Safe ba gumamit ng aircon kapag may ashfall? Ito rin ba ang tanong mo sa ngayon? Narito ang sagot ng isang aircon manufacturer sa Pilipinas.
Safe ba gumamit ng aircon kapag may ashfall
Ayon sa Concepcion Industrial Corporation, isang manufacturer ng air conditioners at refrigerators sa Pilipinas ay safe namang gumamit ng aircon kapag may ashfall. Ito man ay mapa-split type o window type na aircon basta mahina o light ashfall lang ang nararanasan sa inyong lugar. At dapat ay siguradong hindi napapasukan ng hanging mula sa labas ang iyong kwarto. Dahil ang hangin na ginagamit ng aircon ay ang hangin na umiikot sa loob ng inyong kwarto o bahay.
Pero sa oras na makaranas na ng malakas o heavy ash fall ay dapat ng tigilan ang paggamit ng aircon. Dahil maaring mag-clog ang mga abo o ash sa outdoor condenser coil ng iyong aircon. Ito ay magreresulta ng overheating ng aircon na maaring maging dahilan ng pagkasira nito.
Paano lilinisin ang aircon matapos ang ashfall?
Dagdag pa ng Concepcion Industrial Corporation, ay dapat na agad linisin ang inyong aircon pagkatapos ng naranasang ash fall. At dapat ito ay gawi ng isang professional technician. Ngunit sa oras na hindi available ang isang technician para gawin ito, maaring linisin ang labas na bahagi ng iyong aircon gamit ang garden hose. Basta ingatan mo lang na hindi mabasa ang coil at circuit board ng iyong ginagamit na aircon.
Paggamit ng aircon sa iyong kotse kapag may ashfall
Samantala, ayon naman sa Toyota Motors, inirerekumenda nilang huwag munang gamitin ang air conditioning system ng inyong kotse o sasakyan habang may ashfall. Ito ay dahil nanggagaling ang hangin ng air condition system ng sasakyan mula sa labas. Kaya naman ang pagpapaandar ng aircon ng iyong sasakyan habang may ashfall ay maaring magpasok ng hanging may abo sa loob ng iyong sasakyan. Ito ay maari mong malanghap sa loob ng iyong kotse at maaring magdulot ng panganib sa iyong kalusugan.
Iwasan din daw dapat ang pagbyabyahe gamit ang iyong sasakyan sa oras na nakakaranas ng heavy ashfall. Ito ay upang maproteksyonan ang iyong sasakyan laban sa damage ng mga abo. Pati na upang masiguro ang kaligtasan ng mga taong sakay ng iyong sasakyan.
Paano lilinisin ang kotse matapos ang ashfall?
At sa oras na matapos na ang ashfall ay dapat linising mabuti ang air filter ng iyong sasakyan. Dahil ito ay maaring nalagyan ng abo na maari mo paring malanghap kahit wala ng ashfall.
Pagdating naman sa paglilinis ng iyong sasakyan matapos ang ashfall ay dapat gumamit ng pressurized water o tubig mula sa garden hose. Ayon parin sa Toyota Motors, iwasan din daw punasan ang iyong sasakyan habang ini-sprayhan ito ng tubig. Dahil maaring makagasgas ang maliliit na ash particles mula sa sumabog na bulkan sa iyong sasakyan.
Sa paglilinis ay dapat ding magsuot ng tamang kasuotan. Lalo na kung patuloy parin ang pagbagsak ng abo. Dapat ay magsuot ng protective gear tulad ng raincoat at facial mask bilang iyong proteksyon. Dahil maari mo paring malanghap ang mga abong ito at makasama sa kalusugan mo.
Source: Concepcion Industrial Corporation, Toyota Motors
Basahin: Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan