Isang mommy ang naglabas ng kaniyang sama ng loob sa social media. Itong misis na ito, ayaw raw pagtrabahuhin ni mister pero minamaliit siya ng sariling asawa!
Sama ng loob ng isang mommy, ayaw ni mister na magtrabaho siya pero minamaliit siya nito!
Viral sa social media ang post ng isang misis sa isang Facebook page tungkol sa sama ng loob niya sa kanyang asawa.
Kwento ni mommy, ayaw raw ng husband niya na magtrabaho siya kahit gusto sana niya. Nagsawa na lamang daw siya na magsabi sa mister na gusto niyang magtrabaho.
Larawan mula sa Freepik
Ang dahilan daw kasi ni mister, ang isipin na lang ni mommy ay ang pag-aalaga sa kanilang anak at pag-aasikaso sa bahay. At si mister na ang bahala sa pagtratrabaho.
Kaya lamang, labis ang sama ng loob ng misis nang kausapin ng asawa ang kaniyang anak at maliitin si misis sa harap nito.
“I feel hurt earlier while binibihisan ko ang anak ko bigla syang lumapit and he said these words to our son na “Anak mag-aral ka ng mabuti para hindi ka magaya sa mama mo na naglilinis lang ng sahig”,” nakasaad sa nasabing post.
Sobrang sakit umano na marinig ito sa sariling asawa, na siya rin namang dahilan kung bakit hindi siya makapagtrabaho.
“Sobrang sakit. Sabi ko diba ilang beses na kita sinasabihan na kumuha ka ng nanny para makapagtrabaho na ako pero ayaw mo!! Ayun nanahimik lang sya sabay change topic, sobrang nakakaasar. Yung luha ko lumalabas na pero pinipigilan ko nalang kasi patay malisya agad sya,” kwento pa ni mommy.
Larawan mula sa Freepik
Nakatapos umano ng kolehiyo si mommy pero isinantabi niya ang sariling pangarap para pagsilbihan ang pamilyang binuo nila. Kaya masakit umano sa kaniya na makatanggap ng ganoong salita mula sa asawa.
“Degree holder ako tapos sya high school graduate pero lage nya ako minamaliit porket sya kumikita ng pera. Sya din naman namimilit na sa bahay lang ako,”
“To all women na makakabasa nito pls don’t be like me. Have your own money para di nyo maranasan tong nangyare sakin.”
Ikaw mommy o daddy, anong masasabi mo sa kwento na ito? Ibahagi mo naman sa amin sa comment section!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!