X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Rocco Nacino and Melissa Gohing are going to have a baby boy!

5 min read

Rocco Nacino at Melissa Gohing boy ang magiging first baby. Narito kung paano nila ginawa ang gender reveal ng kanilang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rocco Nacino and Melissa Gohing baby gender reveal
  • Paghahanda ni Rocco at Melissa sa pagdating ng kanilang baby

Rocco Nacino and Melissa Gohing baby gender reveal

LOOK: Rocco Nacino and Melissa Gohing are going to have a baby boy!

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Excited na ang expecting parents na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing na ma-meet ang kanilang baby. Lalo pa’t sa ngayon ay alam na nila ang gender nito na isang boy.

“We’re having a baby BOY!!!! So grateful to have our friends and family with us as we were surprised by our siblings last weekend!! Galing ng prank!!!”

“A new terror is coming to the house!”

Ito ang masayang sabi ni Rocco sa kaniyang Instagram post tungkol sa naganap nilang baby gender reveal.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Ang nangyaring baby gender reveal ni Rocco at Melissa ginanap sa kanilang bahay na nasaksihan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kaniya pa ring Instagram account ay ibinahagi ni Rocco ang ilang tagpo sa kanilang baby gender reveal. Pagkukuwento pa nga ng aktor, hindi nila nagawa ang original plan sana ng magiging gender reveal ni baby. Dahil sa hindi magandang panahon ay kailangan nilang gawin ang event sa loob ng kanilang bahay.

Pero magkaganoon man ay naging successful ang naturang event na napakahalaga para kay Rocco at Melissa pati na sa kanilang paparating na baby.

“Thankful for loved ones who joined us in person and via Zoom! The weather did not allow us to do our gender reveal outside but luckily we had space inside the house to do the surprise!”

Ito ang sabi pa ni Rocco na nag-share rin sa kaniyang Instagram account ng mga larawan sa ginanap na baby gender reveal.

Samantala, si Melissa ay super happy rin na malaman na ang gender ng kanilang baby. Dahil si Melissa, una pa lang ay baby boy na ang hiling. Hirit niya nga ngayon na nalaman nilang boy ang first baby nila ni Rocco, tanggap niya na daw na magiging mini me ito ng aktor. Handa na rin daw siya sa kakulitan nito.

“Boy oh boy! We are overwhelmed with joy! Tanggap ko na mini me mo ito @nacinorocco. Getting rid of my heels to chase this wild little boy. Mana sayo! Haha!”

May maikili rin siyang mensahe para kaniyang little boy na siyang bubuo na ngayon ng bagong mundo at pamilya nila ni Rocco.

“You are going to be daddy’s boy & mommy’s world.”

“My sweet boy, you are more than we ever expected & better than we ever imagined.”

rocco nacino and melissa gohing baby boy

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Bumuhos naman ang pagbati at saya ng mga malalapit na kaibigan ni Rocco at Melissa ngayong tukoy na nila ang gender ng kanilang baby. Pati sila ay excited na sa new adventures na papasukin ni Rocco at Melissa sa pagkakaroon ng isang baby boy.

luchoayala: Congrats, Mel & Rocco!

iyavillania: Waaaaah!!! Congraaaaats!!!

xianlimm: congrats lodi

Sa mga naunang post ni Rocco at Melissa ay tinagurian na nilang si ‘Baby N’ ang ipinagbubuntis nilang sanggol. At makikitang sa mga post nila ay labis-labis ang kasiyahang nadarama nila sa nalalapit na pagdating nito.

BASAHIN:

Carla Abellana humingi ng respeto mula sa mga netizens: “No to anything toxic.”

Marian Rivera nag-iingat na sa mga sexy outfit: “Kailangan maging conscious sa ipinapakita ko sa anak ko.”

Donita Rose ayaw pang maging kaibigan ng kaniyang ex-husband: “I didn’t realize that I was hurting him even more.”

Paghahanda ni Rocco at Melissa sa pagdating ng kanilang baby

LOOK: Rocco Nacino and Melissa Gohing are going to have a baby boy!

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Sa ngayon, bilang paghahanda sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby ay mga pagbabago na daw na ginagawa si Rocco at Melissa sa buhay na dating nakasanayan nila. Apela nga nila sa kanilang mga fans ay gabayan rin sila sa pag-aalaga sa kanilang anak. Bilang first time parents, malaking tulong daw ang mga tips at advice na maibibigay sa kanila.

“I hope you guys are inspired also at sana matulungan niyo din kami with your tips and advice bilang first time parents kami. We are looking forward na makapagcreate ng mga memories along with you guys.”

Ito ang nasabi ni Rocco sa vlog nila ni Melissa na may titulong ‘Life with the Nacinos’.

Sa naturang vlog ay ibinahagi rin ni Rocco at Mel kung paano sila nahirapang makabuo. Ito ay dahil sa tinataglay ni Mel na kondisyong PCOS o Polycystic ovary syndrome.

“We’ve been praying for this how many months kasi nagkaroon ako ng PCOS which is the polycystic ovary syndrome which means na hindi ako nagiging fertile kaya ‘yong matagal na kaming nagta-try ‘di ba? For many months pero ‘yon, hindi kami nakakabuo.”

Kaya naman sa ngayon na buntis na si Melissa at nalalapit ng manganak, wala na nga silang kasing saya ni Rocco. Ang sigaw nila, “We’re gonna be a family!”

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Congrats Rocco and Melissa!

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Rocco Nacino and Melissa Gohing are going to have a baby boy!
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.