X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Narito ang ilan sa mga brands na aming napili at mga gabay para sa tamang pagpili ng brand na para sa baby mo.

Sabon para sa eczema ni baby ba ang hanap mo? Matutulungan ka naming mamili ng tamang brand na para sa baby mo sa pamamagitan ng ilang gabay sa artikulong ito.

sabon para sa eczema

Photo from iStock

Talaan ng Nilalaman

  • Paano pumili
  • Buod ng best sabon para sa baby ezcema
  • Cetaphil Review
  • Aveeno Review
  • Mustela Review
  • Dove Review
  • CeraVe Review

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng tamang sabon para sa eczema

Allergens

Basahin ang label sa pakete ng baby soap at suriin kung may sangkap ito na nakakapag-trigger ng skin allergy ni baby. Maaaring komunsulta muna sa pediatrician ni baby upang malaman ang mga allergens na maaaring maging sanhi ng iritasyon sa kaniyang balat.

pH level

Kahit na halos lahat ng baby soaps ay pH balanced, mabuting umiwas sa mga alkaline na sabon. “Alkaline soaps can increase the skin’s pH into a range that impairs skin barrier function," ayon kay Dr. Adam Friedman, isang dermatologist at dermatology professor ng The George Washington University School of Medicine and Health Sciences sa Washington, D.C.

NEA Seal of Acceptance

Ang National Eczema Association (NEA) ay may Seal of Acceptance program na sumusuri sa mga sangkap ng mga produkto bilang rekomendasyon sa mga consumer na ito ay banayad at hindi makakasama sa mga may atopic-prone na balat.

sabon para sa eczema

Photo from iStock

Mga ingredients ng sabon na dapat iwasan ng mga taong may eczema

Surfactants

Pangunahing sangkap ng karamihan sa mga sabon at cleansers ay ang surfactant o surface active agent. Ang sabon ay basically designed bilang isang surfactant upang maging panlinis ng katawan o mga bagay.

Ang paggamit ng sabon na may surfactants ay dumadagdag sa degradation ng skin barrier ng mga taong may eczema, ayon kay Dr. Friedman. Paliwanag niya,

“This results in increased oxidative stress and a pro-inflammatory state, leading to redness, dryness, and irritation."

Ilan sa mga surfactants na dapat iwasan ng mga taong may eczema ay ang:

  • formaldehyde
  • propylene glycol
  • salicylic acid
  • petroleum distillates
  • pumice

Fragrance at Artificial coloring

May ilang sangkap sa pabango at pangkulay ng mga sabon na maaaring makasama sa sensitibong balat ng iyong baby. Mabuting pumili ng mga scent-free at dye-free na sabon.

Deodorant

Katulad ng fragrance at artificial coloring, ang ilang sangkap ng mga deo soaps ay maaaring maging trigger sa eczema ni baby. Siguraduhin na bukod sa scent-free at dye-free, dapat ay walang halong sangkap na deodorant ang sabon na bibilhin.

BASAHIN:

LIST: 6 cloth diaper na perfect kay baby

Best car seat: Top 7 baby car seats para masiguradong safe si baby when traveling

LIST: 7 best play mats in the Philippines

5 best na sabon para sa eczema ni baby na aming napili

5 best na sabon para sa eczema
product image
Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Shopee
product image
Mustela Stelatopia Cleansing Gel
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Sensitive Moisture
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
CeraVe Baby Wash & Shampoo
more info icon
View Details
Bumili sa Beautymnl

Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash
Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Bakit mo ito magugustuhan?

Mayroon itong aloe vera, almond oil at 1/3 baby lotion content upang mapanatiling moisturized ang sensitive at delicate skin ni baby. Clinically proven din ang banayad na paglinis nito sa balat at hypoallergenic/allergy-tested. Available ito sa halos lahat ng pamilihan sa bansa.

Features:

  • Formulated with aloe vera, almond oil, at 1/3 lotion
  • Banayad sa delicate skin ng mga newborns at babies
  • Clinically proven
  • Tear-free formula na idinisenyo para sa araw-araw na pagligo
  • Head-to-toe wash
  • Hypoallergenic/allergy-tested cleanser
  • Dermatologist and Ophthalmologist tested
  • Pediatrician approved

Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash - ₱326.00

by Cetaphil

product imageBumili sa Lazada

Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo

Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Bakit mo ito magugustuhan?

Naglalaman ito ng natural Oat Extract, na kilala sa soothing at nourishing properties. Banayad at hindi nakakatuyo ng balat kaya puwedeng gamitin sa pagligo ni baby araw-araw. Hypoallergenic din kaya safe sa sensitibong balat ng baby.

*Naka-sale ito ngayon sa Lazada na mabibili lamang sa halagang P560.00.

Features:

  • With soothing natural Oat Extract
  • Hypoallergenic baby wash
  • Tear- and soap-free formula
  • Banayad sa balat para sa pang araw-araw na gamit

Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo - ₱363

by Aveeno

4.6/5
product imageBuy from Shopee
product imageBuy from Lazada

Mustela Stelatopia Cleansing Gel

Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Bakit mo ito magugustuhan?

May anti-irritation effect ito na pumo-protekta sa nakatutuyong epekto sa balat ng araw-araw na pagligo. Ispesipikong idinisenyo ito para sa atopic-prone skin ng mga baby. Nakatutulong din ang 98% natural origin ng mga sangkap nito upang maibsan ang pangangati ng balat.

Features:

  • Ingredient safety policy
  • Dermatologist tested
  • 98% natural origin ingredient
  • May sangkap na organic sunflower seed, avocado perasose, shea butter at natural origin glycerin

Mustela Stelatopia Cleansing Gel - P870.00

by Mustela

product imageBumili sa Lazada

Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Sensitive Moisture
Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Bakit mo ito magugustuhan?

Ito ang pinakamurang brand sa ating listahan at mabibili ito sa halos lahat ng pamilihan sa bansa. pH neutral ang formulation nito kaya mild sa balat ng baby. Hypoallergenic at dermatologist tested din.

Features:

  • Nakatutulong upang manatili ang natural skin moisture ni baby
  • pH-neutral, tear-free, at hypoallergenic baby wash
  • Ang safety-tested formula ay ophthalmologist, dermatologist at pediatrician-tested
  • Fragrance-free baby wash para sa sensitive skin
  • Naaangkop para sa newborns at compatible din sa eczema prone skin

Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Sensitive Moisture - ₱279.00

by DOVE

product imageBumili sa Lazada

CeraVe Baby Wash & Shampoo

Pinakamainam na sabon para sa eczema ni baby at mga gabay sa tamang pagpili

Bakit mo ito magugustuhan?

Ang produktong ito ay binuo sa tulong ng mga dermatologist para sa mga sanggol at mga taong may sensitibong balat. May sangkap itong tatlong uri ng ceramides na nagpapanatili sa natural na barrier ng balat. Ito ay may NEA Seal of Acceptance.

Features:

  • Banayad na baby wash para sa buhok at balat ni baby
  • Non-irritating, tear-free formula
  • Ceramides: Pinapanatili nito ang natural barrier ng balat
  • Hyaluronic acid: Pinapanatili nito ang natural moisture ng balat
    • Niacinamide: Nakatutulong upang maibsan ang pangangati ng balat
    • Hypoallergenic, fragrance-free, paraben-free, sulfate-free at phthalate-free
    • Binuo sa tulong ng mga dermatologists
  • Tinatanggap ng National Eczema Association

CeraVe Baby Wash & Shampoo - ₱1,000.00

by Cerave

product imageBumili sa Beautymnl

Mga tips upang malunasan ang baby eczema

Ang baby eczema ay kadalasan namang nawawala habang lumalaki ang mga bata ngunit may iilan na nadadala ito hanggang sa kanilang pagtanda.

Ang eczema kasi ay nakukuha via genetic at environmental factors. Kailangang alagaang mabuti ang balat ng mga baby na may family history ng eczema at expose sa mga allergens na sanhi nito.

Ang pagpili ng tamang sabon ay hindi sapat para malunasan ang baby eczema. May ilang dapat gawin upang maiwasan ang paglala nito.

sabon para sa eczema

Photo from iStock

1. Warm bath

Malaki ang naitutulong ng pagligo ng maligamgam na tubig upang hindi lumala ang baby eczema. Napapanatili nitong cool ang balat ni baby at napapawala ang nararamdamang pangangati. Paliguan ang baby ng mabilis at huwag siyang ibabad sa tubig.

2. Dry off

Padampi at hindi pakuskos ang pagtutuyo sa mga bagong paligong baby na may eczema. Sa ganitong paraan ay may matitira pa ring moisture sa kaniyang balat, na siyang kailangan upang mawala ang eczema. Ganito rin ang dapat gawin sa pagpapahid ng bimpo sa kaniyang pawis.

3. Gumamit ng moisturizers at ointments

Ugaliing lagyan ng moisturizers ang balat ni baby pagkatapos maligo. Makabubuting tumingin ng mga moisturizers at ointments para sa eczema o sumangguni sa kanyang pediatrician sa pagpili ng tamang brand dito.

4. Iwasan ang magsugat sa kamot ang balat

Hindi mababawalan o makokontrol ang pagkakamot ni baby kapag nangangati ang kanyang balat na may eczema. Ang magagawa natin ay maiwasang magsugat at maimpeksiyon ang kanyang balat mula sa labis na pagkakamot.

Mabuting gupitin ang kaniyang mga kuko ng madalas at siguruhing walang maiiwang matalas na edge ang kuko. Pagsuotin din si baby ng mittens sa magkabilang kamay.

5. Pagsuotin si baby ng kumportableng damit

Pagsuotin si baby ng maluwag na damit na gawa sa cotton. Ito ay upang hindi mairita ang balat ni baby sa pagkuskos ng damit sa kaniyang balat. Iwasan ang mga telang maiinit at rough sa balat gaya ng wool.

Gumamit din ng mild na laundry detergent sa paglalaba ng mga damit ni baby. May mga nabibiling baby detergent sa merkado na scent-free at safe sa sensitibong balat nila.

Munting paalala para sa mga magulang

Lagi nating tandaan na ang bawat baby ay unique sa isa’t-isa. Ang brand ng sabon na epektibo para sa eczema ng ilang baby ay maaaring hindi maging epektibo para sa iyong anak. Kailangang subukan ang bawat brand upang mahanap ang hiyang para sa kanya.

Pinapayuhan na sumangguni pa rin sa pediatrician ng iyong baby para sa ilang concerns sa kanyang eczema. Kung ang eczema ng iyong anak ay lumalala, agad na magpatingin sa doktor.

 

Source: Everyday Health, health.com, Mayo Clinic, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • Gamot sa eczema ng baby: mga mabisang produkto at presyo nito

    Gamot sa eczema ng baby: mga mabisang produkto at presyo nito

  • Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

    Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Gamot sa eczema ng baby: mga mabisang produkto at presyo nito

    Gamot sa eczema ng baby: mga mabisang produkto at presyo nito

  • Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

    Dahon ng Bayabas para sa Eczema: Mabisa ba ito?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.