Sam Milby at Catriona Gray kumpirmadong may problemang kinakaharap sa kanilang pagsasama.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray.
- Sam at Catriona kumpirmadong may problema.
Relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray
Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray
Kamakailan lang ay lumabas ang usap-usapan na hiwalay na sina Sam Milby at Catriona Gray. Ito ay matapos i-reveal ng vlogger at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang chismis mula daw sa kaniyang reliable source. Nasundan pa ito ng hindi pagsusuot ng engagement ring ni Catriona sa event na kaniyang dinaluhan kamakailan lang.
Ayon pa usap-usapan, matagal ng hiwalay ang dalawa at nanatili nalang magkaibigan. Si Catriona discreet na dinedeny ang tsismis sa pamamagitan ng pagtatagged kay Sam sa kaniyang mga IG post. Pero kahapon, ang management na nila ang nagsalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sam at Catriona kumpirmadong may problema
Larawan mula sa Facebook account ni Sam Milby
Ayon sa statement na inilabas ng Cornerstone Entertainment, ang talent agency nina Sam at Catriona ay kasalukuyang sinusubok ng problema ang pagsasama ng dalawa. Pero ito daw ay inaayos nila at nagtutulungan ang dalawa na ma-address ang isyu nila sa isa’t-isa.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are working on resolving these issues together.”
Ito ang bahagi ng pahayag ng talent agency nina Sam at Catriona na humiling rin na respetuhin sana muna ngayon ang privacy nila.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation. We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng talent agency.
Pebrero ng nakaraang taon ng ibahagi nina Sam at Catriona na sila ay engaged na. Ang kanilang kasal sinabing magaganap ngayong taon. Kaya naman pangamba ng kanilang mga fans ay baka tulad ng iba pang celebrities ay hindi na matuloy dahil sa pagsubok na kinakaharap ng kanilang pagsasama.
Larawan mula sa Facebook account ni Sam Milby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!