Safe ba ang withdrawal method sa mga wala pang planong mag-buntis? Alamin ang kasagutan rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Safe ba ang withdrawal method bilang uri ng birth control?
- Hindi nilabasan sa loob, pwede pa rin bang mabuntis?
- May paraan ba para maging mabisa ang withdrawal method?
Kung ikaw ay sexually active, marahil alam mo na mayroong tsansa na ikaw ay mabuntis nang hindi mo inaasahan. Kaya naman maraming kababaihan at magkarelasyon na hindi pa handang magkaanak ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng birth control methods.
Para sa mga taong hindi gumagamit ng condoms o oral contraception, isa sa mga bagay na kanilang ginagawa kapag nagtatalik ay ang withdrawal method. Ngunit bagamat isa ito sa mga kinikilalang paraan ng birth control, isa rin ito sa itinuturing na least reliable.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Planned Parenthood, lumabas na ang withdrawal method ay pangatlo sa mga hindi epektibong paraan ng contraception na may 78% na effectiveness. Sumusunod ito sa paggamit ng spermicide na 71% effective at ovulation tracking o calendar method na 76% effective.
Samantala, ang paggamit naman ng hormonal birth control methods gaya ng IUD at injectibles ay mahigit 90% ang effectivity at 85% effective naman ang paggamit ng condom.
Ngunit kahit mataas ang tiyansang mabuntis gamit ang birth control method na ito, maraming magkarelasyon ang gumagamit pa rin ng withdrawal method. Ito kasi ang tinuturing na “last resort” ng couple na nais magtalik pero ayaw mabuntis.
BASAHIN:
Gumagamit ng withdrawal method? May chance pa rin na mabuntis, ayon sa science
Iba’t-ibang uri ng family planning method at gaano ka-epektibo ang mga ito
Ano nga ba ang withdrawal method?
Ang withdrawal method o kilala rin sa tawag na pull-out method ay isang paraan upang maiwasan ang pagdadalang-tao ng isang babae. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghugot o pagtanggal sa ari ng lalaki sa loob ng puwerta ng babae bago pa man ito labasan o mag-ejaculate habang nagtatalik.
Ang maling timing o maling pagkokontrol ng isang lalaki habang ginagawa ang method na ito ay mas nagpapataas ng tiyansa sa isang babae ng magdalang-tao.
Ang withdrawal method ay isa rin sa karaniwang ginagawa bilang contraception dito sa Pilipinas. 4.5% ng mga babaeng may asawa ang gumagamit nito—mas mataas sa calendar method na 2.0% ng kababaihan lang ang gumagamit. Ayon ito sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2017.
Bakit nagugustuhan ng iba ang paggamit nito?
Sa kabila ng risks at posibleng pagpalya ng withdrawal method, maraming magkarelasyon ang pinipili pa ring gamitin ang paraang ito para iwasan ang pagbubuntis. Narito ang ilan sa kanilang mga rason:
- Libre ito
- Hindi nangangailangan ng reseta ng doktor
- Pwede mong gawin anumang oras (walang kailangang inuming gamot)
- Walang side effects gaya ng ibang birth control methods
Safe ba ang withdrawal method para hindi mabuntis?
Ang sagot sa kung safe ba ang withdrawal method sa pagpigil na makabuo ng baby ay isang malaking HINDI.
Ayon kay Dr. Mary Jane Minkin, isang clinical professor sa Yale School of Medicine, ito ay dahil malaki ang tiyansang hindi maging mabisa ng paraang ito, lalo na kung mali ang pagsasagawa nito o dahil sa human error.
Dagdag pa ni Dr. Minkin, ang hindi pag-withdraw agad o ang maling timing sa paghugot sa ari ng lalaki sa puwerta ng babae bago ito labasan ay isa sa pagkakamali sa pagsasagawa ng method na ito.
Premature ejaculation
Ayon rin sa kaniya, ang mga unang drops ng semen na galing sa penis ng lalaki ay mas loaded daw ng sperm na mas nagpapataas ng tiyansa ng pagbubuntis.
Marami ang nabubuntis dahil lamang sa pre-ejaculation o ang kaunting semen na nilalabas ng ari ng lalaki bago pa siya tuluyan makarating sa climax at mag-ejaculate.
Dahil taliwas sa kaalaman ng marami, ang pre-ejaculation o pre-cum ay pwede pa ring magkaroon ng live sperm.
Ang pre-cum ay isang lubricant na nagmumula sa isang gland ng ari ng lalaki. Lumalabas ito bago mag-ejaculate. Kadalasan, hindi ito nagtataglay ng sperm. Subalit kung mayroong semen na may live sperm na natira sa urethra, maari itong mahalo sa paglabas ng pre-cum, na siyang nagiging dahilan kung bakit mayroon pa ring nabubuntis sa withdrawal method.
Sa katunayan, sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2016, natagpuan na 17 porsyento ng pre-cum samples ay naglalaman pa rin ng live sperm. Tandaan, isang sperm lang ang kailangan upang makapag-fertilize ng egg cell ng isang babae.
“Safe naman ako sa araw na iyon, paano ako mabubuntis?”
Maari ka pa ring mabuntis dahil sa pre-cum kahit hindi ka nag-oovulate sa araw nang inyong pagtatalik. Pero dapat alalahanin na ang sperm ng lalaki ay maaring manatili sa loob ng katawan ng isang babae hanggang 5 araw. Kaya naman ang sperm mula sa pre-cum ay maari pang umabot sa fertile window at maging dahilan ng ovulation at pagkabuo.
Kulang sa proteksyon
Maaring sa ilang pagkakataon ay maging mabisa ang withdrawal method para hindi mabuntis ang isang babae, pero hindi pa rin ito maaasahang uri ng birth control.
Ayon sa WebMD, “The single biggest reason for unplanned pregnancy isn’t ineffective birth control — it’s from a couple not using any contraception.”
Ayon kay Dr. Maureen Phipps, chief of obstetrics and gynecology sa Women and Infants Hospital of Rhode Island,
“Some women may not use birth control regularly, and others not at all. They may not like it, might not have access to it, or may even have a partner who doesn’t want them to use it. They’re not planning, but they’re not actively trying to avoid pregnancy, either. And they end up getting pregnant,” aniya.
Kaya naman kung gusto mong makasiguro na hindi ka mabubuntis habang nakikipagtalik, mas maiging sumubok ng mas reliable na contraceptive kaysa sa withdrawal method.
Safe ba ang withdrawal method laban sa STD?
Ang withdrawal method ay hindi rin safe bilang proteksyon sa pagkakaroon ng sexually transmitted disease o STD.
Kahit na tama ang pagsasagawa sa withdrawal method, hindi naman ito nagbibigay ng sapat na proteksyon sa isang babae upang hindi magkaroon ng sexually transmitted disease. Gaya ng genital warts at herpes na maaring makuha sa skin-on-skin contact.
Samantalang ang mga iba pang uri ng STD na chlamydia, syphilis, at gonorrhea ay maaring madala sa pre-cum o sa fluid. Lumalabas ito sa penis ng lalaki bago ang ejaculation na maaring malipat sa isang babae habang nakikipagtalik.
Tips para mas maging mabisa ang withdrawal method
Para mas madagdagan ang effectivity o mas maging mabisa ang withdrawal method upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis ng isang babae, may mga paraan at tips na maaring gawin ang isang magkarelasyon:
- Gumamit ng spermicides. Ang spermicide ay isang substance na pumapatay sa sperm. Ito ay maaring isang film, gel, cream o suppository na mabibili over-the-counter sa mga drugstores, pharmacy o groceries. Subalit babala rin sa gagamit nito: may mga ingredients ang ibang spermicides na maaring maka-irita at magdulot ng infection sa ari ng babae.
- Huwag gamitin ang withdrawal method sa mga araw na fertile ang isang babae dahil mas mataas ang tiyansa ng pagbubuntis. Para makasiguro, dapat ay alamin ng babae ang mga araw ng kaniyang ovulation period at fertile window, lalo na kung irregular ang kaniyang monthly period.
- Para makaiwas sa STD, maaring gumamit ng condom habang gumagamit ng withdrawal method. Isang alternatibong paraan din ito upang safe na makipagtalik sa mga araw na fertile ang isang babae.
- Paihiin muna ang partner na lalaki bago makipagtalik. Ito ay upang matanggal ang mga sperm na nanatili sa urethra at maaring lumabas bago pa man ang aktwal na pagtatalik.
- Kapag nag-ejaculate ang partner na lalaki sa labas ng puwerta ng babae, siguruhing walang sperm na maiiwan sa itaas na parte ng hita o sa singit ng babae. Ito ay dahil ang sperm sa balat ay maaring tumulo papunta sa vagina.
- Upang higit na mas maging mabisa rin ang withdrawal method sa isang mag-karelasyon, dapat mayroong tiwala ang isang babae sa kaniyang partner na lalaki para maisagawa ng maayos at tama ang method na ito.
- Sa mga lalaki, kailangan namang maging honest sa kanilang pagseself-control. Maging responsable rin upang maiwasan ang pagkakamali sa paggawa ng withdrawal method.
Tandaan, kahit na gawin ang tips na ito, hindi pa rin 100% na epektibo ang withdrawal method sa pagpipigil na mabuntis.
Kung magdedesisyon kayo ng iyong partner na gamitin pa rin ang paraang ito para maiwasan ang pagbubuntis, dapat ay mapag-usapan niyo rin kung ano ang inyong gagawin kung sakaling pumalya ang withdrawal method. Kung maari, gawin na lang ito bilang secondary birth control method at hindi ang tanging paraan ng pag-iwas sa pagbubuntis.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa iyong tsansa ng pagbubuntis at mas epektibong uri ng birth control, huwag mahiyang kumonsulta sa isang OB-Gynecologist.
Sources: Women’s Health, WebMD, PSA.gov, Planned Parenthood, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.