Ikinuwento ni Ruffa Gutierrez sa naganap na interview nito sa vlog ni Dra Vicky Belo ang naramdaman sa muling pagsasama ng mga anak at ng kaniyang dating husband.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ruffa Gutierrez sa matagal na paghihiwalay ng mga anak at ex-husband: “You can’t blame me. I was scared”
- Bagong love life ni Ruffa suportado nina Lorin at Venice
Ruffa Gutierrez sa paghihiwalay ng mga anak at ex-husband: “You can’t blame me. I was scared”
Nasa Istanbul ngayon ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice. Ito ay upang makasama ang dating husband ng aktres na si Yilmaz Bektas. Matagal na nagkahiwalay ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez at ang ex-husband niya.
Saad ni Ruffa Gutierrez, never nakita ni Yilmaz Bektas sina Lorin at Venice simula nang umalis sila sa Istanbul noong 2007.
Nitong 2022 lang umano muling nagkaroon ng ugnayan ang mga anak ni Ruffa Gutierrez sa kaniyang ex-husband. Aniya, tumawag daw si Yilmaz Bektas para kumustahin si Venice dahil napanaginipan nito ang anak.
Noong umpisa umano ay tila galit pa si Venice nang sabihin sa ina na hayaang makausap nito ang ama. Pero nang marinig na raw ni Venice sa telepono ang boses ng ex-husband ni Ruffa Gutierrez, ay agad na naiyak ang anak. Inilabas daw ni Venice ang lahat ng kinikimkim na nararamdaman sa ama.
“Three years in the making,” daw ang naganap na reunion ng mag-aama. Madalas daw kasing magtalo sina Ruffa Gutierrez at ang ex-husband tuwing pla-planuhin nila kung paano magkikita ang mga ito.
Ikinuwento rin ni Ruffa na noon daw ay sinabihan niya si Yilmaz Bektas na kung nais nitong makita ang mga anak ay pumunta ito sa Pilipinas.
Pwede rin naman daw na makipagkita sa kanila sa neutral na bansa tulad ng US o Europe. Huwag lang daw sa Turkey kung saan ay makapangyarihan ang ex-husband.
Ipinaliwanag niya na hindi siya nito masisisi dahil noong panahon na iyon ay takot lang siya para sa kaligtasan nilang mag-iina.
Aniya, “You can’t blame me, diba? I guess in that point in my life, I was very afraid, I was scared because of what happened sa paghihiwalay namin. Hindi mo ako mabe-blame kasi syempre gusto ko lang naman na maging safe ako. Maging safe ‘yong mga bata.”
Pero saad pa ng aktres, dahil sa matagal na panahong di nagkita at nagkausap ang mag-aama, ay tila naramdaman ng mga anak niyang inabandona sila ng kanilang ama.
“I didn’t realize it’s been 15 years and feeling ko ‘yong mga bata, dala-dala nila ‘yong pain na ‘yon. Not being able to see their dad, they don’t have a dad, they grow up without a dad. Even if my dad is there, it’s really different,” saad ni Ruffa.
Ngayon naman daw ay panatag siya na nasa pangangalaga ng dating husband ang kaniyang mga anak. Ipinagdasal niya raw na kung ito na ang right timing para makasama nina Lorin at Venice si Yilmaz ay bigyan sana siya ng diyos ng sign.
“I think the sign is being comfortable, being light, being at peace. I didn’t have any hesitations. Para sa akin ayun na ‘yong sign na hinahanap ko,” kwento nito.
Nilinaw din ni Ruffa Gutierrez na matagal na niyang napatawad ang dating asawa. 2003 nang ikinasal ang mga ito at 2007 nang maghiwalay.
“I guess time heals all wounds and I think in God’s perfect time, I think it just came naturally,” saad nito tungkol sa reunion ng mag-aama.
BASAHIN:
Bagong love life ni Ruffa suportado nina Lorin at Venice
Bago pa man daw ang reunion nina Lorin, Venice at Yilmaz ay suportado na ng dalawang anak ni Ruffa ang kaniyang dating life. Ang mga ito pa mismo ang nagpapaalala sa kaniya na kailangan niya ng partner na makakasama dahil darating ang oras na maiiwan siyang mag-isa sa bahay. Lalo na’t sa abroad nag-aaral ang mga anak.
Masaya naman si Ruffa Guttierez sa kaniyang love life ngayon. Aniya, ayaw niya raw madaliin ang mga bagay-bagay.
“Para sa akin I really wanna get to know the person and I think the more you spend time with the person, the more you converse with the person, you’ll get to know more about the one that you’re dating,” paliwanag ni Ruffa.
Saad ng aktres, very interesting at very smart daw ang ka-date niya ngayon. Ang gusto niya lang naman umano ay isang tao na mananatili sa tabi niya, gagabayan siya, at ‘yong patient sa kaniya. At hangga’t masaya umano siya ay naniniwala siyang masaya rin ang kaniyang mga anak para sa kaniya.
Hindi rin daw alam ni Ruffa kung magagawa niya para ang mga bagay na nagawa niya noon para kay Yilmaz tulad ng pag-move sa ibang bansa at pagpapalit ng relihiyon.
Hindi rind aw siya sigurado kung magpapakasal pa ulit siya.
“I left that in the hands of the lord. All I know is that I’m not gonna end up alone… I know I’m gonna have someone there that’s gonna hold my hand until the end,” saad ni Ruffa.
Pagwawakas nito, ang nais niya lang talaga ay ang “best” para sa kaniyang mga anak. Nais niyang maging strong, independent women ang mga ito tulad niya. At huwag umasa sa mga lalaki.