ng bongga sa IE. Tapos tinanong kung gusto ko na mag-epidural. Sinabi ko talaga ‘yes please’. Give me kasi ang sakit na talaga.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ni Riva na nahihirapan habang nagle-labor, todo rin naman ang bantay ni Vern hanggang mailabas si baby Atheena. Ayon kay Vern,

“Hopefully ngayon na (manganak) kasi hindi kami makatulog. Ang hirap sobra tapos naririnig ko sya sobrang naiiyak siya sa sakit. Nakakatulog sya tapos nagigising sya dahil sa contraction.”

Mapapanood din sa vlog kung paano pilit na inilalabas ni Riva si Baby Athena. Ayon kay Riva,

“I’m trying my best to do a normal delivery pero nagkaproblema sa pagbaba ng ulo ni baby. Dalawang tao na nag-push sa tiyan ko para lang bumaba si baby.

Tried my best not to scream pero hindi ko kinaya yung sakit. Tinry ko ulit kasi ayokong sumuko pero mas lalo siyang sumakit.”

Umakyat ang ulo ng bata habang sinusubukan nya itong ilabas. Ayon sa doktor, kapag hindi iyon bumababa ay kailangan na siyang i-cesarean. Pero nang makitang nahihirapan na sya ay nilapitan sya ni Vern para sabihing i-cesarean na siya.

BASAHIN:

Riva Quenery goes through 3 swab tests, shares how she went through labor

LOOK: Riva Quenery looks stunning in maternity shoot

Riva Quenery: “Nasa isip ko, okay may period na ako-noong January spotting na pala ‘yon”

Sinubukan muli ni Riva na ilabas si baby Athema sa pamamagitan ng normal delivery. 30 minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin bumababa ang bata kaya naman ang kanyang doktor ay napagpasyahang i-cesarean na sya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I really want you to have a normal delivery. Ang problema hindi talaga siya bumababa. Tinry naming i-push. Nag-try siyang bumaba ng ganun tapos aatras na naman.

I’ll have to open you Riva. Pinu-push ka na naming lahat. Wala talaga hindi bumababa ‘yong ulo. I know you want normal delivery pero wala talaga kaming magawa.”

Naipanganak si baby Atheena through caesarean section at nailabas itong malusog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Riva Quenery and Baby Athena

October 12, 2021, 3:42pm nang malusog na nailabas si baby Athena. Binahagi ni Riva sa publiko ang litrato ng kanyang baby. Sinabi niya sa kanyang isang tweet, “Totoo pala talagang pag mommy ka na, picture ka ng picture sa anak mo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng fans ni Riva Quenery sa kanilang Baby Athena

Marami naman sa kanyang fans ang nagbigay suporta sa kanilang dalawa ni Vern.

Ito ang ilan sa komento ng kanilang followers:

“Congrats Ate Riva and Kuya Vern. Seeing the struggle of a mother made me realized the love and sacrifices of our parents to us, especially my mom. Thank you ate Riva for sharing us this moment, it means a lot to us.” “Naiiyak ako habang pinapanood itong vlog. I can’t believe that you and Vern are parents now! Grabe noh? Ang bilis ng panahon. Parang kahapon mo lang ni announce na buntis ka. May your family be blessed more! I’m sure magiging cool na parents kayo ni Vern. Always praying for your family! This is now a new chapter of life, and it will surely be exciting.. Congratulations po ate Riva and kuya Vern!”

Matatandaang ibinahagi din nya sa kanyang vlog ang kanyang mga karanasan habang siya ay nagbubuntis at malapit nang manganak. Linggo-linggo nagpapa-swab si Riva para kahit anong oras ay handa syang magpa-admit sa hospital.

“Every week kailangan ko mag-swab para in case of emergency, kailangan mayroon akong RT-PCR para sa hospital. Kasi hindi ma-admit kung wala kang negative RT-PCR na valid for one week.” 

Marami ang naghintay sa paglabas ni baby Athena. May 16, 2021 ay opisyal na inanunsyo ni Riva sa kanyang Instagram post na sya ay buntis. Patuloy na sinuportahan ng kanyang mga followers mula pagbubuntis hanggang sa maipanganak si baby Athena.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami mang hirap ang pinagdadaanan ng isang babae sa kanyang pagbubuntis, hindi naman matutumbasan ang saya na maidudulot nito kapag nakita mo na ang mukha ng iyong anak. Ika nga ni Riva, “It’s worth the wait.”

Source:

YouTube

Sinulat ni

Kyla Zarate