LOOK! Nanganak na ang actress na si Roxanne Barcelo

Silipin ang bagong silang na baby ni Roxanne Barcelo, at alamin ang kaniyang pregnancy journey. Alamin din ang ilan niyang tips.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nanganak na ang actress na si Roxanne Barcelo, isinlang niya ang kanyang baby boy sa may Makati Medical Center.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Limang tips kay roxanne na natutunan niya
  • Ang mga karanasan niya sa pagbubuntis
  • Tatlong tips para sa balanse at masustansyang diet

Pag-welcome ni Roxanne Barcelo sa kaniyang baby

Sinalubong na nga ng actress/influence na si Roxanne Barcelo ang kaniyang unang anak sa kaniyang non-showbiz husband. Masayang ibinalita ng aktres na kaniya na niyang isinilang ang kanilang panganay sa kaniyang Facebook account.

Larawan mula sa Facebook account ni Roxanne Barcelo

Pregnancy journey ni Roxanne Barcelo at kaniyang baby

Ibinahagi ni Barcelo sa kaniyang YouTube channel ang kanyang pregnancy journey, at nag labas siya ng video na may titulong 

Sa video na ito pinag-usapan niya ang mga karanasan niya at ang mga ginawa niya kasama ng kaniyang asawa. Upang mabuntis at nagbigay rin siya ng tips na nakatulong sa iba pang mommy na nagbubuntis o ninanais magbuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang intro sabi niya na kakailanganin ng isang buong taon para maging handa ang kanyang katawan para magkaroon siya ng anak kasama ang kanayang asawa. 

Pero disclaimer ayon sa kaniya hindi umano siya eksperto pero gusto lamang niyang ibahagi ang kaniyang mga paghahanda at pregnancy journery,

“Pero disclaimer hindi naman siya reproductive expert.”

5 tips na ginawang paghahanda ni Roxanne Barcelo para magka-baby

  •  Nagpahilot umano siya at least dawalng beses kada buwan para umangat ang kaniyang matris/uterus sapagkat mababa umano ang kaniyang matris. Sanhi umano ito ng pagbubuhat niya ng mabibigat na bagay,

“Nagpahilot ako once evert two weeks for 4 months”

  • Sinubukan din niya ang pagpapa-acupuncutre. Para umano magkaroon siya ng good energy at good chi sa kaniyang reproductive system.
  • Nag-sauna umano rin si Roxanne upang mapapawis upang matanggal ang mga toxic sa kaniyang katawan.
  • Sinubukan din ni Roxanne ang magpa-chiropractor adjustment upang mai-align ang kaniyang katawan at nerves.
  • Nag-research din siya ng mga meditation para sa fertility upang makapagrelaks ang katawan niya at hindi mai-stress.

Larawan mula sa Instagram ni Roxanne Barcelo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

#AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery

#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

8 signs na maaaring maging maselan ang pagbubuntis mo

Mga supplements na iniinom niya

Ikuwinento niya rin ang mga supplement na iniinom niya upang matulungan ang kaniyang reproductive system. Ito ay Folic acid, Maca root, Chaste tree berry, Macaroot, at Ashwaganda, pre-natal vitamins, pre-natal probiotics, hair and nail vitamins.

Uminom din umano siya ng protein powder na gawa sa gulay upang magkaroon pa ng muscle dahil kakailanganin niya ito pag bunitis na siya.

Ipinagbabawal kay Roxanne Barcelo ayon sa kaniyang OB GYNE

Larawan mula sa Instagram ni Roxanne Barcelo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinanong din niya sa kanyang OB GYNE kung ano ba umano ang dapat gawin ng mga babae upang ma-optimize ang fertility. Sabi ng kaniyang OB dapat umano niyang iwasan ang mga sumusunod:

  • kape
  • alak
  • softdrinks

Mga alternative umano ayon sa kaniyang OB na maaari niyang inumin,

  • tubig
  • fresh juice subalit bawal umano at papaya, herbal at tsaa.

Nirekomenda rin ng kaniyang kaibigan na herbalist na si René Rose Rodrigo, na uminom umano siya ng Raspberry tea leaf para sa pagtulong sa menstruation at sa kalusugan ng kanyang matris at Red clover tea para sa kalusugan ng kabuohan ng reproductive system. 

Mahalaga rin ang masustansya at balanseng diet dahil makakatulong ito sa inyong kalusugan at sa inyong pagbubuntis. Ang magandang diet ay naka link sa good foetal brain development o ang pagbubuo ng utak ng fetus.

Isa rin ang pagpapataba rin habang buntis ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon kapag manganganak na kayo. Ang pagpili ng tamang pagkain at inumin ay malaking tulong sa inyong kalusugan at sa inyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tatlong tips para sa balanse at masustansya na diet

Larawan mula sa Instagram account ni Roxanne Barcelo

Ayon sa mga report galing sa theAsianparent Singapore isa sa tatlong nanay ay kulang sa iron at ang masama pa dito baka hindi pa nila alam na kulang sila sa iron. Ang balanse at masustansya na diet ay nangangailangan ng mga sumusunod:

  • Dairy products katulad ng gatas para sa calcium at protein.
  • Mga legume katulad ng gisantes, beans, at iba pa upang magkaroon ng fibre, vitamin B9, protein, at calcium.
  • Isda para sa omega-3 fatty acid dahil nakakatulong to sa pag kabuo ng malusog na utak at mata ng fetus.
  • Mga gulay upang magkaroon ng fibre, Vitamin C,K & A, calcium,iron, Vitamin B9, at potassium.

Ito ay kaunti lamang sa maraming mga uri ng pagkain na makakatulong sa inyong bubuntis at sa pagkaroon ng balanse at masustansyang diet.

Huwag na huwag niyo rin kalimutan na kumain ng karne at kanin dahil itong dalawa ay kailangan din ng ating sistema. Siyempre, huwag niyo rin kalimutan na uminom ng madaming tubig upang hindi maging uhaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importante rin ang pag-excercise at ito ay makakatulong sa inyong kalusugan at hindi naman kayo ilalagay nito sa panganib, low birth weight o maagang panganak. Basta mayroon ding pag-apruba ng inyong doktor.

 

Sources:

Pep.ph, acog.org, theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Iñigo Sison