Maraming mga bagong magulang sa Pilipinas ang tumitira sa mga condominium. Isa itong cost-effective na paraan para makapagsimula ng pamilya. Ngunit dahil matataas ang mga condominium ay kinakailangang matuto ang mga magulang ng safety sa condominium upang mapanatiling ligtas ang kanilang pamilya.
Kaya para sa mga magulang, nakababahala ang mga balita ng mga batang naaksidente o kaya ay nasasaktan sa condominium, tulad na lang ng kuwentong ito.
Safety sa condominium, hindi dapat balewalain
Ayon sa mga ulat, nangyari raw ang insidente sa isang high-rise na condominium sa China.
Di umano’y naiwan raw mag isa ang isang 2-anyos na bata sa kanilang condominium. Dahil dito, posibleng naglikot ang bata at ito ang naging dahilan upang siya ay mahulog mula sa kanilang 10th floor na kwarto.
Sa kabutihang palad ay hindi raw nagtamo ng malaking pinasala ang bata. Nabuhay raw ito dahil sumabit sa mga sanga ng puno at mga sampayan sa lugar. Gayunpaman, nagtamo pa rin siya ng mga pasa at gasgas dahil sa nangyari.
Nakita raw ng mga residente ang bata sa may damuhan, at dali-dali nila itong tinulungan kasama ang guwardiya ng condominium.
Sana’y magsilbi itong babala sa mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak na mag-isa, lalong-lalo na sa condominium.
Mga safety tips para sa magulang
Heto ang ilang mga safety tips na dapat tandaan ng mga magulang:
- Maglagay ng grills sa mga bintana. Siguraduhin maliit ang mga puwang upang hindi makalusot ang bata. Siguraduhin din na nabubuksan ito at puwedeng maging escape route sakaling may emergency. Maaaring maglagay ng kandado para maisara ito.
- Siguraduhing walang mga gamit na malapit sa bintana o balkonahe na maaaring akyating ng bata.
- Isara ang mga bintana at balkonahe kapag umaalis sa kuwartong iyon. Baka sakaling pumasok ang bata at maglaro malapit dito kapag walang nagbabantay.
- Huwag kalimutang paalalahanan ang mga bata kung bakit delikado na maglaro sa may bintana o balkonahe.
- Huwag iwanan ang maliliit na bata nang mag-isa. Siguraduhing parating may bantay ang mga ito.
- Paalalahanan ang mga kasambahay o ang mga yaya na huwag papapuntahin ang mga bata malapit sa bintana o terrace.
Source: Shanghaiist
Basahin: Bata nahulog sa condominium habang naglalaro sa bintana
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!