Ryan Bang engaged na sa non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong. Tingnan dito ang mga sweet na larawan ng kanilang naging engagement.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ryan Bang engaged na sa girlfriend na si Paola Huyong.
- Love story ni Ryan at Paola.
- Magulang ni Ryan sa Korea nakilala na si Paola.
Ryan Bang engaged na sa girlfriend na si Paola Huyong
Komedyanteng si Ryan Bang engaged na sa non-showbiz girlfriend niyang si Paola Huyong. Ang mga larawan sa kanilang naging engagement ibinahagi ni Paola sa Instagram.
“God is good 💍.”
Ito ang caption ng post ni Paola.
Sa mga larawang kalakip ng IG post niyang ito ay makikita kung paano nag-propose ng kasal sa kaniya si Ryan. Makikita nga sa isa sa mga larawan ang pagluhod ni Ryan sa harap ni Paola habang hawak ang singsing. May mga larawan ring makikita kung gaano kasaya ang dalawa sa naging engagement nila. May card pa ngang ginawa si Ryan para soon-to-be wife niyang si Paola.
“Mi Amor,
Thank you for saying YES. Cant wait to spend the rest of my life with you.
From your soon to be husband”
Ito ang mensahe sa card na ginawa ni Ryan para kay Paola.
Ang mga celebrity friends ni Ryan masaya sa pagsisimula ng bagong chapter na ito ng buhay niya. Bumuhos nga ang pagbati nila para sa komedyante at fiancée nitong si Paola.
Love story ni Ryan at Paola
Ayon sa isa sa mga panayam kay Ryan ay naipakilala niya na si Paola sa mga magulang niya na nasa Korea. At masaya nga daw siya na mainit na tinanggap ng mga magulang niya si Paola.
“Siyempre nagulat sila, first time nila. In Korea, you never introduce to your parents if you really want her. Nagulat yung magulang ko.”
Ito ang sabi ni Ryan sa isang panayam.
Magulang ni Ryan sa Korea nakilala na si Paola
Ang ina ni Ryan ay isang house broker sa Korea. Habang ang kaniyang ama naman ay isang taxi driver doon. Ang mga magulag niya ay matagal ng hiwalay. Muli nga lang daw nagkasama ang mga ito ng bumisita sila ni Paola sa Korea. Si Ryan sobrang saya dahil sa mahabang panahon ay iyon daw ang unang beses na nagsama ang mga magulang niya at nagkaroon sila ng quality time sa isa’t-isa.
Nagpapasalamat rin siya sa fiancée niya na ngayong si Paola na sa kabila ng hindi nila pagkakaroon ng marangyang buhay sa Korea ay buong puso rin daw siyang tinanggap ng pamilya nito,
“Nung na-meet ko yung family ni Paola, yung parents niya, super proud sila sa trabaho ng daddy, mommy ko. Sabi sa akin ng tatay ni Paola, ‘Ryan, simula ngayon ipag-pray namin sila. Kasi ikaw, kasama ka sa family namin, iniisip ko ‘yung daddy, mommy mo, kapatid ko’. Talagang tanggap na tanggap ako kung ano ang trabaho ng daddy ko.”
Ito ang sabi pa ni Ryan sa panayam.
Kuwento pa ni Ryan, nagkakilala sila ni Paola sa isang football game. Mula noon ay nagsimula na daw silang mapalapit sa isa’t-isa at soon nga ay magiging ganap ng mag-asawa.
Congratulations Ryan and Paola!