Salted food tax o paglalagay ng buwis sa mga maalat na pagkain nais isulong ng DOH para umano mabawasan ang iniindang karamdaman ng mga Pinoy.
Salted food tax proposal ng DOH
Ito ang naiisip na solusyon ni Department of Health Undersecretary Eric Domingo para masolusyonan ang mga sakit na nararanasan ng mga Pinoy na may kaugnayan sa mataas na salt intake.
“Salt is directly correlated to hypertension, heart disease, kidney diseases. So, this is something that we want to study that if we tax salted food, it can have a positive outcome on our health.”
Ito ang pahayag ni USec Domingo sa isang press conference ukol sa ipinapanukalang salted food tax law.
Sa ngayon ay wala pa umanong konkreto o detalyadong plano ukol sa proposal na ito ngunit ito daw ay kanilang masusi ng pinag-aaralan.
“There’s nothing concrete right now but it’s something the Department of Health is studying”, ani ni USec Domingo.
Nang tanungin nga kung ano-anong maaalat na pagkain ang papatawanan ng buwis sa salted food tax law, sinabi nitong lahat ng pagkaing maaalat. Pati na ang daing na paboritong ulam sa almusal ng mga Pilipino ay kabilang rito.
“Yes, it should be included—it will include all foods.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Domingo.
Ang naiisip na pagsusulong ng salted food tax law ng DOH ay hindi lamang para mabawasan ang iniindang sakit ng mga Pinoy. Nakikita rin nila itong isang paraan upang mapagkunan ng pondo para sa pagpapatupad na universal health care system sa bansa.
Mga sakit na may kaugnayan sa sobrang sa salt intake
Ang salt o asin ang isa sa mga pampalasa na ginagamit natin sa ating mga pagkaing kinakain. Maliban dito ang sodium na isa sa key ingredients ng table salt o asin ay mahalaga sa ating katawan. Ito ay dahil ni-reregulate nito ang blood flow at blood pressure na tumutulong sa pagtratransmit ng messages sa ating mga nerves at muscle fibers. Habang ang chloride naman na isa rin sa chemical na makikita sa table salt ay tumutulong naman sa indigestion. Samakatuwid, ang salt o asin ay mahalaga sa ating katawan. Ngunit, kung ito ay sumobra maari rin itong magdulot ng sakit o karamdaman sa atin.
Tulad nalang ng pagkakaroon ng high blood pressure. Ito ay dulot ng pagkakaroon ng extra water o tubig sa katawan dahil sa sobrang pagkain ng maalat. Kung mapapabayaan ang high blood pressure ay maaring magdulot ng masamang epekto sa ating puso, arteries, kidneys at utak. At ang mga komplikasyong ito ay maaring mauwi sa heart attack, stroke, dementia at kidney disease.
Kung maraming tubig sa katawan ang isang tao ay mapapadalas rin ang pag-ihi. At sa bawat pag-ihi ay ang paglabas naman ng calcium mula sa ating katawan. Mahalaga naman ito upang mapanatiling matibay ang ating ngipin at mga buto. Kung mas maraming calcium ang mawawala sa ating katawan dahil sa madalas na pag-ihi ay hihina ang ating mga buto na maaring mauwi sa osteoporosis.
Paniniwala ng DOH, ang mga karamdaman na ito ay maari umanong maiwasan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng salted food tax law.
Source: The Philippine Star, Inquirer News, Popular Science
Photo: Pixabay
Basahin: 13 dahilan kung bakit bumabaho ang ihi
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!