Ruby Rodriguez child na may special needs, pangunahing dahilan daw kung bakit pinili ng TV host na umalis ng bansa at manirahan na sa Amerika.
Mababasa dito ang sumusunod:
Ruby Rodriguez child with special needs
Sa isang panayam ay ibinahagi ng dating Eat Bulaga TV host na si Ruby Rodriguez ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis sa kilalang noon time TV show. Halos tatlong taon matapos ang kaniyang naging pag-alis ay ibinahagi ni Ruby ang pangunahing dahilan kung bakit niya ito ginawa.
Ayon kay Ruby, planado ang paglipat niya at kaniyang pamilya sa Amerika. At ito ay ginawa niya para sa anak niyang si AJ na may special needs.
“It was planned. We were planning it. My daughter of course like let’s do it. The main reason is for my son. My son AJ is a SPED student. I know the education here is better.”
Ito ang pagbabahagi ni Ruby.
Ayon sa kaniya, ang kaniyang anak ay may stage 2 nephritis at may very rare autoimmune disease na kung tawagin ay chronic Henoch-Schonlein purpura. Kaya naman mas pinili nilang manirahan sa US na kung saan may magandang treatment options sa nasabing sakit.
Larawan mula sa Instagram account ni Ruby Rpdriguez
Buhay ngayon ni Ruby sa Amerika
Sa ngayon, ayon kay Ruby ay controlled ang sakit ng anak dahil sa gamot na nakukuha nito. Insured din ito kaya naman covered lahat ang gastos nila sa pagpapagamot.
Ang dating TV host may bago naring linya ng trabaho sa America. Siya ngayon ay nagtratrabaho sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
Larawan mula sa Instagram account ni Ruby Rodriguez
“To enter the consulate, to enter the embassy dapat may pinag-aralan. It’s not easy because this is legal work. Kung ano yung napagaralan ko, nagamit ko.
My job here para parin akong nasa showbiz. You know why? Because when I’m in front of people, when I brief them para parin akong nag-eentertain ng mga tao.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Ruby sa buhay niya ngayon sa Amerika.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!