Robin Padilla nagbigay ng mga parenting advice sa anak na si Kylie Padilla.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga parenting advice ng aktor na si Robin Padilla sa anak na si Kylie Padilla.
- Robin Padilla bilang ama sa anak na si Kylie Padilla.
Robin Padilla and Kylie Padilla heart-to-heart talk
Image from Kylie Padilla’s Instagram account
Matapos ang mga isyung pinagdaanan, ay nito lamang Sabado, November 27, muling nakita ng publiko na nagkausap ng heart-to-heart ang mag-amang sina Robin at Kylie Padilla.
Ito ay sa vlog ni Kylie na kung saan in-interview niya ang ama upang maibahagi sa kaniyang fans at followers kung paano maging anak ng isang Robin Padilla.
Sa kanilang pag-uusap ay ibinahagi ni Robin ang ilan sa mga memories niya noong bata pa si Kylie. Kuwento niya, ang pagdating ng anak na si Kylie at mga kapatid nito ang nakapagbigay ng direksyon noon sa buhay niya.
“Nabawasan na ‘yong pagiging wild ko. Noong hindi pa ako tatay talagang gangster ang tatay mo. Wala kaming kinatatakutan noong panahon na ‘yon.
Pero noong dumating kayo na-rerealize ko na naku hindi ako puwedeng mautas ngayon ha. Hindi ako puwedeng mawala ngayon, papaano itong mga batang to.”
Ito umano ang naramdaman noon ni Robin ng siya ay maging ganap na isang ama na.
Pero hirit niya, hindi lang siya ang nabago ang buhay ng maging ganap na isang magulang na siya. Kahit nga umano ang ina ni Kylie ay nabago ang buhay ng magkaanak na.
“Noong dumating kayo sa buhay namin naglay-low kami talaga. Kasi kahit mama noon. gangster din,” natatawang kuwento ni Robin.
Sa asawang si Liezl Sicangco ay may naging apat na anak si Robin. Ito ay si Kylie, Quennie, Zherileen at Ali Padilla.
Image from Kylie Padilla’s Instagram account
Robin Padilla bilang isang ama
Sa mga kaniyang naging karanasan, kuwento ni Robin bata palang si Kylie ay nakikita na nito ang strong personality ng anak. Sa katunayan, ay naisip niyang si Kylie ang papalit sa trono niya bilang isang mahusay na action star.
Kuwento naman ni Kylie, ang lahat ng nalalaman niya ay utang niya sa amang si Robin Padilla. Dahil sa bata pa lang nilang edad ay marami itong itinuro sa kanilang magkakapatid. Kakaiba man ang paraang ng ama, alam nilang naging effective ang parenting style nito sa kanila.
“The way that you teach us is not book, you make us experience it and we just observe tapos natututo ka na.”
Ganito daw kung paano naturuan at napalaki ni Robin ang mga anak. Kuwento pa nga ni Kylie ay natatandaan niya kung paano sila dinadala ng ama sa iba’t ibang lugar para matuto ng history at makita ang tunay na mukha ng mundo. Higit sa lahat kung paano sila maagang tinuruan ng martial arts ng ama partikular na siya.
Pagbabahagi ni Kylie sa kaniyang ama na si Robin Padilla,
“Proud na proud ako sa sarili ko kasi na-please ko ‘yong tatay ko. Bata pa lang talaga ako I was daddy’s girl.
Siguro nakuha ko po sa inyo ‘yon, ‘yong pagiging adventurous saka kapag kasama ko talaga kayo I am having so much fun. Natsa-challenge ako bilang babae.
You trained me really well. I love the way you parented us.”
Pahayag naman ni Robin,
“Ang bata na walang ugat ligaw ‘yon, maliligaw ‘yon. Hinahanda ko na kayo sa mundo. Ito ‘yong mundong aabutan kaya dapat mulat kayo.
Ako inaamin ko hindi ako ‘yong normal na tatay. Pero hindi ako nagpabaya. Binigay ko naman ang lahat.”
Ito naman ang sagot ni Robin kung bakit mas pinili niyang maging expose sa realidad ng buhay ang mga anak sa bata pa lang nilang edad.
BASAHIN:
Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”
Kylie Padilla tweets “#passdivorcebill” matapos ang kontrobersyal na post ni Aljur Abrenica
Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”
Parenting advice ni Robin sa anak na si Kylie
Image from Kylie Padilla’s Instagram account
Ngayong, dahil isa naring ina si Kylie ay may parenting advice ang amang si Robin na ipinayo sa kaniya.
“Number one, itanim mo sa mga anak mo ‘yong faith, ‘yong magkaroon sila ng faith sa God.”
“Number 2, huwag mong ilayo sa tatay nila. Kailangan may father image, ano man ang pinagdadaanan ninyong dalawa, anuman ang arrangement ninyo.”
“Pangatlo, huwag mong palalakihing spoiled. Kailangan talaga hahayaan mong masasaktan. Kasi iba ang lalaki sa babae.”
Maliban dito, pagbibigay-diin ni Robin, napakahalagang i-encourage ng mga magulang ang anak na mag-aral. Isang bagay na bahagya niyang pinagsisihan na hindi na-instill sa mga anak na sina Kylie.
“Kailangan i-encourage natin sa pag-aaral. Naniniwala ako na ang pagpapalaki ng bata dapat dalawang kamay din. May on-the-job, mayroon ding eskwela.”
“Sa ano mang aspeto, emotional, physical, lahat laging dapat nakasuporta ka doon. Huwag mong sundan, huwag mong spoiledin.”
Ito ang payo ni Robin Padilla sa anak na si Kylie.
Pero sa kabuuan, sabi ni Robin Padilla, bilang isang ama ang kasiyahan niya ay naka-depende sa mga anak niya.
“Basta masaya mga anak ko, masaya ako. Kapag malungkot mga anak ko, malungkot ako,” sabi pa ni Robin Padilla.
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!