Saab Magalona: "Going past the dreaded 30 weeks and 6 days is a milestone for our family."

lead image

Alamin dito kung bakit nasisiyahang nag-post sa kanyang Instagram account si Saab Magalona ng umabot nga ito sa 31st week ng kaniyang pagbubuntis.

Nasa 31st week na nga ng pagbubuntis si Saab Magalona at itinuturing niya at ng kaniyang asawang si Jim Bacarro na milestone nga itong pagtungtong niya ng 31st week.

31st week milestone post ni Saab

Ayon nga sa celebrity mom na si Saab, mas naging madali ang kaniyang pregnancy journey sa pagkakataong ito kung ikukumpara sa pagbubuntis niya sa kaniya sanang kambal na si Pancho at ang naging anghel nila. Marahil na rin siguro na iisa na lamang ang kaniyang ipinagbubuntis at hindi na dalawa.

Sambit nga ni Saab sa kaniyang Instagram post nito lamang July 23, "I’m now 31 weeks pregnant!"

Masaya ngang ibinalita ni Saab ang kaniyang ika-31st week at ikinuwento niya kung bakit, "I had to deal with so much anxiety nearing my 30 weeks of pregnancy because my traumatic birthing experience the first time around was when my baby girl (Pancho’s twin) lost her heartbeat at 30 weeks and 6 days."

"We had to do an emergency c-section to save our baby boy. Both Pancho and I almost didn’t make it because of complications," pagpapatuloy ni Saab.

Aniya pa, "He stayed in the NICU for 2 months, I was in and out of the ICU for over a week. All of this happened so quickly. Too quickly. Life is very short. Going past the dreaded 30 weeks and 6 days is a milestone for our family."

"I just wanted to share this with you in case you’re putting off something very important to you just because you’re scared. Do it now and be grateful that you still can," dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

Inanunsyo nila Saab Magalona at Jim Bacarro ang kaniyang pangalawang pagbubuntis nito nga lamang Abril ngayong taon at isa na naman nga itong baby boy.

 

Source: Saab Magalona Instagram
Photo: Little Heartbeat Photography

Basahin: Saab Magalona: Kung may kilala kayong yaya-less moms, ito ang mga puwede niyong itulong

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner