Nitong araw ng mga puso, February 14, sa pamamagitan ng Instagram ay ibinahagi ng aktor na si Romnick Sarmenta na siya ay tatay ng muli sa pang-anim niyang anak at una nila ng girlfriend niya ngayon na si Barbara Ruaro. Ang balitang ito ay ipinost ni Romnick sa kaniyang Instagram stories na orihinal na nagmula sa girlfriend niyang si Barbara.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-welcome nina Romnick Sarmenta at Barbara Ruaro sa kanilang first baby
- Relasyon nina Romnick Sarmenta at Barbara Ruaro
Romnick Sarmenta and Barbara Ruaro welcomes first baby
Sa larawang itinampok niya sa kaniyang IG stories ay makikita ang mensahe ni Barbara para kay Romnick kalakip ang isang piraso ng papel na may nakasulat na “Congratulations. Happy Valentines.”
Ito ang mensahe ni Barbara para sa aktor.
“After an almost 24-hour labor… Salamat, Lord. Salamat, Nicko. Mahal na mahal ko kayo, @nicksarmenta. Mahal na mahal na mahal.”
Ito naman ay sinagot ng aktor. Narito ang kaniyang mensahe.
“Mahal na mahal ko din kayong dalawa Barbara.”
Sa ngayon ay wala pang ibinabahaging dagdag na impormasyon ang magkasintahan tungkol sa kanilang anak.
Romnick Sarmenta and Barbara Ruaro pregnancy
Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon ng ianunsyo ni Romnick at Barbara ang pagbubuntis at sila ay magkakaanak na sa pamamagitan parin ng social media.
Sa post ni Romnick sa kaniyang Instagram account ay ipinagpasalamat niya sa Diyos ang pagbibigay sa kanila ng blessing na ito.
“I B A
Infinitely Blessed with Your Affirmation
Iba Ka Panginoon, maraming salamat po”
Ito ang pahayag ni Romnick. Habang si Barbara naman ay tinawag ang blessing na ito sa kanilang pagsasama na Little Bean.
“Thank You, dear God, for the gift of life!
The cross that appeared on my test and this miracle as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation.
I praise and thank You for my Nicko, as well as all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support.
See you on February, Little Bean.”
View this post on Instagram
Romnick Sarmenta and Harlene Bautista’s separation
Taong 2018 ng ipaalam sa publiko nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na sila ay nagdesisyong maghiwalay na. Ito ay matapos ng 19 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Walang binanggit na dahilan ang dalawa sa kanilang paghihiwalay.
Itinanggi rin nila na ito ay dahil sa 3rd party na inaddress ni Romnick sa pamamagitan ng isang open letter sa kaniyang Facebook account noong June 15, 2020. Ayon kay Romnick, walang dapat sisihin sa kanilang naging desisyon. Ito ay para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng kanilang mga anak na parehong nasa priority parin nila.
Romnick’s message to the public
“It is public knowledge that I have been separated from my ex-wife since 2018, the details of which we never really went into, nor desire to ever speak of. And I would appreciate it if people leave it at that. Much had been said about both of us, and I guess to a certain degree, more about me and my character, by people who do not know me personally. But to set things straight, there was no third party when it happened. I wanted that clear. Because I feel it is a disservice to the people who will be in both our lives, to accuse them of being at fault, when my ex-wife and I clearly both know that they are not.
I respect the mother of my children very much. Her privacy and her happiness is still valuable to me. And I want her to be able to live freely from all these.
Above all that, I want to protect my children from careless comments and accusations thrown at their parents. They know the truth, and they guard precious memories of our family with their hearts, and I just want to protect them and those memories they cherish.
I will always be as I have been a father and a friend to them. No matter what.”
Ito ang bahagi ng pahaya ni Romnick sa kaniyang open letter.
BASAHIN:
Sophie Albert at Vin Abrenica engaged at magkaka-baby na!
7 paraan kung paano turuan maglakad ang baby
6 panlalait sa baby na natanggap ng mga nanay
Romnick Sarmenta and Barbara Ruaro’s relationship
Image screenshot from Romnick Sarmenta’s Instagram account
Sa parehong open letter ay nabanggit na rin ni Romnick na siya ay may napupusuan ng bagong babae. Ito ay isinalarawan niya bilang insightful, talented at passionate individual na kaniyang inaadmire.
Bagama’t ang babaeng ito ay hindi niya pinangalanan, hinihiling niya na sana ay respetuhin ito ng publiko at iwasang tawagin ng mga pangalang hindi naman karapat-dapat sa kaniya. Pahayag ni Romnick,
“These past few days, people had been talking about me and a person whom I respect greatly. What people do not know about her is that she is an insightful, talented, passionate individual with several advocacies that mirror my beliefs. That she is a person of great importance to me, deserving of respect and privacy. That I see her equal to anybody else, never less and never more than the beautiful person that she is. And that I see her as my equal, and at a lot of times – a person whom I admire. That for me – for her to be known as a just a person who is with me – is a grave insult to her, and a disservice to what she means to me.
Because of me, she had been called names, accused of things that she is not and do not do, and had been exposed to scrutiny that she doesn’t deserve. Only her intelligence, wisdom, trust and knowledge of me stopped her from going away. And I am grateful. For her. Of her.”
Their relationship timeline
Ang spekulasyon na ito ng publiko sa pagkakaroon ng bagong babae sa buhay ni Romnick ay dahil sa post niya ng isang larawan ng babaeng may hawak na mga rosas na may note na “Nicko” na nakasulat dito noong May 19, 2020. Sa larawan ay hindi makikita ang mukha ng naturang babae na may hawak na bulaklak.
View this post on Instagram
Sa parehong araw ay nag-post din si Barbara ng black and white niyang larawan na may hawak ng bouquet ng mga rosas na may nakasulat na mensaheng “Thank you, N. You make my heart swell.” Ito ay halos kapareho ng ibinahaging larawan ni Romnick sa kaniyang Instagram account.
Hanggang ng June 21, ay nagpost na ng larawan si Romnick na kasama si Barbara. Si Barbara ay ganoon din ang ginawa na kumpirmasyon na sila nga ay may relasyon.
Image screenshot from Romnick Sarmenta’s Instagram account
Sinundan ito ng paglalabas ni Romnick ng mukha ng babaeng may hawak na rosas sa mga nauna niyang larawan, at ito nga ay si Barbara.
Image screenshot from Romnick Sarmenta’s Instagram account
Base sa mga post ng dalawa, tinatawag nila ang kanilang relasyon na itinadhana at blessing mula sa Diyos.
Si Barbara ay isang indie film actress. Gumawa siya ng ingay nitong 2019 matapos isapubliko ang naranasan niyang pang-aabuso sa kamay ng ex-partner noon na si Marcus Adoro. Si Adoro ang lead guitarist ng bandang Eraserheads.
Source:
GMA, ABS-CBN
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!