Sabon para sa eczema ni baby ba ang hanap mo? Matutulungan ka naming mamili ng tamang brand para sa iyong little one sa pamamagitan ng ilang gabay sa artikulong ito.
Ang baby na may eczema ay mayroong super sensitive skin. At dahil dito, dapat ay maging mapanuri ka sa mga produktong gagamitin mo para sa kanyang balat. Mas madalas din siyang makaranas ng pangangati kaya’t malaking tulong ang baby wash o sabon para sa eczema para maibsan ito. Keep on reading para malaman ang brands na the best for your baby’s skin condition!
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng sabon para sa eczema
Allergens
Basahin ang label sa pakete ng baby soap at suriin kung may sangkap ito na nakakapag-trigger ng skin allergy ni baby. Maaaring komunsulta muna sa pediatrician ni baby upang malaman ang mga allergens na maaaring maging sanhi ng iritasyon sa kaniyang balat.
pH level
Kahit na halos lahat ng baby soaps ay pH balanced, mabuting umiwas sa mga alkaline na sabon. “Alkaline soaps can increase the skin’s pH into a range that impairs skin barrier function," ayon kay Dr. Adam Friedman, isang dermatologist at dermatology professor ng The George Washington University School of Medicine and Health Sciences sa Washington, D.C.
NEA Seal of Acceptance
Ang National Eczema Association (NEA) ay may Seal of Acceptance program na sumusuri sa mga sangkap ng mga produkto bilang rekomendasyon sa mga consumer na ito ay banayad at hindi makakasama sa mga may atopic-prone na balat.
Mga ingredients ng sabon na dapat iwasan
Surfactants
Pangunahing sangkap ng karamihan sa mga sabon at cleansers ay ang surfactant o surface active agent. Ang sabon ay basically designed bilang isang surfactant upang maging panlinis ng katawan o mga bagay.
Ang paggamit ng sabon na may surfactants ay dumadagdag sa degradation ng skin barrier ng mga taong may eczema, ayon kay Dr. Friedman. Paliwanag niya,
“This results in increased oxidative stress and a pro-inflammatory state, leading to redness, dryness, and irritation."
Ilan sa mga surfactants na dapat iwasan ng mga taong may eczema ay ang:
- formaldehyde
- propylene glycol
- salicylic acid
- petroleum distillates
- pumice
Fragrance at Artificial coloring
May ilang sangkap sa pabango at pangkulay ng mga sabon na maaaring makasama sa sensitibong balat ng iyong baby. Mabuting pumili ng mga scent-free at dye-free na sabon.
Deodorant
Katulad ng fragrance at artificial coloring, ang ilang sangkap ng mga deo soaps ay maaaring maging trigger sa eczema ni baby. Siguraduhin na bukod sa scent-free at dye-free, dapat ay walang halong sangkap na deodorant ang sabon na bibilhin.
Best brands ng sabon para sa eczema ni baby
Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash
Best for Dry Skin
|
Buy from Lazada |
Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo
Best Soothing
|
Buy Now |
Mustela Stelatopia Cleansing Gel
Best anti-irritation wash
|
Bumili sa Shopee |
Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Sensitive Moisture
Best Moisturizing
|
Bumili sa Shopee |
CeraVe Baby Wash & Shampoo
Best Pedia-recommended
|
Bumili sa Shopee |
Lactacyd Baby Gentle Care
Best Moisturizing
|
Buy Now |
Cetaphil Baby Moisturizing Bath & Wash
Most Trusted
Bakit mo ito magugustuhan?
Mayroon itong aloe vera, almond oil at 1/3 baby lotion content upang mapanatiling moisturized ang sensitive at delicate skin ni baby. Clinically proven din ang banayad na paglinis nito sa balat at hypoallergenic/allergy-tested. Available ito sa halos lahat ng pamilihan sa bansa.
Features:
- Formulated with aloe vera, almond oil, at 1/3 lotion
- Banayad sa delicate skin ng mga newborns at babies
- Clinically proven
- Tear-free formula na idinisenyo para sa araw-araw na pagligo
- Head-to-toe wash
- Hypoallergenic/allergy-tested cleanser
- Dermatologist and Ophthalmologist tested
- Pediatrician approved
Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo
Best Lightly Scented
Bakit mo ito magugustuhan?
Naglalaman ito ng natural Oat Extract, na kilala sa soothing at nourishing properties. Banayad at hindi nakakatuyo ng balat kaya puwedeng gamitin sa pagligo ni baby araw-araw. Hypoallergenic din kaya safe sa sensitibong balat ng baby.
Nag-iiwan ito ng light at refreshing scent na hindi nakakairita sa balat.
Features:
- With soothing natural Oat Extract
- Hypoallergenic baby wash
- Tear- and soap-free formula
- Banayad sa balat para sa pang araw-araw na gamit
Mustela Stelatopia Cleansing Gel
Best anti-irritation wash
Bakit mo ito magugustuhan?
May anti-irritation effect ito na pumo-protekta sa nakatutuyong epekto sa balat ng araw-araw na pagligo. Ispesipikong idinisenyo ito para sa atopic-prone skin ng mga baby. Nakatutulong din ang 98% natural origin ng mga sangkap nito upang maibsan ang pangangati ng balat.
Features:
- Ingredient safety policy
- Dermatologist tested
- 98% natural origin ingredient
- May sangkap na organic sunflower seed, avocado perasose, shea butter at natural origin glycerin
Baby Dove Hair to Toe Baby Wash Sensitive Moisture
Best Moisturizing
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang pinakamurang brand sa ating listahan at mabibili ito sa halos lahat ng pamilihan sa bansa. pH neutral ang formulation nito kaya mild sa balat ng baby. Hypoallergenic at dermatologist tested din.
Features:
- Nakatutulong upang manatili ang natural skin moisture ni baby
- pH-neutral, tear-free, at hypoallergenic baby wash
- Ang safety-tested formula ay ophthalmologist, dermatologist at pediatrician-tested
- Fragrance-free baby wash para sa sensitive skin
- Naaangkop para sa newborns at compatible din sa eczema prone skin
CeraVe Baby Wash & Shampoo
Best Pedia-Recommended
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang produktong ito ay binuo sa tulong ng mga dermatologist para sa mga sanggol at mga taong may sensitibong balat. May sangkap itong tatlong uri ng ceramides na nagpapanatili sa natural na barrier ng balat. Ito ay may NEA Seal of Acceptance.
At dahil doon ay kadalasang ang brand na ito ang inirerekomenda ng mga Pedia para sa mga baby na may eczema.
Features:
- Banayad na baby wash para sa buhok at balat ni baby
- Non-irritating, tear-free formula
- Ceramides: Pinapanatili nito ang natural barrier ng balat
- Hyaluronic acid: Pinapanatili nito ang natural moisture ng balat
- Niacinamide: Nakatutulong upang maibsan ang pangangati ng balat
- Hypoallergenic, fragrance-free, paraben-free, sulfate-free at phthalate-free
- Binuo sa tulong ng mga dermatologists
- Tinatanggap ng National Eczema Association
Lactacyd Baby Gentle Care
Best Milky Wash
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Lactacyd Baby Gentle Care ay eksperto sa pagprotekta sa delicate at eczema-prone skin ng baby. Mayroon itong natural milk extracts na siguradong safe at gentle para sa young delicate skin. Makakatulong din ito sa pag soothe at moisturize ng balat lalo na kung ito ay dry at irritated.
Karagdagan, maganda ang Lactacyd Baby Bath para sa sensitive skin ni baby dahil napi-prevent nito ang dryness, irritation at rashes.
Ito rin ay recommended by many pediatricians.
Features:
- Gentle baby milky wash
- Nakakatulong sa pag moisturize ng dry skin
- pH balanced at hypoallergenic formulation
- Safe gamitin araw-araw kay baby
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price | Price per ml |
Cetaphil | 230 ml | Php 390.00 | Php 1.70 |
Aveeno | 236 ml | Php 412.00 | Php 1.75 |
Mustela | 200 ml | Php 870.00 | Php 4.35 |
Dove | 400 ml | Php 455.00 | Php 1.14 |
Cerave | 237 ml | Php 1,100.00 | Php 4.64 |
Lactacyd | 250 ml | Php 325.00 | Php 1.30 |
Mga tips upang malunasan ang baby eczema
Ang baby eczema ay kadalasan namang nawawala habang lumalaki ang mga bata ngunit may iilan na nadadala ito hanggang sa kanilang pagtanda.
Ang eczema kasi ay nakukuha via genetic at environmental factors. Kailangang alagaang mabuti ang balat ng mga baby na may family history ng eczema at expose sa mga allergens na sanhi nito.
Ang pagpili ng tamang sabon ay hindi sapat para malunasan ang baby eczema. May ilang dapat gawin upang maiwasan ang paglala nito.
1. Warm bath
Malaki ang naitutulong ng pagligo ng maligamgam na tubig upang hindi lumala ang baby eczema. Napapanatili nitong cool ang balat ni baby at napapawala ang nararamdamang pangangati. Paliguan ang baby ng mabilis at huwag siyang ibabad sa tubig.
2. Dry off
Padampi at hindi pakuskos ang pagtutuyo sa mga bagong paligong baby na may eczema. Sa ganitong paraan ay may matitira pa ring moisture sa kaniyang balat, na siyang kailangan upang mawala ang eczema. Ganito rin ang dapat gawin sa pagpapahid ng bimpo sa kaniyang pawis.
3. Gumamit ng moisturizers at ointments
Ugaliing lagyan ng moisturizers ang balat ni baby pagkatapos maligo. Makabubuting tumingin ng mga moisturizers at ointments para sa eczema o sumangguni sa kanyang pediatrician sa pagpili ng tamang brand dito.
4. Iwasan ang magsugat sa kamot ang balat
Hindi mababawalan o makokontrol ang pagkakamot ni baby kapag nangangati ang kanyang balat na may eczema. Ang magagawa natin ay maiwasang magsugat at maimpeksiyon ang kanyang balat mula sa labis na pagkakamot.
Mabuting gupitin ang kaniyang mga kuko ng madalas at siguruhing walang maiiwang matalas na edge ang kuko. Pagsuotin din si baby ng mittens sa magkabilang kamay.
5. Pagsuotin si baby ng kumportableng damit
Pagsuotin si baby ng maluwag na damit na gawa sa cotton. Ito ay upang hindi mairita ang balat ni baby sa pagkuskos ng damit sa kaniyang balat. Iwasan ang mga telang maiinit at rough sa balat gaya ng wool.
Gumamit din ng mild na laundry detergent sa paglalaba ng mga damit ni baby. May mga nabibiling baby detergent sa merkado na scent-free at safe sa sensitibong balat nila.
Munting paalala para sa mga magulang
Lagi nating tandaan na ang bawat baby ay unique sa isa’t-isa. Ang brand ng sabon na epektibo para sa eczema ng ilang baby ay maaaring hindi maging epektibo para sa iyong anak. Kailangang subukan ang bawat brand upang mahanap ang hiyang para sa kanya.
Pinapayuhan na sumangguni pa rin sa pediatrician ng iyong baby para sa ilang concerns sa kanyang eczema. Kung ang eczema ng iyong anak ay lumalala, agad na magpatingin sa doktor.
Source: Everyday Health, health.com, Mayo Clinic, WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.