Robi Domingo sa fiancée niyang si Maiqui Pineda na na-diagnose na may rare autoimmune disease: “Whatever happens, I choose you.”

Si Robi at Maiqui ay na-engage nitong nakaraang taon. Kamakailan lang ay umalis na si Robi sa kaniyang bachelor pad para simulan na ang pagpapagawa ng magiging bahay nila ni Maiqui kapag sila ay naging mag-asawa na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo emosyonal sa pinagdadaanan ng fiancée niyang si Maiqui Pineda. Ang dapat sanang mga oras na ginagamit nila para maasikaso ang kanilang kasal, napalitan ng mga oras sa pagpapagamot at treatment ni Maiqui. Magkaganoon man si Robi, sinigurong si Maiqui parin ang pipiliin niya hanggang sa huli.

Mababasa dito ang sumusunod:

Mensahe ni Robi Domingo sa fiancée niyang si Maiqui Pineda

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Sa isa sa kaniyang Instagram post tungkol sa pagrerenew niya ng kontrata sa ABS-CBN ay naging very emotional ang TV host na si Robi Domingo. Base sa caption ng post ni Robi, habang pumipirma ng kontrata, ang fiancée niyang si Maiqui ang nasa isip niya. Si Maiqui na-diagnose na may rare autoimmune disease kamakailan lang. At ito ay kasalukuyang labas-pasok sa ospital para sa kaniyang treatment.

“This moment has given me a deeper appreciation of what it is to be a KAPAMILYA. I just couldn't stop thinking about my fiancé and her condition while signing this contract. There has been that tug-of-war of feelings so maybe that's why the flood gates just kept pouring.”

“Maiqs, whatever happens, I choose you. Can't wait to sign our contract. ?"

Ito ang caption ng post ni Robi na kalakip ang mga larawang makikita na naluluha ang kaniyang mga mata sa naganap na contract signing.

Rare autoimmune disease ni Maiqui

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Maiqui ang kaniyang kondisyon. Siya ay na-diagnose na may sakit na Dermatomyositis. Ito ay isang rare autoimmune disease na nagpapahina ng muscles sa katawan at nagdudulot ng pamamaga at rashes sa balat.

Ayon kay Maiqui, ang dapat sanang busy na taon na pag-aayos nila ng kasal ni Robi ay napunta sa pagpapagamot niya sa sakit.

“What was supposed to be an exciting year of wedding planning, preparing for a new home and working on my career, life had other plans for me… I got sick.”

Ito ang bahagi ng IG post ni Maiqui tungkol sa nilalabanang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maiqui Pineda

Pero ang TV host na si Robi Domingo, all out ang support sa fiancée niyang si Maiqui.

“Really proud of your progress and your courage. You got this. Everyone is here for you and with you. Gotchu maiqs. ❤”

Ito ang mensahe pa ni Robi sa kaniyang fiancée.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement