Celebrity mom na si Saab Magalona may sagot sa mga taong patuloy na nagbibigay ng mga komento sa anak niyang si Pancho na ayon sa kaniya ay hindi kaaya-aya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Saab Magalona naglabas ng saloobin niya tungkol sa kondisyon ng anak niyang si Pancho.
- Mensahe ni Saab sa mga pamilya na tulad nila ay may anak na may cerebral palsy.
Saab Magalona naglabas ng saloobin niya tungkol sa kondisyon ng anak niyang si Pancho
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang panganay na anak ng actress at singer na si Saab Magalona na si Pancho ay may cerebral palsy. Ang karanasan ni Saab sa pagpapalaki sa anak ay kaniyang ipinagmamalaki lalo na’t para sa kanila ng mister na si Jim Bacarro ay blessing o gift ito mula sa Diyos.
Kaya naman nitong nagdaang World Cerebral Palsy Day ay hindi napigilan ng celebrity mom na maglabas ng saloobin niya bilang isang ina. Partikular na sa mga “not-so-pleasant comments” na natatanggap niya umano patungkol sa anak niyang si Pancho.
“The world is opening up again. As much as we’re enjoying finally giving our children more opportunities to experience the world, unfortunately, we have also been subjected to some not-so-pleasant comments.”
“Believe it or not, in just the past few weeks, we’ve been told “sayang naman” “gwapo pa naman” or “awang awa kami sa anak niyo.”
Ito ang bungad ni Saab sa kaniyang Instagram account tungkol sa mga hindi kaaya-ayang comments na natatanggap niya patungkol sa anak na si Pancho.
View this post on Instagram
Sabi pa ni Saab, akala niya ay handa na sila sa kahit anumang sasabihin ng mga tao patungkol sa anak. Pero laking gulat niya daw at hindi nila aakalain ng mister na si Jim na ito ang maririnig nila.
Pagpapatuloy pa ni Saab, hindi sila dapat kaawaan at hindi sayang ang anak niyang si Pancho. Dahil para sa kanilang pamilya ito ang source of happiness nila at naka-depende dito ang buhay nila. Hindi rin ito pabigat sa kanilang pamilya. Sa halip ay naging madali ang buhay sa kanila. Ito ay dahil sa natutunan nilang maging thankful sa maliliit na bagay na nangyayari at natatanggap nila sa sa araw-araw.
“Here’s the thing: Pancho is our pride and joy. He’s our source of happiness. He may be dependent on us but we are also dependent on him. He makes life easier. Pure joy is no longer sought, instead it’s something we experience on a daily basis.”
Ito ang sabi pa ni Saab.
Mensahe ni Saab sa mga pamilya tulad nila ay may anak na may cerebral palsy
Larawan mula sa Facebook account ni Saab Magalona
Dagdag pa ni Saab, challenging man ang sitwasyon nila na may anak na may cerebral palsy, hindi sila nakakaawa. Dahil ang pag-aalaga sa isang batang may cerebral palsy ay isang honor na alam niyang hindi maiintindihan ng marami kung paano niya nasasabi. May maikli rin siyang mensahe sa mga pamilyang nakakaranas ng pareho nilang sitwasyon at sa mga taong mai-encounter nila.
“Being parents of a special needs child can be challenging, but it’s also a privilege and honor with rewards beyond our wildest dreams. Since it was #worldcerebralpalsyday yesterday (exactly when one of these instances happened), we’d like to remind everyone that families with special needs members do not need your pity.”
“And if you ever encounter a family with special needs, give them kind words and support instead.”
“Love to all Cerebral Palsy warriors and their armies. Fight lang tayo.”
Ito ang sabi pa ni Saab.
Ang ilang netizens sumang-ayon sa sinabi ni Saab lalong-lalo na ang mga nakakaranas rin ng parehong sitwasyon sa kanila. Ang ilan sa kanila ay pinuri ang pagpapalaki na ginagawa ni Saab at mister nito kay Pancho. Ito ang ilan sa komento nila sa post na ito ni Saab.
“I feel you. Over the years, I have distanced myself from several friends and relatives for my kids’ sake. And being with my kids, seeing them happy and feeling accepted, that’s all that matters.”
“Puddy is indeed inspiring. You guys as parents, as a family are truly amazing. Thanks for providing the space to educate people about children with special needs. They are no different from us. They will love you unconditionally and are sensitive to your feelings.”
Larawan mula sa Facebook account ni Saab Magalona
Sa nauna ng panayam ay minsan ng ibinahagi ni Saab at mister niyang si Jim ang kanilang nararamdaman sa pagkakaroon ng anak na may cerebral palsy. Natanggap na daw nila na iba ang sitwasyon nila kumpara sa ibang pamilya. Pero para sa kanila, maraming bagay ang dapat ipasalamat sa mundo. Kasama na dito ang pagkakaroon ng anak na tulad ni Pancho na nagbibigay sa kanila ng dagdag na lakas at pagmamahal.
“It’s difficult to see and to read about typical children and their families. I can’t help but feel a little sting when I see especially other parents sort of complain about the small stuff.
“It used to make me resentful, but then I learned that everyone had to go through different experiences. It’s not their fault, this is their experience.”
Ito ang sabi pa ni Saab.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!