Masayang ibinahagi ni Ryza Cenon ang naging unang araw ng kaniyang son na si Night sa dance arts program.
Ryza Cenon son na si Night enjoy sa dance arts program
Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang video reel ng unang araw ng kaniyang son na si Night sa dance arts program nito.
Makikita sa nasabing video na enjoy sa pagsasayaw ang son ni Ryza Cenon. Nagpasalamat din si Ryza sa mga dance teacher ng kaniyang anak.
Larawan mula sa Instagram ni Ryza Cenon
Aniya, “Thank you Teacher Sky, Teacher Carla… for providing an unforgettable first day for my son!”
Kwento ng aktres, naging masaya ang kaniyang anak hindi lang dahil na-enjoy nito ang pagsasayaw bagkus ay dahil nagkaroon din ito ng mga bagong kaibigan.
Saad ni Ryza Cenon, “He had a blast, making new friends and experiencing the joy of dance.”
Larawan mula sa Instagram ni Ryza Cenon
Ano nga ba ang benefits ng pagsasayaw sa mga bata?
Ayon sa artikulo ng Stage Coach UK, maraming benepisyo ang pagsasayaw sa mga bata. Sa pamamagitan ng active participation sa performing arts lumiliit ang oras na nailalaan sa pag-upo sa harap ng computer o screen para maglaro ng computer games. Ilan sa mga benepisyo ng pagsasayaw sa bata ay ang mga sumusunod:
- Maiiwasan ang obesity
- Magkakaroon ng healthy blood pressure at cholesterol level
- Mai-improve ang kondisyon ng puso at baga
- Palalakasin ang mga muscles at endurance
- Better agility at flexibility
- Mai-improve ang spatial awareness
Larawan mula sa Instagram ni Ryza Cenon
Makakatulong din ang pagsasayaw para ma-improve ang physical confidence ng iyong anak. Gayundin ang kaniyang general at psychological wellbeing.
Helpful ang dancing para tumaas ang confidence, self-esteem at self-motivation ng bata. At gaya nga ng sabi ni Ryza Cenon, nagkaroon ng mga bagong kaibigan ang kaniyang anak.
Sa pamamagitan ng pagsasayaw, madedevelop din ang social skills ng bata at ma-iimprove ang mental dexterity nito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!