Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at ano ang pinagkaiba ng aceite de alcamporado sa aceite de manzanilla?
Ano ang pinagkaiba ng aceite de alcamporado sa aceite de manzanilla?
Ang aceite de alcamporado ay isang uri ng essential topical oil na gawa sa active ingredient na kung tawagin ay camphor. Ito ay kulay dilaw o minsan din ay puting langis na isa sa mga hindi nawawala sa mga gamit ng bagong panganak na sanggol dito sa Pilipinas.
Dahil ayon sa matatanda ang paglalagay umano nito sa bunbunan at talampakan ng isang sanggol tuwing sasapit ang gabi o alas-6 ng hapon ay mabisang proteksyon laban sa sipon.
Habang ang aceite de manzanilla naman ay isang anti-flatulent o ang kulay berdeng langis na hindi rin nawawala sa mga gamit ng bagong panganak na sanggol. Ito naman ang ipinapahid sa tiyan ng sanggol upang hindi ito umano malamigan at sa tuwing kinakabagan.
Saan ginagamit ang aceite de manzanilla?
Pinakakaraniwang ginagamit na produkto para sa mga sanggol ang aceite de manzanilla noon hanggang ngayon. Tinatawag itong “magic remedy” ng mga nanay, tiyahin at mga lola. Kaya ating tignan at alamin kung saan ginagamit ang aceite de manzanilla.
Ang aceite de manzanilla ay gawa sa active ingredient na chamomile oil. Ito ang isa sa mga essential oil na ipinapayong ligtas sa mga sanggol.
Maliban sa ito ay pinaniniwalaang gamot sa kabag ng mga nagmamaktol na sanggol, ito ay nagtataglay rin ng antimicrobial at antioxidant properties. A
ng mga ito ay pinaniniwalaang nakakatulong upang palambutin ang plema at ma-decongest ang airway o dibdib ng isang sanggol na may ubo at sipon.
Para rin sa mahimbing na tulog sa gabi, ipinapayo ang pagpapahid ng manzanilla sa sintido ng isang sanggol. Ganoon din sa mga bata at matatanda dahil sa ito ay may cooling at nakaka-relax na effect.
Ayon nga sa isang 2013 study, ang chamomile na active ingredient ng manzanilla ay nakakatulong upang maibsan ang anxiety at depresyon. Dahil pinapakalma nito ang mga ugat at pinapababa ang anxiety levels ng katawan.
Dahil sa mentol na amoy nito, ang manzanilla ay sinasabing mabisa rin upang malunasan ang pagkahilo at pagkaduwal. May positibong epekto rin ito sa balat na nakatutulong upang malunasan ang panunuyo o pagbabakbak nito.
Nakakaalis rin umano ito ng kati at mga rashes sa katawan. At pinaniniwalaang nakakatulong upang maiwasan ang bacterial infection.
Pag-iingat sa paggamit ng aceite de manzanilla
Madaming benepisyo ang nabibigay ng paggamit ng aceite de manzanilla sa iba’t ibang kondisyon na nararamdaman o maaaring maramdaman ng ating immune system.
Madali lamang din mahanap ito sa mga drugstores o supermarket na malapit sa inyo. Napakasimple lamang din ng paraan ng paggamit ng aceite de manzanilla.
Trusted ito ng napakaraming magulang dahil sapagiging ligtas at natural nito. Ngunit, sa kabila nito, mayroon pa ring mga paaalala at tamang pag-iingat sa paggamit nito.
Ang mga essential oils ay concentrated at hindi dapat lunukin maliban kung ikaw ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang kwalipikadong propesyonal, lalo na’t ang ilan ay nakalalason.
Unang pag-iwas sa posibleng aksidente, ay ang paglalagay ng aceite de manzanilla sa mga lagayan na malayong maabot ng mga bata.
Marapat din na alamin ang mga side effects na dulot nito at kung kailan hindi dapat gamitin ang aceite de manzanilla. Ilan sa mga maaaring side effects nito ay ang mga sumusunod:
1. Skin irritation
Ang ilang mga tao ay maaaring makakuha ng sensitivity ng balat mula sa essential oils. Bago mag-apply ng chamomile oil sa ibang bahagi ng iyong balat at kung nag-aalala ka tungkol sa iyong pagiging sensitibo dito.
Subukan muna ang paglagay ng kakaunting halagan nito sa iyong siko. Itigil ang paggamit nito kung nakakaranas ka ng anumang pamumula, pangangati, pagkasunog, o pamamaga.
2. Allergies
Ang aceite de manzanilla ay maaaring maging sanhi ng mga allergy sa ilang mga tao. Kung ikaw ay may allergy sa mga halamang may kaugnayan sa chamomile tulad ng daisies, ragweed, o marigolds, maaaring ito ay mas malamang na mangyari.
Ang anaphylaxis, isang matinding reaksiyong alerhiya na maaaring magdulot ng medikal na emerhensiya, ay maaaring mangyari paminsan-minsan.
Sundin ang mga sumusunod na palatandaan ng babala tulad ng nahihirapang huminga, enlarged throat, paghinga o pag-ubo, paninikip ng dibdib, pamamantal, pagsusuka at pagtatae.
3. Drug interactions
Ang chamomile ay maaaring mayroong mga gamot na cyclosporine at warfarin. Kung umiinom ka ng mga iniresetang gamot, kausapin ang iyong doktor bago gumamit ng aceite de manzanilla.
4. Paggamit ng aceite de manzanilla habng buntis at nagpapasuso
Kung ikaw ay buntis o nagpapasuso at gagamit ng aceite de manzanilla, mainam muna na kausapin ang iyong doctor kung safe ba itong gamitin para sayo at sa bata.
Kailan dapat gamitin ang aceite de manzanilla o ang chamomile oil
Sa pagbili ng aceite de manzanilla o iba pang mga essentials oil, tandaan ang mga sumusunod:
- Maging may pag-aalinlangan sa mga claim sa marketing at pagmamalabis. Ang mga essential oils ay hindi napapailalim sa regulasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
- Anumang essential oils na nag-aangkin na maaari itong gamitin upang gamutin o pagalingin ang isang partikular na sakit ay dapat na iwasan.
- I-verify ang label ng produkto para sa Latin na pangalan ng halaman. Ito ay maaaring makatulong sa iyo sa pagtiyak na ang chamomile oil na iyong matatanggap ay ang hinahanap mo.
- Maghanap ng mga pahayag na ito ay tunay at puro. Dapat ka lang tumatanggap ng purong essential oils. Dapat na alam mo mula sa label ng essential oil kung ang produkto ay mayroong halong ibang mga sangkap.
- Maging mapanuri bago bilhin ang essential oils o ang aceite de manzanilla, amuyin ito. Huwag bilhin kung ito ay mayroon ng ibang amoy kaysa sa normal nitong amoy.
- Kung bibili, maghanap ng mga essential oils na na may madilim na kulay o dark colors ang bote nito. Ang liwanag ay maaaring makapinsala sa mga essential oils, kaya maghanap ng mga bote o ng mismong item ng essential oil kung saan hindi makapapasok ang liwanag sa bote.
Saan ginagamit ang aceite de alcamporado?
Ang kadalasang gamit ng mga magulang at matatanda sa mga nararamdaman ng sanggol o kanilang anak ay aceite de manzanilla. Ngunit, para saan nga ba ginagagamit ang aceite de alcamporado?
Ang aceite de alcamporado naman ay isang counter-irritant. Ito ay gawa sa active ingredient na kung tawagin ay camphor na may sumusunod na benepisyo.
Kapag pinahid sa balat, ito ay nagdudulot ng numbness o pamamanhid sa sensory nerve endings na nakakatulong upang maibsan ang pananakit, pamamaga at pamumula ng balat. Tulad ng mga irritated symptoms na ipinapakita ng sakit sa balat na kung tawagin ay eczema.
Mabisa rin umano itong gamitin bilang muscle rub. Dahil naiibsan rin nito ang mga muscle spasms, cramps at stiffness. Ito ay dahil sa antispasmodic at relaxant properties nito ayon sa isang 2004 study.
