Saab Magalona may appreciation post sa husband niyang si Jim Bacarro. Super proud at thankful siya sa kanyang mister.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Appreciation post ni Saab Magalona sa husband niyang si Jim Bacarro.
- Ang mahalagang papel ni Jim sa buhay ni Saab at ng mga anak niyang sina Pancho at Vito.
Appreciation post ni Saab Magalona sa husband niyang si Jim Bacarro
Image from Saab Magalona’s Instagram account
Lahat ng babae na nagnanais bumuo ng pamilya, hiling ay makakilala ng responsableng lalaki na tutulungan at dadamayan siya sa pag-aalaga ng mga anak nila.
Hindi ito basta lang sa pagbibigay ng pera o pagsusustento sa pangangailangan ng anak. Kung hindi pati narin sa pagsisiguro na may oras silang inilalaan para maalagaan at mas makilala pa ang mga anak nila.
Ito umano ang mga katangiang nakita ng singer at aktres na si Saab Magalona sa husband niyang si Jim Bacarro. Kaya naman si Saab, one proud wife sa mister niya na hindi napigilang ibida ng singer sa social media.
Base sa latest Instagram at appreciation post ni Saab sa mister niyang si Jim, hindi daw ito nagpapabaya sa pag-aalaga ng mga anak niya. Kahit busy daw ito sa pagtratrabaho, sinisiguro nito na nakakapag-spend siya ng time sa mga anak niya at naipaparamdam rito ang pagmamahal niya bilang ama.
Hindi rin daw basta ipinapaubaya ni Jim ang pag-aalaga ng kanilang mga anak sa kanyang misis at yaya ng mga ito. Bagkus, nakikibahagi siya at ginagawa rin ang task nila pagdating sa pagbabantay at pag-aalaga ng mga anak niya.
“Appreciation post for this zaddy who always takes time to schedule dates with the boys. He makes sure he is always doing equal work in caring for them.”
“He’s very aware that he is not exempt from care work just because he is the “man of the house.” He never takes me or the boys’ yayas for granted and is the one who initiated a schedule to make sure everybody gets appropriate rest.”
Ito ang pagbibida pa ni Saab sa mister niyang si Jim.
Payo ni Saab magagawa ito ng iba pang mag-asawa kung may open communication sila
Payo pa ni Saab sa iba pang mga magulang, hindi imposibleng mangyari rin ito sa kanilang pamilya.
Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng open communication sa pagitan ng mag-asawa. Doon puwede nilang i-discuss ang gusto sana nilang pantay na responsibilidad ng mag-asawa sa mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa kanilang mga anak.
“I encourage all parents to open up discussions with their partners that household work should be shared equally. Enter into a conversation with open hearts and remember why you chose each other as partners.”
May hirit pa si Saab sa gobyerno kung paano mas makakatulong na maisakatuparan ito ng mga mag-asawa. Ito ay sa pamamagitan sana ng pagbibigay ng dagdag na paternity leaves.
Sa huli ay binigyang pugay niya ang mga daddy na tulad ng mister niyang si Jim at nagbigay rito ng matamis niyang “I love you” na tanda ng pagpapasalamat niya narin sa asawa.
“I also hope for more support from the government for all families to be able to share responsibilities. We can start with longer paternity leaves so husbands can take care of their wives and newborn children! C’mon, guys, it’s 2022 (hehe) hindi na uso ang detached dads.
Kudos to dads who chip in! Ang ating tugon: DAPAT LANG. Cheka. Love you, @jimbacarro.”
Ito ang sabi pa ni Saab sa appreciation post niya sa mister na si Jim Bacarro.
Image from Saab Magalona’s Instagram account
BASAHIN:
Baron Geisler naka-graduate na ng college: “It is never too late.”
Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?”
Mahalagang papel ni Jim sa buhay ni Saab at mga anak niya
Image from Saab Magalona’s Instagram account
Una nang sinabi ni Saab sa isang panayam kung gaano niya hinahangaan ang mister niyang si Jim. Kung paano niya mas minahal ito ng dumating sa buhay nila ang anak nilang si Pancho na may special needs at ng mawala ang kakambal nitong si Luna ng maipanganak sila.
“I really have to say that my husband si Jim was such a rock talaga. Can you imagine he was going back and forth? Me in the ICU, our son in the NICU and our daughter in the morgue. So he was putting on a brave face holding my hand not breaking down.”
“I wish I could have been there but si Jim would be there with him every day especially when I couldn’t. He would sing to him, play him music, touch his hand and give him all the positive energy. He will talk to him and tell him that they will gonna get out of there. That’s why I think so highly of my husband because he really saved my son and in turn saved me.”
Ito ang pag-alala ni Saab sa nagawa ng kaniyang mister na si Jim para maligtas ang buhay ng anak nilang si Pancho at buhay niya ng maipanganak ito.
Si Saab, sa hindi inaasahang pagkakataon ay ipinanganak si Pancho at kambal nitong si Luna noong nasa ika-6 na buwan palang siya ng kaniyang pagbubuntis. Siya ay sumailalim sa emergency cesarean section delivery.
Si Pancho, himalang naka-survive bagamat nagkaroon ng disabilities, habang ang kambal nitong si Luna ay maagang nasawi. Si Saab noon ay nalagay rin sa peligro ang buhay, dahil sa maraming dugo ang nawala sa kaniya sa panganganak. Lahat ng milagro sa buhay nila ayon kay Saab ay hindi mangyayari kung wala ang mister niyang si Jim.