LOOK: Saab Magalona, ipinanganak ang pangatlong anak—isang 9.2 lb baby boy!

LOOK: Saab Magalona, ipinanganak ang pangatlong anak—isang 9.2 lb baby boy!

Nanganak na nga kahapon ang celebrity mom na si Saab Magalona, baby boy ulit, at tuwang tuwa raw ang isa pa niyang anak sa bagong miyembro ng pamilya!

Celebrity mom Saab Magalona inanunsyo ang kapanganak niya sa kaniyang pangalawang lalakeng anak sa asawang si Jim Bacarro na pinangalanan nilang Vito Tomas.

Ani Saab sa kaniyang Instagram post, "We finally met another best friend yesterday!"

Pakilala pa niya, "Say hello to our 9.2-pounder Vito Tomas Magalona Bacarro?"

Saab Magalona, baby boy ang 3rd na anak!

Ipinanganak na nga ni Saab ang kaniyang pangatlong anak kahapon, Lunes, ika-16 ng Setyembre at ipinakilala nga niya ito sa kaniyang mga Instagram followers kaninang umaga.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

Birthday gift to Pancho

Kung aalalahanin, inanunsyo ni Saab Magalona sa kaniyang IG account na magkakaroon na siya ng pangalawang baby noong ika-8 ng Abril nitong taon.

Aniya, "Kuya Pancho can't hide his excitement!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

Matapos ang anunsyo niya na magiging Kuya na si Pancho, nag-post din siya noong ika-14 ng Abril nito ring taon na nakumpirma nila na buntis siya dalawang araw bago ang kaarawan ng kanilang panganay ni Jim na si Pancho.

Kuwento nga ni Saab, "Jim and I confirmed our pregnancy two days before Pancho’s birthday. Although I already suspected I was pregnant since Christmas."

Pagpapatuloy niya, "It’s heartbreaking to lose a child — how do you even number the succeeding ones?"

Kung aalalahanin, may kakambal dapat na babae ang panganay nilang si Pancho, ngunit pumanaw ito pagkapanganak nito sa kaniya.

Kaya naman isang malaking blessing ang pagdating ng kanilang bagong baby sa kanila.

Aniya pa, "There’s no right or wrong way to go about it, it’s different for all parents, but Jim and I know in our hearts that our baby has returned to us."

"A Christmas gift to our family, a birthday gift to Pancho — whatever he/she is — we are so grateful for baby number two (JoeyBear is still fur baby number one ?)," dagdag pa niya.

"Thank you to everybody as well for all your prayers and for being so supportive of our family. ❤️ Love to all," pasasalamat pa niya sa lahat ng sumusuporta sa kaniya at kaniyang munting pamilya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on


Source: Saab Magalona

Basahin: Saab Magalona: Kung may kilala kayong yaya-less moms, ito ang mga puwede niyong itulong

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner