TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Saab Magalona, ibinahagi ang miracle story ni baby Pancho

4 min read
Saab Magalona, ibinahagi ang miracle story ni baby Pancho

Ikinwento ni Saab Magalona sa kanyang YouTube video kung bakit tinatawag na miracle baby ang kanyang anak na si Pancho Bacarro.

Saab Magalona baby

Kilalanin si Pancho Bacarro, ang cute na cute na baby ni Saab Magalona at Jim Bacarro. Sikat sa Instagram at Twitter si baby Pancho dahil sa mga cute videos niyang ipino-post ni Saab na tinawag niyang #DailyPancho. Mismong mga netizens na nga ang nagpopost ng kanilang mga entries ngayon. Minsan pa nga ay ginagamit nila ito bilang meme o wallpaper.

Saab Magalona, ibinahagi ang miracle story ni baby Pancho

Ngunit kung matatandaan, noong 2018, ibinalita ni Saab sa kanyang blog na Spell Saab na siya nga ay nakunan. Siya dapat ay magsisilang ng twins ngunit sa kasamaang palad, hindi nabuhay ang kanilang baby girl. Noong panahong ito, naiwan naman sa Neonatal Intensive Care Unit si Pancho dahil siya ay nasa kritikal na kalagayan.

https://twitter.com/ifyouseekeysi/status/1069537839983976449?s=20

HUHU THIS SIOPAO IS JUST TOOOOOO ADORABLE ???????? #DailyPancho pic.twitter.com/4xZ3oF96hX

— Frannie Reyes (@franniereyesss) January 30, 2019

#dailypancho edition pic.twitter.com/GBmOt21cZ8

— Arth (@OhPeraNiya) January 4, 2019

Ikinwento pa ni Saab na inabisuhan sila kaagad ng mga doktor na magkakaroon ng disability si Pancho. Siya nga ay nagkaroon ng pulmonary hypertension kaya naman noong si Pancho ay 17 days old pa lamang, kinailangan siyang maoperahan kaagad.

Pagkalipas ng 58 days, saka lang nakalabas ng ICU si Pancho at nakauwi sa kanilang bahay.

Pancho, superhero baby

Matapos ang mahaba at mahirap na proseso, hindi pa natapos ang laban ni Pancho. Kaya naman tinawag ni Saab na superhero ang kanyang baby dahil ni hindi dapat ito tatagal ng isang gabi. Ngunit ngayon ay malapit na nga siyang mag-2 years old. Maraming doktor din ang nagsabi na maaring hindi siya makakita dahil sa ginawang operasyon sa kanya. O di naman kaya ay wala siyang motor skills.

Sa puntong ito, unti-unti nang tinatanggap nina Saab at Jim ang mga maaaring mangyari. Pero, habang tumatagal, nagpakita si Pancho ng progress at hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang improvement.

Ayon sa 31-year old mommy na si Saab, hindi madali para sa kanila ang lahat. Ngunit dahil sa mga pangyayaring ito, lalo lang silang tumibay bilang pamilya. Pinasalamatan din ng mag-asawa ang Diyos dahil isang malaking blessing sa kanila si Pancho. Bukod dito, gusto niya ring paabutan ng pasasalamat ang mga “heroes” ni Pancho katulad ng kanyang grandparents, uncles at pati na ang mga nurse at doktor na tumingin sa kanya.

Saab Magalona YouTube channel

Bukod sa regular podcast uploads ni Saab kasama ang kanyang asawa na si Jim Bacarro, nagpopost din siya ng mga mommy-related videos katulad ng diaper bag essentials at car seat unboxing. Noong siya naman ay dalaga pa, talagang nag-uupload na ito ng kanyang mga travels o adventures sa kaparehong channel.

Saab Magalona, ibinahagi ang miracle story ni baby Pancho

Hindi pa man masyadong nakikita sa kanyang YouTube videos, laman naman ng kanyang Instagram ang isa pa nilang anak na si Vito. Si Vito naman ay 4 months old na ngayon. Dahil naman mag-2 years old na si Pancho, nami-miss ng netizens ang kanyang baby face. Mabuti na lamang daw ay kasing-cute din nito si Vito kaya naman ito na ngayon ang kanilang kinagigiliwan!

Baby Pancho first birthday

Nitong February 16 ay nag-celebrate na ng kaniyang 1st birthday na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na ibinahagi nila sa Instagram.

Hindi nga pinalampas ng mag-asawa ang huge milestone na ito sa buhay ng kanilang Baby Pancho Bacarro na isinelebrate nila in style, sa pamamagitan ng isang Mexican-themed party!

Napuno nga ang party venue ni Baby Pancho ng mga colorful banderitas at balloons.

Samantalang, very playful naman ang pagkakaayos ng mga wooden picnic tables na may colorful printed covers sa may pool-side ng bakuran nina Saab Magalona at Jim Bacarro. Nilagyan ito ng mga mariachi hats, maracas at cactus bilang centerpiece para sa dagdag na Mexican feel.

Pancho Bacarro 1st birthday

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram post

Lahat naman ay nag-enjoy lalo na ang mga bata sa birthday ni Baby Pancho Bacarro na may dedicated play area na puno ng mga laruan at libro. May table din na inihanda na kung saan puwede silang mag-decorate ng sarili nila maracas o gumawa ng slime kits.

Saab Magalona and Jim Bacarros son birthday

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram post

Hindi rin naman siyempre nagpahuli ang three-tiered birthday cake ni Baby Pancho na dinesenyohan ng mga banderitas at piñata para sa Mexican touch nito.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

SOURCES: Saab Magalona YouTube Channel

BASAHIN: Saab Magalona, nag-donate ng sariling breast milk sa babies na apektado ng Taal volcano, LOOK: Saab Magalona, ipinanganak ang pangatlong anak—isang 9.2 lb baby boy!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Saab Magalona, ibinahagi ang miracle story ni baby Pancho
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko