TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Adenomyosis: sakit ng babae na nakakabaog?

3 min read
Adenomyosis: sakit ng babae na nakakabaog?

Ayon sa mga pag-aaral may posibleng sakit na nakakabaog ang mga babae. Alamin kung ano ang adenomyosis at kung ano ang mga sintomas nito. | Photo by Asdrubal luna on Unsplash

Hindi malaman ng Hollywood star na si Gabrielle Union—aktres sa mga pelikulang 10 Things I Hate About You, Bring It On, at City of Angels—kung bakit hirap siyang magka-anak. Saad ng 45-anyos na aktres, nagkaroon siya ng walo o siyam na miscarriages. Mayroon ba siyang sakit na nakakabaog?

Inamin niya sa isang panayam na napa-isip siya kung kasalanan niya kung bakit hindi sila makabuo ng kaniyang asawa na si Dwayne Wade, isang NBA player para sa Miami Heat. “Sabi ng lahat, ‘Inuna mo ang career mo. Naghintay ka ng matagal bago mo sinubukan na magka-anak. Kaya ngayon, masyado ka ng matanda para mabuntis. Kasalanan mo kung bakit wala kang anak.”

 

 
View this post on Instagram
  A post shared by Gabrielle Union-Wade (@gabunion) on Aug 31, 2018 at 12:55pm PDT

Finally, nabigyan siya ng sagot ng mga duktor. Mayroon siyang adenomyosis.

Ano ang adenomyosis?

sakit na nakakabaog

Nagkakaroon ng adenomyosis ang babae kapag ang tissue ng uterus (endometrial tissue) ay tumutubo sa muscular wall ng uterus. Kahit wala ito sa tamang lugar, patuloy pa rin nitong ginagawa ang kaniyang tungkulin—pakapalin, i-break down, at dumugo pagtapos ng menstrual cycle (regla). Nagiging sanhi ito ng pagkaramdam ng sakit kapag nakikipagtalik at kapag mayroong regla.

Hindi pa alam kung paano nagkakaroon ng ganitong kundisyon. Ngunit mayroong mga teorya kung bakit ito nangyayari, katulad ng pagkakaroon ng extra tissue sa uterine wall pagkapanganak pa lamang at dumadami lalo kapag lumaki na ang bata. Puwede rin na maka-apekto ang pagtubo ng abnormal na tissue matapos ang isang surgery katulad ng caesarean section o di kaya’y pagtubo naman ng stem cells sa uterine muscle wall. Minsan din nagkakaroon ng uterine inflammation matapos manganak.

Hindi rin ito madaling ma-diagnose—katulad nang nangyari kay Gabrielle. Karaniwan na nawawala ang kundisyon na ito kapag manopause na ang babae.

Sintomas ng adenomyosis

May mga kababaihan na mas mataas ang risk na magkaroon nito katulad ng mga mayroon ng anak, mga nagkaroon ng operasyon sa uterus, at mga malapit nang mag-menopause.

Ang mga sintomas ng adenomysosis ay ang sumusunod:

  • Matagal na pagkakaroon ng menstrual cramps
  • Spotting sa gitna ng dalawang cycles
  • Heavy na pagdurugo kapag may regla
  • Mas matagal na regla kaysa sa normal na cycle
  • Blood clots habang may regla
  • Masakit na nararamdaman kapag nakikipagtalik
  • Masakit na puson

Paano nagiging sakit na nakakabaog?

Kulang pa ang pag-aaral tungkol sa adenomyosis ngunit malakas ang paniniwala ng mga duktor na may epekto ang kundisyon na ito sa infertility o hirap na makabuo. Nakaka-apekto raw kasi ang adenomyosis sa pagbaba ng fertilized egg mula fallopian tube papuntang uterus. Puwede rin daw maapektuhan ang endometrium (ang mucus membrane na nagsisilbing lining ng uterus). Dagdag pa dito ang masakit na pagtatalik.

Maaari rin daw na mayroon ding endometriosis, na karaniwang sanhi ng infertility, ang mga may adenomyosis.

Ang paniniwala naman ni Dr. Kevin Audlin ng Mercy Medical Center sa Baltimore, hindi nakakabaog ang adenomyosis lang.

Ano ang gamot para dito?

May ilang mga treatments para dito katulad ng:

  • Anti-inflammatory na gamot
  • Hormonal treatments katulad ng contraceptive pills
  • Pagtanggal ng edometrium
  • Pagtanggal ng uterine artery na nagsu-supply ng dugo sa area na apektado
  • Hysterectomy
  • Operasyon

Tandaan, kung nakakaramdam ng mga sintomas na nabanggit, mabuting kumonsulta sa duktor.

 

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

SOURCE: Women’s Health, Mayo Clinic, Health Line, Web MD

Basahin: Paano mo malalaman kung ikaw ay baog, at ano ang sintomas ng pagkabaog?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Adenomyosis: sakit ng babae na nakakabaog?
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko