Robi Domingo sa pagkasawi ng kaniyang lola sa mismong araw ng kasal niya: “Bittersweet”

Ayon kay Robi, umaga nasawi ang lola niya pero piniling itago na muna sa kaniya ng pamilya nila para maka-focus siya sa kaniyang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo grandmother nasawi sa mismong araw ng kasal niya. TV host ibinahagi ang bittersweet na kuwento sa kaniyang Instagram account.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kasal ni Robi Domingo at Maqui Pineda.
  • Robi Domingo on grandmother death.

Kasal ni Robi Domingo at Maqui Pineda

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Nitong January 6, 2024, Sabado, ay ikinasal na ang TV host na si Robi Domingo sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Maqui Pineda. Ang kanilang naging kasal inabangan ng marami. Sapagkat pagkatapos ng kanilang engagement noong nakaraang taon ay natuklasang may autoimmune disease si Maqui. Pero magkaganoon man hindi nila hinayaan ito na maging dahilan para hindi matuloy ang kanilang kasal. At si Robi very vocal sa kaniyang nararamdaman at sinabing hindi aalis sa tabi ni Maqui hanggang sa tuluyan itong gumaling.

Kaya naman sa kanilang naging kasal, hindi lang si Robi ang masaya. Kung hindi pati narin ang mga taong nakasaksi ng kuwento ng pagmamahalan nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo on his grandmother death

Sa bago niyang Instagram post ay ibinahagi ni Robi ang kaniyang nararamdaman matapos maikasal. Ayon sa TV host ay “bittersweet” daw para sa kaniya ang araw ng kasal niya. Sapagkat sa mismong araw ay nasawi rin ang kaniyang lola. Balitang piniling itago muna sa kaniya ng kaniyang pamilya para maka-focus siya sa kaniyang kasal.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bittersweet.

January 6 was the happiest day of my life. My heart was filled with immense gratitude -from preps in the morning, to the ceremony, to the reception which lasted until dawn.

As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently, my family didn't tell us so that our focus was our magical day.”

Ito ang pagkukuwento ni Robi kung paano niya nalaman ang pagkamatay ng kaniyang lola sa mismong wedding day niya.

Hindi man niya naabutan ito ng buhay, si Robi nag-iwan nalang ng mensahe sa lola niya na siyang nag-alaga daw sa kaniyang noon siya ay maliit pa.

“"Ina", as I fondly called her, took care of me especially when I was a toddler. I loved how she made her ube halaya and Leche flan sa llanera.

Rest in peace, ina. Please look after us together with ama. Thank you, and we love you. ❤️”

Ito ang sabi pa ni Robi Domingo kaugnay sa pagkamatay ng grandmother niya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement