X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Camille Prats nahirapan sa 'me time' noong maging mommy: "Parang may guilt feeling."

5 min read
Camille Prats nahirapan sa 'me time' noong maging mommy: "Parang may guilt feeling."

Naibahagi ni Camille Prats sa unang episode ng kaniyang Cam Cook With Me vlog ang ilan sa mga struggle niya sa pagkakaroon ng kids.

Nagsimula ng kaniyang cooking vlog ang celebrity mom na si Camille Prats. Si Angelica Panganiban ang guest nito sa unang episode kung saan ay ibinahagi ni Camille Prats ang ilan sa mga struggle sa pagkakaroon ng anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Camille Prats struggle ang ‘me time’ simula nang magkaroon ng kids
  • Angelica Panganiban at Camille Prats sa body weight requirement sa showbiz

Camille Prats struggle ang “me time” simula nang maging mommy

Excited na sinimulan ni Camille Prats ang kaniyang ‘Cam Cook With Me’ vlog sa YouTube. Sa kaniyang first episode ay ang kababata at kapwa niya noon child star na si Angelica Panganiban ang kaniyang guest.

Dahil parehong celebrity moms ay hindi maiwasang maisingit din sa pagbabalik-tanaw sa buhay-showbiz nila ang struggles at saya ng pagiging isang mommy.

camille prats kids

Larawan mula sa Instagram account ni Camille Prats

Masayang ikinuwento nga ni Angelica Panganiban kay Camille Prats kung paanong ngayon ay nagagawa na niyang unahin ang kaniyang sarili. Dahil dito, napatanong si Camille Prats kung paano ito nagagawa ng aktres.

Saad ni Camille Prats, nahihirapan daw kasi siyang unahin ang kaniyang sarili simula nang magkaroon siya ng kids. Bilang mother, madalas daw na tuwing lalabas si Camille Prats na hindi kasama ang husband at kids niya ay di niya maiwasang makaramdam ng guilt.

Kahit pa nga minsan umano ay halos dalawang oras lang mawalay si Camille Prats sa anak at husband niya ay agad-agad na niyang naiisip kung kumusta ang mga ito.

Aminado si Camille Prats na may pagkakataon umano na naiisip niya na sana kahit paano ay mayroon siyang oras para sa sarili.

camille prats on her bed

Larawan mula sa Instagram account ni Camille Prats

Nilinaw naman ng aktres na ayos lang naman daw siya. Sadyang, “May mga days lang na parang, kailan ko kaya magagawa ‘yong mga gusto ko?” saad ni Camille Prats.

“Parang may guilt feeling,” dagdag pa ng aktres.

Agad din namang kinontra ni Angelica Panganiban ang kaibigan. Aniya, hindi naman dapat ma-guilty si Camille Prats. Kahit isa na itong mother ay kailangan pa rin nito ng ‘me time’.

“Pwede ‘yon kasi tao ka e,” saad ng aktres.

Angelica at Camille sa body weight requirement sa showbiz

Bukod sa struggle ng pagiging isang ina ni Camille Prats sa kaniyang mga anak, binalikan din ng dalawa ang mga naranasan bilang child stars.

Masaya raw silang dalawa na parehong mature silang mag-isip noon. Kaya kahit may mga gumagawa ng issue para pag-awayin sila ay hindi nagtatagumpay ang mga ito.

Subalit, isa umano sa mga kultura ng showbiz na hindi nila malilimutan at hanggang ngayo’y dinaranas pa rin nila ang epekto ay ang pagpapanatili ng standard body weight ng isang artista.

camille prats with angelica panganiban

Screenshot mula sa vlog ni Camille Prats

Saad ni Angelica Panganiban, may pagkakataon daw noong teenager sila na pinatigil siya sa taping. Para daw ito matauhan siya kung gaano na ang inilaki ng timbang niya.

Ani naman ni Camille, naunawaan niya ang epekto nito nang matanda na siya at mayroon ng anak. Tuwing kinukwento ang mga karanasan noong batang artista pa sila ay akala niya ayos lang siya. Pero may pagkakataon umano na bigla na lang siyang nag-breakdown. Doon niya raw nalaman na may matinding epekto pala sa kaniya ang standard na ‘yon na sinet ng industriya noon sa kanila.

Dagdag pa ni Angelica Panganiban, hanggang ngayon sa kaniyang pagbubuntis ay dala-dala niya ang epekto nito. Maging ng mga salitang naririnig niya noon tungkol sa pangangatawan.

“Medyo masakit ‘yon e, parang growing up. Alam mo may trauma siya ha hanggang ngayon.”

Sa ngayon daw tuwing nagpapatingin si Angelica sa kaniyang doktor at pupunahin nito ang pagtaas ng timbang niya habang nagbubuntis, ay hindi umano maiwasan ng aktres na masaktan.

“Parang may mali talaga akong nagagawa kapag sinasabi sa akin na malaki ako ngayon,” aniya.

Alam naman daw niyang hindi personal na atake ang payo ng doktor.  Pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan at itanong sa sarili kung mayroon ba siyang nagawang mali.

“Ganoon ako lumaki, tumatak siya sa akin. Naging stigma na parang may mali kapag hindi mo napi-please ‘yong mga tao. Which is mali,” paliwanag ni Angelica.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

“May mali ba kapag mataba ang isang tao?” pagwawakas ni Angelica sa usapin.

camille prats

Larawan mula sa Instagram ni Camille Prats

Natatandaan din daw ni Angelica na pati ang size ng boobs nila ni Camille Prats ay madalas ding pagkomparahin ng mga tao.

Palagi raw siyang natatanong na bakit masyadong malaki ang dibdib niya. Samantala ay hindi naman ganoon ang kay Camille Prats.

Dumating din daw siya sa punto na kailangan niyang yumuko o gawing kuba ang sarili para maitago ang laki ng dibdib.

Pareho ngang dinanas ng dalawa ang stigma na ‘yon dahil kapwa sila nagsimula sa showbiz noong sila ay bata pa lamang.

Sinubaybayan ang dalawang child star sa kanilang mga palabas. Ilan sa mga ito ay ang Sarah Ang Munting Prinsesa at Ang Prinsesa at Ang Pulubi.

+Source

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Camille Prats nahirapan sa 'me time' noong maging mommy: "Parang may guilt feeling."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.