Naikwento ni Saab Magalona sa vlog ni Camille Prats ang nangyaring komplikasyon sa panganganak niya noon sa kaniyang kambal na si Pancho at sa daughter na si Luna.
Saab sa pagpanaw ng daughter na si Luna: “We’re never gonna get over it”
Naimbitahan ni Camille Prats sa kaniyang #CamCookWithMe vlog ang celebrity mom na si Saab Magalona.
Sa kanilang kwentuhan habang nagluluto, muling binalikan ng dalawa ang nangyaring komplikasyon sa panganganak noon ni Saab Magalona sa kaniyang daughter na si Luna at sa twin brother nitong si Pancho.
Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona
Kwento ni Saab, nang mabuntis siya at malaman nilang kambal ang anak pakiramdam nila ay magical at surreal experience ito. Hanggang sa nagkaroon ng komplikasyon na humantong sa pagpanaw ng anak na si Luna.
“We’re having the time of our life and then out of nowhere there was a complication. It’s a high-risk pregnancy cause it’s twins. And long story short, we lost our baby girl.”
Nang mawala ang anak na babae, sinabi na rin ng doktor na baka hindi tumagal ay mawala na rin ang kakambal nito.
Dagdag pa ni Saab, ang katatagan ng asawa niyang si Jim ang nagpalakas sa kaniya ng mga panahong iyon. Kung saan ay parehong nakikipaglaban sila ng anak na si Pancho para sa kanilang buhay. Maswerte namang nakaligtas si Pancho.
Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona
Tuwing babalikan umano nila ang nangyari, binabanggit din daw ng asawa niyang si Jim na siya rin ang dahilan kung bakit naging matatag ito sa kabila ng mga nangyari.
“What kept him going is that every time he came into my room, I would be smiling. We have no idea that we are doing it for each other. And that’s how we both get through it.”
Pakiramdam daw ni Saab Magalona, ang nangyaring ito ay nagpalakas sa kanila hindi lamang bilang mag-asawa kundi bilang mga indibidwal.
Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona
Naikwento rin nito na isa sa mga paraan niya ng pag-cope sa pagkawala ng anak ay ang pagdo-donate niya ng breastmilk para sa mga inang nahihirapang magproduce ng gatas para sa mga anak.
“We are in a really good place right now. When I say we’re never gonna get over it, it’s like we don’t even wanna forget about Luna. And I feel like she’s always with us. Maganda rin siya kasi guardian angel siya ng kids ko”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!