Kung ihahalo naman sa tubig ay makakatulong rin ito upang maibsan ang pangangati at pamumula ng mga rashes sa katawan. Pinaniniwalaang nakakatulong rin ito sa pagpatay ng mga fungus sa kuko.
Ang amoy ng camphor ay nagdudulot rin ng calming effect sa ating utak na nakakatulong sa pagkakaroon ng mahimbing sa tulog sa gabi.
Isa rin itong decongestant na nakakatulong upang maibsan ang ubo at throat congestion. Kailangan lang ay ipahid ito sa likod at dibdib.
Ang pag-aapply nito sa anit ay pinaniniwalaang mabisang paraan rin upang ma-promote ang hair growth at paghaba ng buhok.
Kaya rin nito umanong patayin at tuluyan ng paalisin ang mga head lice o kuto sa ulo.
Babala sa paggamit ng camphor o aceite de alcamporado
Ngunit hindi tulad ng ating nakagawian, ay ipinapayo ng mga doktor na hindi ito ligtas gamitin sa mga batang 2 taong gulang pababa.
Dahil ito sa mga reports na may mga uri ng camphor oil ang nagdudulot ng seizures sa mga bata. Habang may ilang research ang nakapagsabi na ang pag-inom nito ay maaring maging life-threatening para sa mga toddlers.
Hindi rin ito ipinapayong gamitin ng mga buntis dahil sa ito umano ay maaring makapagdulot ng birth defects sa dinadala niyang sanggol. Ganoon rin sa mga nagpapasusong ina dahil sa maaring maamoy ito ng kaniyang sanggol.
Ito rin ay maaring magdulot ng allergic reaction sa mga taong hindi hiyang o may allergy rito. Kaya naman bago ito gamitin ay mas mabuti munang magtanong o kumonsulta muna sa doktor.
Pwede rin namang magsagawa ng skin patch test. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpapahid ng alcamporado sa iyong inner forearm at saka maghintay ng 24 oras kung may makikitang anumang reaksyon rito.
Ilan nga rin sa naitalang side effects ng aceite de alcamporado ay pamumula ng balat at irritation. Kaya naman hindi dapat ito ipinapahid sa balat na may galos o sugat. Dahil sa maaring maabsorb ng balat ang toxic levels nito.
Hindi rin ito dapat iniinom o ipinapasok sa bibig. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng paghapdi ng bibig at lalamunan na maaring mauwi sa pagsusuka. Kapag ito ay nalunok ay maaring magdulot ito ng serious side effects na maaring mauwi sa pagkamatay.
Dapat ay iwasan rin itong gamitin ng may mga medical conditions na may kaugnayan sa liver o atay. Dahil sa ito ay nakakapagdulot umano ng liver damage. Hindi rin ito ipinapayong gamitin ng may mga epilepsy at asthma.
Ilan sa mahahalagang impormasyon ng aceite de alcamporado
-
Overdose sa Aceite De Alcamporado Solution.
Huwag gumamit ng higit sa iniresetang dosis. Ang pag-inom ng mas maraming gamot ay hindi mapapabuti ang iyong mga sintomas; sa halip maaari silang magdulot ng pagkalason o malubhang epekto.
Huwag ibigay ang iyong mga gamot sa ibang tao kahit na alam mong mayroon silang parehong kondisyon sayo. Ito ay maaaring humantong sa labis na dosis. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o sa pakete ng produkto para sa karagdagang impormasyon.
-
Storage of Aciete De Alcamporado Solution.
Ilagay ang gamot sa kwartong may katamtamang temperatura. malayo init at direktang liwanag. Huwag i-freeze ang mga gamot maliban kung kinakailangan.
-
Nag-expire na Aciete De Alcamporado Solution.
Ang nag-expire na aceite de alcamporado ay maaaring maging hindi epektibo sa paggamot sa iyong mga nararamdaman. Upang maging ligtas, mahalagang huwag gumamit ng mga expired na gamot.
Kung mayroon kang malalang karamdaman na nangangailangan ng patuloy na pag-inom ng gamot tulad ng kondisyon ng puso, mga seizure, at mga allergy na nagbabanta sa buhay, mas mainam na makipagugnayan sa iyong doktor.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote at Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!