LOOK: TV host na si Robi Domingo ikinasal na sa non-showbiz girlfriend na si Maqui Pineda

Kasal natuloy sa kabila ng malalang sakit na nilalabanan ni Maqui.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo at Maqui Pineda wedding dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan sa mundo sa ng showbizness. Daniel Padilla at Kathryn Bernardo present sa kanilang kasal bilang candle bearers.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Robi Domingo and Maqui Pineda wedding.
  • Engagement ni Robi at Maqui.

Robi Domingo and Maqui Pineda wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Naganap narin sa wakas ang kasal nina Robi Domingo at Maqui Pineda. Ito ay nangyari nitong January 6, 2024 sa ganap na alas-tres ng hapon sa San Isidro Labrador Diocesan Shrine and Parish sa Pulilan, Bulacan. Sinundan ito ng masayang reception sa North Polo Club.

Ang kasal nila masasabing intimate pero dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan sa mundo ng showbizness. Ilan nga sa present sa kanilang kasal ay ang mga nakasama ni Robi sa Pinoy Big Brother TV show na sina Bianca Gonzales at Melai Cantiveros. Marami rin ang kinilig na makitang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal. Sina Kathryn at Daniel tumayong candle bearers sa kasal nina Robi at Maqui. Present din sa kasal si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na kumanta pa at sumayaw kasama ang anak niyang si Gab.

Samantala, ang mga ninang at ninong sa kasal nila Robi ay kabilang ang mga ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes. Present din sa event bilang ninang si dating Vice-President Leni Robredo.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Engagement ni Robi at Maqui

Sa kanilang kasal si Robi makikitang hindi matigil sa pag-iyak. Matatandaang November 2022 ng magpropose ng kasal si Robi kay Maqui sa Japan. Agosto ng nakaraang taon naman ng ibahagi ni Maqui na siya ay na-diagnosed na may autoimmune disease na kung tawagin ay Dermatomyositis. Ang naturang sakit nagdulot ng muscle weakness at skin rash. Pero sa kabila nito sinabi ni Robi na matutuloy ang kanilang kasal ayon sa plano at ito nga ay naganap na.

“We talked about it. And honestly, because of her condition, I was the one who told her baka dapat i-delay natin nang konti, kasi medyo iniisip ko na ‘yung health niya e. And then, siya ‘yung nagsabi na, ‘Don’t. Give me something to hope for.’ And upon hearing that, siyempre, umiyak ako.”

Ito ang sabi ni Robi sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congrats Robi and Maqui!

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement