Saab Magalona masaya sa bagong development sa kondisyon ng anak niyang si Pancho. Si Pancho nakokontrol na ang dalawa niyang mga kamay.
Mababasa dito ang sumusunod:
Bagong developmental milestone ng anak ni Saab Magalona na si Pancho
Sa Instagram ay ibinahagi ng celebrity mom na si Saab Magalona ang bagong achievement ng anak niyang si Pancho. Maikli lang ang caption ni Saab sa IG post niya. Pero sa video ay maririnig at makikita kung gaano kalaking achievement ang ipinakita ni Pancho para sa kanilang mga magulang niya. Si Saab hindi nga maikubli ang saya sa bagong skill na ipinakita ng anak niya.
Si Pancho masaya ng naisasayaw ang kantang “Twinkle twinkle little stars” gamit ang dalawa niyang kamay. Ayon kay Saab, ito ang unang pagkakataon na nagawa ito ng anak.
“All these years, Pancho wasn’t able to control his right hand so well. It was always a closed fist. He use to perform Twinkle Twinkle with only his left had until last night.”
Ito ang makikitang subtitle sa video na ibinahagi ni Saab.
View this post on Instagram
Sa background maririnig ang boses ni Saab na napakasaya sa achievement na ito ng anak. Sa caption nga ng kaniyang post ay ito ang nasabi niya, “That’s my baby 💖 ⭐⭐⭐⭐.”
Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona
Ang anak ni Saab na si Pancho ay may cerebral palsy. Pero sa kabila ng kondisyon ng anak, si Saab nanatiling malakas at ibinibahagi sa publiko ang mga developments at improvements sa kondisyon nito. Sa katunayan, kamakailan lang ay masaya ring ibinahagi ni Saab na nagsimula ng pumasok sa regular school ang anak na si Pancho. Bagamat pag-amin niya ay naging mahirap ito para sa kaniya. Dahil sa birth trauma na naranasan at parang hindi niya kayang mawala ng matagal sa tabi niya ang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!