Saab Magalona na-diagnosed na may rare health condition na tinatawag na Meckel’s Diverticulum

Alamin kung ano ang sintomas ng sakit na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saab Magalona na-diagnosed na may rare health condition. Kaniyang pamilya sa ospital ipinagdiwang ang pasko dahil sa sakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Saab Magalona rare health condition.
  • Ano ang sakit na Meckel’s Diverticulum.

Saab Magalona rare health condition

Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona

Bago mag-pasko ay ibinahagi ng celebrity mom na si Saab Magalona ang hindi malilimutang karanasan ng kanilang pamilya sa masayang bakasyon sana nila sa Boracay. Si Saab ibinahagi sa Instagram na siya ay na-diagnosed na may rare health condition na may mga sintomas na akala niya noong una ay bad acid at panick attack lang.

“On the morning of our flight to Boracay (4 days ago), I was palpitating and was as white as a ghost. We chalked it up to bad acid and a panic attack.”

Ito ang bahagi ng post ni Saab sa Instagram.

Ang akala niyang bad acid lang, sinundan ng pagkahilo na kung saan kinailangan siyang i-wheel chair pagdating sa hotel na tutuluyan sana ng kaniyang pamilya sa Boracay. Si Saab saglit na nakatulog dahil sa sama ng pakiramdam niya. Pero siya ay nagising nagsimulang magsuka at nahimatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona

Ang kaniyang mister na si Jim Bacarro ibinahagi rin sa kaniyang Instagram ang isinalarawan niyang sitwasyon na hindi niya na-imagine. Si Saab ibinahagi niyang nawalan ng maraming dugo dahil sa health condition na naranasan. Ito daw ay nakipaglaban rin sa sakit na pneumonia. Muntik din malagay sa peligro ang buhay nito, mabuti nalang ay naagapan at na-operahan si Saab.

“Seven days ago, I was in a situation I could never have imagined: carrying my best friend’s unconscious body across a room. She was vomiting, losing blood, and I was screaming for help, urging her to wake up, to stay alive, as Pancho and Vito watched and screamed in fear. It was the start of a roller coaster journey from moments of peace to sudden life-threatening updates.”

Ito ang bahagi ng post ni Jim tungkol sa pinagdaanan ng kaniyang misis.

Sa ngayon si Saab ay matagumpay na sumailalim sa operasyon at nagpapagaling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Stay safe and listen to your bodies, everyone!🥲🙏💖 Thank you Lord for giving me another day.”

Ito ang pahabol niya pang paalala sa mga Instagram fans at followers niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang sakit na Meckel’s Diverticulum

Si Saab ay na-diagnosed na may sakit na kung tawagin ay Meckel’s Diverticulum.

Ayon sa health website na Healthline, ang Meckel’s Diverticulum ay isang congenital health issue na kung saan nagkakaroon ng abnormal sac o pouch sa bituka ng isang tao na tinatawag na diverticulum. Ito ay madalas na nag-dedevelop sa fifth o seventh week ng fetal development.

Kung ang diverticulum ay binubuo ng intestinal cells, ito ay maaring hindi magpakita ng mga sintomas. Pero kung ang diverticulum ay binubuo ng stomach o pancreatic cells, ito ay maaring magpakita ng significant na sintomas tulad ng mga naranasan ni Saab. Kabilang na dito ang pagsusuka, anemia, pagdurugo sa bituka at pananakit ng tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas ay agad na natutukoy ang sakit sa mga maliliit na bata bago mag-edad ng sampu. Ang pangunahing sintomas nito ay pagkakaroon ng dugo sa dumi. Pero maari rin itong huli ng ma-diagnosed kung kailan kaakibat na nito ang mga matitinding sintomas na nabanggit.

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement