TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mag-asawang Robin Padilla at Mariel Padilla binatikos ng publiko dahil sa insensitive umanong pahayag tungkol sa marital rape

3 min read
Mag-asawang Robin Padilla at Mariel Padilla binatikos ng publiko dahil sa insensitive umanong pahayag tungkol sa marital rape

Paglilinaw ng abugadong si Atty. Lorna Kapunan, pagdating sa usaping sex hindi trabaho ng misis na pagsilbihan ang mister niya.

Robin Padilla and Mariel Padilla conversation about sex sa social media binatikos ng publiko.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Marital rape statement ni Robin Padilla.
  • Robin Padilla and Mariel Padilla sex conversation sa social media.

Rape statement ni Robin Padilla

mariel and robin padilla

Larawan mula sa Facebook

Naging unang usap-usapan sa social media si Sen. Robin Padilla matapos ang naging palitan nila ng pahayag ni Atty. Lorna Kapunan sa isang senate inquiry tungkol sa rape. Si Sen. Padilla nagtanong kung maituturing bang rape kung pipilitin ng isang lalaki ang kaniyang misis na makipagtalik sa oras na siya ay nasa mood.

Ito ang bahagi ng pahayag noon ni Sen. Padilla.

“Halimbawa po, syempre hindi mo maaalis sa mag-asawa na ang paniwala meron kang sexual rights sa asawa mo eh. So halimbawa, hindi mo naman pinipili eh kung kailan ka in heat. So paano ‘yun kapag ayaw ng asawa mo? Wala pong ibang paraan talaga para maano ‘yung lalaki? So paano yun? Mambababae ka na lang ba? Eh di kasong kaso na naman ‘yun.”

Nagpatuloy pa si Sen. Padilla sa pagtatanong na sinasabing maraming lalaking tulad niya ang ito rin ang tanong.

“Halimbawa mapilit yung lalaki. Ano yung sa legal na puwede niyang gawin? Puwede bang will you help me na lang? Kapag Tagalog kasi hindi mo masabi baka bastos ang dating. Anong puwedeng gawin na lang ng babae?”

“Siguro naman sasangayon naman sa akin ang mga taumbayan kapag sinabi kong may ibang urge talaga ang mga lalaki talaga. Talagang nandun eh. So paano ‘yun nandyan ang asawa mo to serve you, ayaw niya? So paanong, anong puwede kong sabihin sa kanya? Mahal o babe, ano ba? Please help me in a way.”

Ito naman ang naging sagot ni Atty. Kapunan sa katanungan niya.

“Kailangan po ng counseling o magdasal na lang po kayo. Manood po kayo Netflix o Korean Telenovela.”

Dagdag pa ni Atty. Kapunan na mahalaga ang mutual respect sa mag-asawa. Lalo na sa usapin ng sex at pagdidiin pa ng abugada hindi trabaho ng misis na pagsilbihan lang ang mister niya.

“If your spouse refuses, whether valid or hindi, respetuhin natin ‘yung decision ng wife or ng husband in that case.”

Ito ang sabi pa ni Atty. Kapunan kay Sen. Padilla.

Robin Padilla and Mariel Padilla sex conversation sa social media

robin padilla and mariel padilla relationship

Larawan mula sa Facebook

Matapos ang viral na usapan na ito ni Sen. Robin Padilla at Atty. Kapunan, ay naging mas mainit pa ang pangalan ng dating aktor ng magpost sa social media ang misis niyang si Mariel Padilla.

Sa Facebook ay nagshare si Mariel ng larawan nila ni Robin na naghalikan at ang caption ng post niya ay ito.

“Oh may consent yan ah. ”

Sa post niyang ito ay nag-comment ang mister niyang si Robin na ito naman ang sinabi.

“Hello babe. I’m in heat ????????????????????????”

Si Mariel agad na nagreply sa kaniyang mister.

“It’s a tie… I’m feeling hot hot hot ????????????????????????.”

Ang palitan ng pahayag na ito ni Robin at Mariel hindi nagustuhan ng marami at tinawag silang insensitive. Ikaw anong masasabi mo tungkol sa isyung ito?

robin padilla and mariel padilla relationship

Larawan mula sa Facebook

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mag-asawang Robin Padilla at Mariel Padilla binatikos ng publiko dahil sa insensitive umanong pahayag tungkol sa marital rape
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko