Robi Domingo ng mag-asawa: “Ngayon, wala na akong kalyo. Babad sa labada, babad sa dishwashing”

Misis ni Robi nabigyan na ng go signal na magbalik trabaho ng doktor. Hiling ni Robi, sana sa susunod ay mabigyan narin sila ng go signal na magkaanak na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo wife na si Maqui Pineda bumubuti na daw ang health condition. TV host nagbahagi ng mga pagbabago sa buhay niya ng makapag-asawa.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pagbabago sa buhay ni Robi Domingo ng makapag-asawa

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Sa latest na interview sa TV host na si Robi Domingo ay ibinahagi nito ang naging pagbabago sa buhay niya ng makasal sila ng misis niyang si Maqui Pineda. Ayon kay Robi, matagal siyang namuhay ng mag-isa sa bahay noong siya ay single pa. Kaya naman ngayon na may asawa siya ay marami siyang naging adjustments sa buhay niya. Isa na nga dyan ang paggawa ng mga gawaing-bahay.

"I don't have house help. Before, ang hilig ko mag-work out, puro kalyo. Ngayon, wala na akong kalyo. Babad sa labada, babad sa dishwashing.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Robi.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo wife Maqui Pineda health condition

Ibinahagi rin ni Robi sa parehong panayam na bumubuti na ang kondisyon ng kaniyang misis na si Maqui. Ito ay na-diagnose na may autoimmune disease bago sila maikasal. Pero ngayon ay unti-unti na daw bumubuti ang kondisyon nito. Sa katunayan ay nabigyan na daw ito ng doktor ng go signal na magbalik sa pagtratrabaho.

Sa ngayon patuloy daw ang pag-inom ng gamot ng kaniyang misis. At hiling niya sana ang susunod naman na ibigay na go signal sa kanila ng doktor ay ang para sa pagkakaroon na nila ng anak.

"Hopefully, we can get clearance so we can start a family. We are waiting for clearance from the doctor.”

Ito ang sabi pa ni Robi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Dahil sa improvement ng kalusugan ng misis, ayon kay Robi ay binabalak nilang lumipat sa mas malaking bahay sa susunod na taon. At sana doon na nila masimulan ang pamilya na pinapangarap nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement