Riva Quenery ipinasilip sa vlog niya ang buhay niya ngayon bilang isang ina sa kaniyang baby Athena.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang buhay ni Riva Quenery bilang isang ina.
- Mensahe at payo ni Riva sa mga first time moms na tulad niya.
Riva Quenery ipinakita sa vlog niya ang kaniyang buhay ngayon bilang isang ina
Image from Riva Quenery’s Facebook account
Oktubre ng nakaraang taon ng isilang ng aktres at vlogger na si Riva Quenery ang kaniyang baby na si Athena. Ito ay ang unang anak nila ng boyfriend niyang si Vern Ong.
Ngayon, matapos ang apat na buwan matapos makapanganak ay nagpasilip si Riva sa bagong buhay niya bilang isang ina. Sa kaniyang vlog ay ipinakita ni Riva kung paano niya inaalagaan ang kaniyang baby mula umaga hanggang gabi.
Kuwento ni Riva, 5am madalas na nagigising ang anak niyang si Athena sa umaga. Kaya naman ganito na rin ang oras ng gising niya para masigurong mapadede ito.
Sa oras na makatulog ito matapos dumede, ay saka nagpa-pump ng gatas si Riva. Paliwanag ni Riva, sa ngayon ay nagbottlefeed na si baby Athena.
Bagama’t sinisiguro naman niya na ang nadedeng gatas nito ay ang breastmilk niya. Ito ang paliwanag niya kung bakit imbis na direktang i-breastfeed ay ganito ang kaniyang ginawa.
“Si Athena talaga bottle-feed na siya, hindi na siya directly na nanag-breastfeed sa akin. Una, dahil ang naging problem namin kapag nagbe-breastfeed siya sa akin mga parang mga 5 to 10 minutes tulog na siya so hindi napu-full ‘yong stomach niya at lagi siyang gumigising every hour.”
“So tinary namin na mag-bottlefeed, tapos ‘yon nauubos talaga niya ‘yong milk. HIndi na nainterrupt ‘yong tulog niya. Kawawa kasi talaga kapag nagigising niya sa gutom.”
Ito ang paliwanag ni Riva. Dagdag pa niya, isa pang dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang sanaying i-bottlefeed si baby ay dahil nagtratrabaho siya. At hindi naman buong araw niyang makakasama si baby at direktang mapapasuso.
Riva Quenery vlog about being a mom/Image from YouTube video
BASAHIN:
Riva Quenery’s dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: “I felt betrayed”
Iya Arellano and Neri Naig-MirandaShare Their Madiskarteng Tips on How to Provide the Best Care & Happiness for your Babies with Babyflo’s New Look!
How to discipline your baby: 10 things to keep in mind
Realizations ni Riva ng maging isang ina
Pero sa mga oras na nasa bahay siya ay very hands-on si Riva sa pag-aalaga sa anak. Siya ang nagpapaligo dito, nagpapadede at nagpapalit ng diapers niya kung kinakailangan.
Bagama’t minsan siyempre ay kinakailangan niya parin ang pag-aalalay ng kanilang yaya. Nakakaligo at nakakain lang umano siya sa oras na makatulog na si baby. Ito rin ang oras na ginagamit niya para gawin o tapusin ang ilan sa kaniyang mga trabaho.
“Tama nga ‘yong sinasabi nila na kapag tulog ‘yong baby don muna gawin ‘yong mga dapat mong gawin. Kasi kapag gising na ‘yan maghahanap na ‘yan ng kausap.”
Ito ang isa sa mga naging realizations ni Riva ng maging isang ina.
Habang nakaharap sa kaniyang laptop at nagtratrabaho para sa kaniyang vlog ay nakakailang hikab si Riva. Sa video ay sinabi niyang nakakapagod talaga ang trabaho ng isang ina.
Pero masuwerte umano siya na hindi tulad ng iba ay nakaranas siya ng depression matapos manganak. Kaya naman bilang pagpapakita ng suporta sa mga mommies na dumadaan sa postpartum depression ay ito ang mensahe niya.
“I won’t deny the fact that sometimes I’m too tired to function. But I’m just so luck I didn’t suffer from postpartum depression. For me the good days outweigh the bad.”
“I pray for all the moms who go through that. YOU GOT THIS! In case you need to hear this today: You’re doing great. It will be okay. Be gentle with yourself, Mama!”
Payo ni Riva sa mga first time moms na tulad niya
Image from YouTube video
May ilang paalala rin si Riva na iniwan para sa mga first time moms sa kaniyang latest vlog pagdating sa pag-aalaga sa kanilang baby.
“Sa mga first-time moms always check yung kanilang diaper area kung may rash. Kung meron puwede ninyo siyang lagyan ng rash cream.
Noong nag-pedia kami ni Athena akala ko normal lang na medyo red yung underarms niya yun pala parang sign na yun ng rashes. So binigyan niya ako ng advice na lagyan ko daw ng rash cream.”
Pagdating naman sa pagpapalit ng diapers, ito ang payo ni Mommy Riva.
“Sa mga mommies dyan na may girl na babies, always swipe dowm huwag mag-swipe up, baka ma-stock yung dirt sa pempem nila.”
Ito ang sabi pa ni Riva.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!