Ryza Cenon promotes breast cancer awareness: "Huwag na maghintay ng symptoms before magpa-check up."

Pagkukuwento pa ni Ryza, hindi tulad ng inaakala ng iba hindi naman daw masakit ang mammogram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ryza Cenon nanguna sa pagpo-promote ng breast cancer awareness. Paghihikayat ng aktres sa mga kababaihan, magpa-check up na habang maaga.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pagpo-promote ni Ryza Cenon ng breast cancer awareness
  • Update sa buhay-nanay ni Ryza Cenon

Ryza Cenon promotes breast cancer awareness

Ryza Cenon may mahalagang mensahe sa mga kababaihan, ito ay ang kahalagahan ng pagiging aware tungkol sa breast cancer. Aktres sumailalim sa mammogram upang matingnan ang kalusugan ng kaniyang dibdib. Kalakip ang mensahe ng panghihikayat sa mga kababaihan para sa early detection ng breast cancer partikular na umano sa mga babaeng edad 35-anyos pataas.

“Hi everyone! So I just had my Digital Mammography, Breast Ultrasound and consultation done sa Asian Breast Center kasi alam niyo naman, hindi na tayo bata. Kaya I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine."

"Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdaman before magpa-check up.”

Ito ang mensahe ni Ryza.

Ayon sa aktres, ang kaibigan niya at kapwa aktres na si Chyna Ortaleza ang nag-encourage sa kaniya na magpa-check up ng maaga. At masaya siya umano sa naging resulta at sinabing hindi naman masakit ang naging procedure tulad ng inaakala ng iba.

“Ok naman naging results ko. And hindi po masakit saka if masakit man po aalalayaan kayo ng nurse, tatanungin naman po kayo if nasasaktan po kayo or not. Sa experience ko po hindi naman po.”

Ito ang sabi pa ni Ryza sa kaniyang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang aktres na si Chyna Ortaleza masaya na na-inspire niya ang kaibigan na gawin ito. At ganoon rin ang malaman na healthy ito mula sa breast cancer.

I am proud of you Febe! And thank you din sa pag share sa maraming tao ng awareness. So happy that you are all in the clear!”

Ito ang mensahe ni Chyna sa naging IG post ni Ryza tungkol sa kaniyang breast cancer check-up experience.

Matatandaang kamakailan lang ay sumailalim si Chyna Ortaleza sa mammogram procedure para matingnan ang breast health niya. Dahil si Chyna natuklasang may nodules o bukol sa suso. Pero base daw sa ginawang breast cancer check-up ay clear naman daw siya mula sa sakit.

Update sa buhay nanay ni Ryza Cenon

Larawan mula sa Facebook account ni Ryza Cenon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram post ay nag-share si Ryza ng update sa buhay nanay niya at sa anak niyang si Night. Si Night ay pumapasok na sa school at na-enjoy ng mag-ina ang first day of school nila.

Ayon kay Ryza, 2 hours nawalay sa kaniya ang anak para sa unang klase nito. Pero proud siya dito na natapos niya ang klase bagamat may medyo mood swings lang dahil sa first time nito.

“First day of school ni Night kanina, umiyak sya kasi hindi sya sanay and super higpit ng school. Bawal parents or guardian sa loob as in i-drop off mo lang sila. Ok naman daw si Night, mood swing lang daw siya. Hahahaha. Kasi first time nya pero masasanay rin sya eventually. Good job Night sa first day mo natapos mo 'yong 2 hours.”

Ito ang sabi pa ni Ryza sa kaniyang IG post.

Pagbabahagi pa ni Ryza ngayon ay naramdaman niya na ang feeling na sinasabi ng maraming ina. Ito ay ang hindi mapakali sa mga oras na wala ang anak sa iyong tabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ganon pala feeling kapag hindi mo nakikita kung anong ginagawa ng anak mo. Hiindi ka mapakali, tapos lagi mong iniisip ano kaya ginagawa niya? Or bakit ang tagal ng 2 hours kaloka!”

Ito ang sabi pa ni Ryza.

Ang mga mommy netizen may mensahe para kay Ryza at sa little boy nitong si Night.

“Masasanay ka din @iamryzacenon. Tapos di mo mamalayan marunong ng magsuot ng pull ups diaper si night, mag medyas. Lahat yan tinuro sa day care school dito. Mahirap 'yon malayo ka na pero parang naririnig mo pa un iyak.”

“Ang galing naman! Go night night!”

Sa isa pa niyang IG post ay ibinahagi rin ng aktres na hindi lang siya sa pag-arte magaling. Dahil si Ryza ginawan ng toy car ang anak niyang si Night mula sa isang karton. Ang resulta hindi mo aakalaing DIY lang ni Ryza na sobra-sobrang ikinatuwa ng anak niyang si Night. Kaya naman daw ang pagod at puyat ay worth it sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Ryza Cenon

“Lahat ng pagod at puyat ko sa pag-gawa ng Lightning McQueen Car ni Night, worth it! Ang saya saya ng anak ko.”

Ito ang sabi pa ni Ryza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Good job Mommy Ryza!