Saab Magalona, nag-donate ng sariling breast milk sa babies na apektado ng Taal volcano

Nais ding mag-donate ng iyong breastmilk sa mga bakwit ng Taal Volcano eruption? Narito ang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saab Magalona breast milk donation naging magandang halimbawa sa iba pang breastfeeding moms. Mga breastfeeding moms inoffer din ang kanilang extra breastmilk para sa mga baby evacuees ng Taal Volcano eruption.

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram account

Saab Magalona breast milk donation

Bilang tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal ay nag-donate si Saab Magalona ng sarili niyang breastmilk para sa mga sanggol na bakwit sa Batangas.

Sa isa sa kaniyang Twitter post ay dito nga makikita ang naging pag-uusap ni Saab at ng isang concerned netizen na humihingi ng tulong niya. Ang pakiusap ng concerned netizen ay matulungan silang makakuha ng leads sa mga breastfeeding mommies na gustong mag-donate ng kanilang precious na gatas. Hindi nga nag-dalawang isip si Saab na inoffer agad ang sariling breastmilk niya.

Ang naging mabilis na pagtugon ni Saab sa pakiusap na ito at ang kaniyang pagnanais na makatulong sa mga sanggol na bakwit ay naging magandang halimbawa sa iba pang breastfeeding moms na tulad niya. Kaya naman pati sila ay gustong mag-donate ng extrang gatas nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saab Magalona’s passion to help through her breast milk

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatulong ang Saab Magalong breast milk donation. Dahil noong March 2018, isang buwan matapos pumanaw ang isa sa panganay na kambal ni Saab na si Luna ay nag-donate din siya ng 100 bags na breast milk sa Human Milk Bank.

Ayon sa “Cheats” vocalist, masaya siya dahil nakakatulong sa iba ang maraming supply ng “liquid gold” niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, sa pangalawang pagkakataon ay nagpapasuso ulit siya sa kaniyang 4-months old na anak na si Vito.

Kung gusto ring makatulong sa mga batang bakwit sa Batangas gamit ang iyong breastmilk ay makipag-ugnayan sa mga numerong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ang tamang pag-pump at pag-store ng iyong breast milk

Image from Freepik

Upang makasiguro naman na malinis at tama ang pag-store ng iyong breastmilk, narito ang paraan kung paano ito gawin:

Tips sa tamang pag-pump ng iyong breastmilk

  • Bago mag-pump ng iyong gatas ay hugasan muna ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig. Kung walang sabon at tubig ay gumamit ng hindi bababa sa 60% alcohol-based sanitizer.
  • Siguraduhin din na ang lugar na iyong pagpapa-pumpan ng gatas ay malinis. Pati na ang mga boteng paglalagyan ng iyong breast milk.
  • Para mas lumakas ang supply ng iyong gatas, mabuting maglagay muna ng basa at maligamgam na bimpo sa iyong suso. At saka dahan-dahan itong masahiin.
  • Saka relax na maupo at i-pump ang iyong breastmilk gamit ang iyong kamay o electric breast pump.

Tips sa tamang pag-store ng iyong breastmilk

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para naman sa pag-istore ng iyong breastmilk ay narito ang mga dapat mong isaisip:

  • Ang pumped breastmilk ay maaring tumagal sa room temperature (up to 77°F) ng hanggang apat na oras.
  • Kung ilalagay naman ito sa ref ay maaring tumagal ito ng hanggang apat na araw.
  • Kapag hindi naman agad ito magagamit sa loob ng 4 na araw ay ilagay ito sa freezer. Ang pumped breastmilk na nakalagay sa freezer ay maaring magamit ng hanggang 6-12 buwan.
  • Maari ring ilagay ang pumped breastmilk sa isang cooler na may yelo na magagamit hanggang 24 oras.
  • Sa pag-store ng breast milk ay gumamit lang ng storage bottles o bags na ginawa para dito.
  • Huwag gumamit ng mga boteng nagtataglay ng BPA. At huwag din basta-basta gumamit ng mga disposable bottle liners at plastic bag sa pag-store ng iyong gatas.

Source: GMA News, Woman’s Health

Basahin: 5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin