Mga mommies, napapraning ka ba minsan na magkasakit o ano pa man kapag may mga bisita si baby? Ano ba ang mga rules para sa mga bibisita kay baby?
Ang pagkakaroon ng newborn baby ay isang napaka-exciting na panahon. Hindi lang para sa mga magulang, ngunit pati na rin sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Ngunit sa mga nais na bumisita kay baby, hindi puwedeng basta-basta na lang bumisita ang mga tao. Kaya kailangang gumawa ng mga magulang ng mga rules para sa mga bibisita kay baby. Kahit na humupa ang pandemya ay naririyan pa rin ang mga sakit na maaaring makuha ni baby.
Talaan ng Nilalaman
Pagbisita sa baby
Siyempre, sino ba namang hindi mapapamahal at matutuwa sa bagong panganak na baby! Kalimitan, madalas ang pagbisita ng mga kaibigan at kamag-anak ng mommy sa bagong baby niya.
Pero, sa pagbisita sa baby, minsan ay nakakaligtaan na ang kaligtasan ng bagong panganak na mommy at ng baby. Dahil dito, may mga mommies na napapraning sa pagbisita sa baby. At hindi ito negative. Mas mainam pa rin ang safety ng baby at ni mommy. Kaya kailangan malaman ang mga rules para sa mga bibisita kay baby.
Hindi na iba ang etiquette sa pagbisita sa baby. Ang goal naman natin ay maging masaya at healthy si mommy at baby. Mainam din para sa ating mga nais i-congratulate ang new moms at makita ang baby ang maging socially intelligent. Dapat ay makatulong tayo kaysa bumuo ng karagdagang responsibilidad.
Nandito ang ilan sa mga etiquette at rules para sa mga bibisita kay baby.
1. Bumisita lamang kung ikaw ay imbitado.
Siyempre, hindi naman tama kung bigla tayong bibisita batay sa convenience natin, sa ospital man o sa bahay ng bagong panganak. Huwag din ma-offend kung hindi inimbatahang bumisita. Maaaring hindi pa ready sa pagbisita sa baby ang bagong parents.
2. Tumawag muna bago ang pagbisita sa baby.
Ipaalam din na ikaw ay darating kung naimbitahan, at kung may nais silang ipasabay. Isa sa basic rules ito hindi lamang para sa mga bibisita sa baby.
3. Matutong makaramdam at magkusa kung kailan dapat umalis.
Huwag masyadong magtagal sa pagbisita sa baby. Makiramdam sa mga cues halimbawa, na pagod na ang mommy at baby at kailangan ng magpahinga.
Magdala at magpasalubong ng pagkaing pwede sa bagong panganak na mommy.
Huwag kalimutang magdala ng pasalubong para sa bagong parents sa pagbisita sa baby. Mas masaya magsalo-salo bilang celebration para sa pagdating ni baby.
Kapag bumisita, tumulong sa mga kailangan ng mommy at baby.
Bilang bisita, hindi masama ang magkusa na tumulong sa may-ari ng bahay. Isa rin ito sa basic rules hindi lang para sa mga bibisita kay baby.
Pagbisita sa newborn baby: 5 simple rules para sa mga bibisita kay baby
Ang bagong panganak o newborn baby ay madalas na tampulan ng kasiyahan, kaya hindi maiiwasan ang pagbisita sa newborn. Natutuwa rin ang mga tao sa cute na mukha at mabangong amoy ng newborn baby.
Narito naman ang ilan sa mga rules na dapat sundin para sa mga bibisita kay baby:
- Pumunta lamang at gawin ang pagbisita sa newborn kung convenient sa parents.
- Laging maghugas ng kamay at gumamit ng hand sanitizer bago humawak at kargahin si baby.
- Rules para sa mga bibisita kay baby: Huwag na huwag hahalik sa newborn baby!
- Humingi ng permiso bago kumuha ng alinmang picture ni baby, at iwasan ang paggamit ng flash.
- Huwag ng isama sa pagbisita sa newborn baby ang maliliit na anak.
Narito naman ang 17 rules para sa mga bibisita kay baby ngayong pandemic na makakatulong para masiguro ang kaniyang kaligtasan mula sa sakit.
17 rules para sa mga bibisita kay baby
1. Kung maaari ay huwag na munang tumanggap ng bisita mula sa ibang lugar o sa mga hindi ninyo kasamang nakatira sa bahay.
Kung maari sa ngayon ay mabuting huwag na munang tumanggap ng bisita. Lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na infected ng sakit at hindi mo sigurado kung nahawaan narin ba nito o hindi.
Ito ay para masigurado ang kaligtasan ng inyong pamilya mula sa kumakalat na sakit. Lalo na si baby na may mahina pang immunity ang katawan laban sa mga sakit.
2. Mainam na mag-video call muna o ipakilala si baby sa mga nais makakakita sa kaniya online.
Kung nais talagang makilala o makita si baby ng mga kaibigan o kapamilya na malayo sa inyo ay mabuting gawin na muna ito sa social media.
Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng video call gamit ang Facebook messenger o kaya naman ay ang mga online platforms tulad ng Zoom, Google Meet at Skype.
Sa pamamagitan nito ay masasaksihan nila kung gaano ka-cute si baby ng ito ay na-poproteksyonan o hindi nahahawaan ng kahit anumang karamdaman.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
3. Para makasigurado ay dapat may negative swab test result ang bibisita kay baby.
Magastos man ito o maabala kung iisipin, pero ito ang pinaka-the best na paraan para masigurong ligtas mula sa kumakalat na sakit ang sinumang nagnanais na bumisita kay baby.
Kung may negative swab test result ang iyong bisita, ay makakampante ka na wala silang dalang virus na hindi lang para sa safety ni baby, kung hindi para narin sa iyong buong pamilya.
4. Siguraduhing nakapagpabakuna na laban sa sakit na COVID-19 ang sinumang bibisita kay baby.
Mabuti rin kung nabakunahan na laban sa sakit na COVID-19 ang mga tatanggapin ninyong bibisita kay baby. Ang pagsasagawa nito ay hindi lang basta para sa kaligtasan ni baby pero para narin sa kaligtasan ng bibisita sa kaniya. Lalo pa ngayon ay hindi sigurado kung sino ang infected ng sakit na maaring walang ipinapakitang sintomas.
5. Siguraduhing naghugas ng kamay ang kakarga o makikipaglaro kay baby.
Hahawakan man nila si baby o hindi, importante na maghugas sila ng kamay. Ito ay upang makaiwas sa pagkalat ng bacteria o mga virus, at masiguradong safe si baby.
Sa ngayon, sa panahon ng COVID-19 pandemic, ay isang paraan rin ito para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Maaring hindi pa infected ng virus ang taong bibisita sa kaniya, pero may posibilidad na ang virus ay dala niya at nasa mga kamay niya na.
6. Hindi puwedeng hawakan o kargahin ng basta-basta si baby.
Para sa ilang mga magulang, hindi sapat ang paghuhugas ng kamay upang mapatay ang mga germs. Para sa ibang magulang, mas safe ang kanilang pakiramdam kung hindi hahawakan ng mga bisita ang kanilang sanggol.
Kung ganito rin ang iyong paniniwala, ay walang masama dito, at importanteng respetuhin ito ng iyong mga bisita.
Sa kaso ngayon ng COVID-19 pandemic, napatunayan na ang virus ay maari ring kumapit sa mga damit. Kaya naman mas mabuting hindi nalang pahawakan o ipakarga si baby.
7. Huwag patuluyin ang mga bibisita kay baby sa loob ng inyong bahay. Maaari silang i-entertain sa inyong garden o balkonahe.
Ang kahit anumang sakit o virus ay mabilis na kumakalat sa isang enclosed na lugar. Kaya naman para maiwasan ito ay mabuting tanggapin ang mga bisita ni baby sa bahagi ng inyong bahay na may maayos na ventilation.
O sa isang open space na kung saan sigurado kang umiikot ng maayos ang hangin at hindi kayo magkakahawaan ng kahit anumang sakit.
8. Kung maaari ay i-maintain ang physical distancing ng mga taong bibisita kay baby.
Kahit na nasa isang open space ang mga bisita ni baby, para sa dagdag na pag-iingat ay dapat i-maintain parin ang at least 1-meter social distancing.
Ayon sa mga eksperto, epektibong paraan ito upang maiwasan ang pagkakahawa ng sakit na maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagtalsik ng fluid mula sa bibig na isang taong infected ng COVID-`19.
9. Pagsuotin ng mask ang mga bibisita kay baby.
Tulad nang naunang nabanggit, ang sakit na COVID-19 ay naihahawa sa pamamagitan ng fluids na tumatalsik mula sa bibig ng taong infected nito.
Ang virus ay papasok sa katawan ng isang tao na maaring sa pamamagitan ng bibig at ilong. Para maiwasan ito at para makasigurado, mas mainam na pagsuotin ng mask ang mga bibisita kay baby. Ang mask ay hindi dapat aalisin lalo na sa mga oras na nagsasalita ang bisita o nag-kukuwento.
10. Hindi rin puwedeng halikan si baby ng basta-basta.
Pagdating sa rules para sa mga bibisita kay baby, ito ang pinakaimportante. Hindi dapat pumayag o huwag hayaang halikan ng kung sino-sino ang iyong sanggol.
Ito ay dahil, ito ang pinaka-mabilis na paraan para mahawaan siya ng sakit. Dahil maraming mga bacteria sa bibig ng tao, at sa pamamagitan ng halik ay maaring mailipat ito sa iyong sanggol.
Maliban sa COVID-19, ang isang pang nakakatakot na sakit na maaring maihawa kay baby sa pamamagitan ng halik ay ang herpes.
Ang herpes ay isang impeksyon na dulot ng HSV o herpes simplex virus. Ito ay maaaring makaapekto sa external genitalia, anal region at sa balat sa iba pang parte ng katawan ng isang tao.
Isa itong long-term condition na madalas ay walang nakikitang sintomas. Ang sakit na ito kapag dumapo sa sanggol ay maaari niyang ikamatay. Ito ay dahil hindi pa kakayanin ng kaniyang mahinang katawan ang epekto ng virus na ito.
11. Mas mainam kung kumpleto ang mga vaccinations ng taong bibisita kay baby.
12. Huwag silang hayaan na magtagal.
Car photo created by freepik – www.freepik.com
13. Siguraduhin na may pasabi muna bago sila bumisita
Palaging busy ang mga magulang, at minsan ay nakakasira ng kanilang diskarte kung bigla na lang may bumisita nang walang pasabi. Kaya’t importante na sabihin sa iyong mga kamag-anak at kaibigan na magsabi muna kung sila ay mayroong planong bumisita upang makita si baby.
14. Bawal silang pumunta kapag mayroon silang sakit.
15. Bawal ang maingay.
16. Huwag hayaan na magpost sila ng mga litrato ng basta-basta sa social media.
17. Nasa sayo ang desisyon kung pwede nilang bisitahin ang iyong anak
Ang pinaka-final rule para sa mga magulang ay nasa kanila ang huling desisyon kung puwedeng bisitahin ang iyong baby. Kung busy ka, o kaya ay wala ka sa mood na tumanggap ng bisita, karapatan mo na tanggihan sila.
Huwag mong kalimutan na ang kapakanan ng iyong sanggol ay dapat pinaka-priority mo. Kung sa tingin mo ay hindi makabubuti sa iyong sanggol ang pagbisita ng ilang mga tao, ay desisyon mo yun.
Hindi ka dapat matakot o mahiya na magbawal ng mga bisita, dahil karapatan mo iyon bilang magulang.
Matapos umuwi ang iyong bagong panganak mula sa ospital, normal na nais mong ipakilala ang iyong bagong anak sa iyong pamilya at mga kaibigan. Kasabay nito, nais mong protektahan siya mula sa pagkakaroon ng impeksyon mula sa isang bisita.
Ang isang bagong panganak ay maaari ding magkasakit mula sa pagkakalantad sa mga tao sa pamamagitan ng paglabas sa komunidad.
Maraming mga bagong magulang ang nagtataka kung kailan “ligtas” na ilabas ang sanggol sa publiko. Mahalagang protektahan ang mga bagong silang laban sa pagkakaroon ng mga impeksyon, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang bagong panganak ay hindi kailanman maaaring magkaroon ng mga bisita o lumabas sa publiko.
