Kahapon, isang balita ang naghatid ng kalungkutan sa buong bansa. Isang magiting na frontliner na naman ang matapang na nakipaglaban sa COVID-19. Siya si si Dr. Sally Gatchalian ng Philippine Pediatric Society.
Thank you, Dr. Sally Gatchalian of Philippine Pediatric Society
Pumanaw na nitong March 26 si Dr. Sally Gatchalian, presidente ng Philippine Pediatric Society. Ito ay matapos niyang kapitan ng COVID-19.
Ang kanyang malapit na kapatid naman na si Ruby Rodriguez, isang sikat na TV host, ay nagbahagi ng kanyang pamamaalam sa doktora sa kanyang Instagram account.
Si Dr. Sally Gatchalian ay ang presidente ng Philippine Pediatric Society, isang organization kung saan nag-aaral ang mga gustong maging physician sa mga bata. Nagsisilbi rin siya bilang Assistant Director ng Research of Institute of Tropical Medicine (RITM)
Kilala bilang isang masigasig, masipag at dedicated sa trabaho si Dr. Sally. Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa balita na inanunsyo tungkol sa doktora.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease specialist at molecular biologist, si Dr. Sally ay isang magaling na mentor at kaibigan.
“The first of our Infectious Diseases brethren to fall to #COVID19 in the #Philippines. This hurts so much. Ma’am Sally was a mentor, friend, and cheerleader to us ID specialists. We shall carry your lessons with us in this fight. Paalam Ma’am Sally at Maraming Salamat.”
Marami pa rin ang patuloy na naghahatid ng pakikiramay sa doktora. Isa na rin diyan si Dr. Kristy Murray, professor of paediatrics and director sa Center for Human Immunobiology sa Texas Children’s Hospital. Dagdag nito na si Dr. Sally ay isa sa mga tumulong sa pagpapatayo ng Philippines Coalition Against TB at patuloy na nilabanan ang mga sakit.
My dear friend and colleague died from COVID-19 today. Dr. Sally Gatchalian was a champion for children’s health. She helped create the Philippines Coalition Against TB & fought infectious diseases, saving so many lives. She is a hero. I am heartbroken. We love you, Sally.
Lubos namang nagdadalamhati ang sikat na noontime host na si Ruby Rodriguez dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ito masasayang alaala ng picture kasama ang doktora.
My sister, Manang sally, this is our Christmas 2019 family picture. Finally were complete. We will only remember you with Happy memories, laughing and sleeping, your johnson outfits and all, how u love bling bling, your Kuaff hair everday, your Kdrama addiction ( u got me hooked up too) i will make u kwento what i have seen last, our sunday lunches, our “bonding trips” that you and I only do( other siblings kasi nasa US) lots of happy and fond memories! I love you so much my big sister smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!
-Ruby Rodriguez
Si Dr. Sally Gatchalian ng Philippine Pediatric Society ay ang pang-apat na doctor na pumanaw dahil sa COVID-19.
Samantala, as of March 27, umakyat na sa 707 katao ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Ayon sa mga health experts, asahan na ang patuloy na pagdami ng kaso sa bansa dahil madami ang isinagawang test sa mga pasyenteng maaaring carrier ng virus.
Kung maaari, iwasan na ang paglabas ng bahay at palaging panatilihind ang kalinisan sa katawan at bahay.
Source: GMA News Online
BASAHIN: Doctor na positibo sa COVID-19 says;Hindi pa ako handang mamatay