Kasama sa ating tradisyon ng pagdiriwang ng bagong taon ang paggamit ng mga paputok. Pinaniniwalaang nakakapagtaboy ito ng malas at masamang espiritu kaya't mas magiging masagana ang pagpasok ng panibagong taon.
Sa kabilang banda, may mga kapahamakang maaaring makuha sa paggamit ng paputok kung hindi magiging maingat. Kaya naman hinihikayat ng ating pamahalaan ang bawat isa na iwasan ang paggamit ng paputok. Bagkus, isinusulong nila ang paggamit ng mga alternatibong pampaingay na ligtas para sa lahat.
Kasalukuyan ka bang naghahanap ng mga safe alternatives sa paputok? Patuloy na magbasa at alamin ang mga alternatibong pampaingay na maaaring magamit sa pagsalubong ng bagong taon!
Safe Alternatives sa Paputok
[product-comparison-table title="Alternatibong pampaingay"]
[caption id="attachment_491406" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Electric Fire Cracker[/caption]
Isa sa ideal na alternative sa mga paputok ay ang Electric Fire Cracker. Nauuuso itong gamitin tuwing bagong taon dahil kagaya ng tunay na paputok ang tunog nito. Mayroon din itong LED lights na sumasabay sa pag-ilaw habang tumutunog ang electric fire cracker.
Karagdagan, maaari itong macontrol kung nais palitan ang sounds o baguhin ang volume dahil may kasama itong remote. Ligtas ito gamitin kumpara sa mga tunay na paputok na maaaring makapagdulot ng panganib, hindi lamang sa atin kundi maging sa kapaligiran.
[caption id="attachment_491407" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Air Horn[/caption]
Maganda ring gumamit ng air horn bilang pampaingay sa darating na bagong taon. Napakadali lamang nitong gamitin kaya naman pwedeng ibigay kahit sa mga bata. Sa pamamagitan ng pag push o pag pump nito, makakapag produce ito ng malakas na tunog kaya't tamang-tama para sa pagsalubong sa bagong taon.
Gawa ito sa high quality plastic material na non-toxic. Affordable rin ito kaya naman mas mainam itong piliin bilang pampaingay kaysa sa mga paputok na may kamahalan ang presyo.
[caption id="attachment_491408" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Mini Horn[/caption]
Kasama rin sa Pinoy tradition ang paggamit ng torotot sa pagsalubong ng bagong taon. Kaya naman kung plano mong bumili ng maraming torotot, i-add to cart na agad ang bundle na ito!
Madali lamang ito i-assemble at kahit na maliit ang nakakapag produce ng malakas na tunog. Safe at murang alternative rin ang mga torotot na ito sa paputok.
[caption id="attachment_491409" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Bubble Machine[/caption]
Kakaiba naman ang fireworks alternative na ito. Hindi colored sparks ang lumalabas sa machine, bagkus ay mga bubbles na tila ba mayroon ding iba't ibang kulay.
Ang fireworks bubble machine na ito ay naglalabas ng bubbles na sinasabayan pa ng patay sinding ilaw at iba't ibang music. Rechargeable ito kaya naman hindi na kailangan pang isaksak kapag kailangang gamitin. Mayroon din itong variant na battery operated at maaaring gamitin ng apat na AA batteries.
[caption id="attachment_491410" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Maracas[/caption]
Maaari rin gawing alternative sa paputok ang mga musical instruments gaya na lamang ng maracas. Bukod sa nakakaaliw ang pagpapatunog nito, may benepisyo pa itong maidudulot sa development ng mga bata. Gaya ng mga rattle toys, nakakatulong ang maracas sa development ng hand-eye coordination at fine motor skills.
Kung plano mong bumili ng maracas para sa darating na new year, best choice ang Premiere Mexican Maracas. Gawa ito sa kahoy kaya't mas malakas ang kaya nit0ng maproduce na tunog kumpara sa mga maracas na gawa sa plastic. Ang kagandahan pa rito ay hindi lamang ito sa bagong taon magagamit dahil pwede rin itong gamitin ng mga chikiting sa school o di kaya ay bilang laruan.
[caption id="attachment_491411" align="aligncenter" width="1200"] Safe Alternatives Sa Paputok: Iba't Ibang Pampaingay Sa Bagong Taon | Mini Speaker[/caption]
Ang paggamit ng speaker at pagpapatugtog ng malakas na music ay ang pinakasimpleng alternatibo sa pagpapaputok. At kung naghahanap ka ng portable speaker na madadala mo kahit saan, swak ang Google Nest Mini Speaker para sa'yo!
Mapapabilib ka sa speaker na ito dahil kahit na maliit lamang ito ay nakakapagproduce ng malakas na sound. Higit pa riyan, maaari kang mamili ng kulay dahil available ito sa chalk, grey at coral colors.
Price Summary
Products |
Price |
Electric Fire Cracker |
Php 2,490.00 |
Air Horn |
Php 89.00 |
Mini Torotot Horn for Kids |
Php 95.00 |
Fireworks Bubble Machine |
Php 299.00 |
Premiere Mexican Maracas |
Php 329.00 |
Google Nest Mini 2nd Generation |
Php 1,795.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Gawing ligtas ang pagsalubong sa 2024 at iwasan na ang paggamit ng paputok. Mas mahalaga ang kaligtasan at kalusugan ng buong pamilya kahit sa anumang bagay. Maaari pa rin namang maging masaya ang inyong New Year nang hindi gumagamit ng mga fire crackers na maaaring magdulot ng pinsala sa kalusugan at kapaligiran.