Subukang tandaan at gawing gabay ang mga kapaki-pakinabang na rules na ito kung sakaling may bibisita kay baby, at isipin ang malaking kahalagahan ng pagkakaroon ng mga ito, sa kung paano mas mapapangalagaan ang anak sa panahon ng pandemya, lalo na’t ang kanilang immune system ay still-developing at kasama sila mga high risk factors na mas mabilis makakuha o madapuan ng sakit.
Paano ba dapat buhatin si baby? Rules para sa mga bibisita kay baby
Isa na marahil sa mga inaalala ng mga magulang ang tamang pagbuhat kay baby lalo na sa mga bisitang nais hawakan ito..Maiintindihan ang pag-aaalala nila mommy at daddy, sa kung ano nga ba ang tamang paraan ng pagbuhat kay baby nang hindi ito nasasaktan.
Nangangailangan pa nga minsan ng supportive movements sa pagbubuhat kay baby, upang masiguro na ang ginagawang paghawak dito ay hindi nakasasakit sakaniya.
Importanteng malaman hindi lang ng mga magulang, kundi pati ng mga bisita, na ang pinakadapat sinusuportahan sa pagbubuhat, ay ang ulo at leeg nito, anuman ang posisyon ng paghawak kay baby.
Tignan ang ilan sa mga helpful tips sa kung paano ang pagbuhat/paghawak kay baby.
Tamang pagkuha kay Baby
Upang hawakan ang isang sanggol, dapat mo muna itong kunin. Ilagay ang isang kamay sa ilalim ng ulo at isa pa sa ilalim. Ngayon itaas ang katawan papunta sa iyong dibdib.
Maaari mong hawakan ang sanggol sa posisyong ito hangga’t komportable kang hawakan ang leeg at ulo ng sanggol. Ang mga sanggol ay gustong hinahawakan sila sa mga posisyong nakapagbibigay ng comfort sakanila.
Subalit may ilang ding hindi kaya tignan ang anumang magiging reaksyon ni baby upang malaman kung ito ba ang komportableng posisyon para sakanya.
Safe newborn handling at holding tips: rules para sa mga bibisita kay baby
1. Cradle hold
Ang cradle hold ang isa sa pinaka simpleng paraan ng pagbuhat at paghawak kay baby. Kakailanganin mo lamang ilagay ang ulo ng sanggol sa iyong balikat, at balutin ng iyong mga braso ang sanggol.
Ang ganitong paraan ng paghawak sa sanggol ay isang magandang posisyon kung nais tignan at kausapin ito. Maganda rin ang posisyong ito para sa mga first-time parents o sa mga bubuhat ng sanggol sa unang beses.
2. Shoulder hold
Pinakanatural na paraan ng pagbubuhat ng sanggol ang shoulder hold. Kailangan mo lamang na iangat ang sanggol sa iyong balikat, ngunit alalahanin ang soft spot ni baby upang hindi ito masaktan sa pag-angat sa balikat.
Ipatong ang ulo ni baby sa iyong balikat hanggang ang direksyon ng tingin nito ay nasa iyong likuran. Laging suportahan ang kanyang ulo at leeg gamit ang isang kamay, at ang ibaba sa isa pang kamay.
3. Belly hold
Magandang posisyon ang belly hold kung si baby ay magbu-burp o didighay. Ihihiga mo lamang ang dibdib ni baby sa ibabaw ng iyong mga kamay o bisig, ang kanilang mga paa ay dapat dumapo sa magkabilang gilid ng iyong mga kamay.
Gamitin ang iyong kabilang braso upang ilagay sa likod ng sanggol at hawakan ito upang mas maging ligtas ang paghawak dito. Hindi lamang mga kamay o bisig ang maaaring gamitin sa pagpapadighay kay baby, maaari din ang iyong kandungan.
4. Hip hold
Maaari mong hawakan ang mga balakang ng iyong sanggol kapag nakontrol na niya ang kanyang ulo at leeg. Kaya, subukan ang posisyong ito kapag ang iyong sanggol ay lagpas na ng tatlong buwan.
Narito kung paano mo ito maaaring gawin, iharap palabras ang iyong sanggol at paupuin ito sa buto ng iyong balakang, iyakap ang iyong mga braso sa bewang ng sanggol, nang sa ganoon, komportableng makikita ni baby ang mga bagay sa kanyang paligid.
5. Sling hold
Karagdagang ulat na isinulat nina Jasmin Polmo at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.