Beauty Queen Sandra Lemonon and PBA player Sol Mercado engaged na! Sila rin ay malapit ng magka-baby!
Mababasa sa artikulong ito:
- Sandra Lemonon and Sol Mercado engagement.
- Love story ni Sandra Lemonon at Sol Mercado.
Sandra Lemonon and Sol Mercado engagement
Image from Sandra Lemonon’s Instagram account
Kahapon sa kanilang Instagram account ay sabay na ibinahagi nina Sandra Lemonon at Sol Mercado na sila ay engaged to be married na. Kalakip nito ang mga larawan nilang magkasama habang suot ni Sandra ang isang diamond ring.
“♾ with you @m3rcmywords
I love you
11/03/2022
5:00pm”
Ito ang post ni Sandra na tila tumutukoy ang petsa at oras na sumagot siya ng matamis na yes na wedding proposal ni Sol.
Habang sa Instagram naman ni Sol, gamit ang parehong larawan na ibinahagi rin ni Sandra ay sinabi niyang ito ang lahat ng kinakailangan niya. Kasunod nito ang isang bible verse tungkol sa pagtitiwala, pag-asa at pagmamahal.
“Everything that is YOU @sandralemonon, is all I ever needed!
✌🏽❤️’s ☝🏽Soul ♾
“And now abide faith, hope, love, these three; but the greatest of these is LOVE.”
I Cor 13:13”
Sa kanilang mga post na ito ay agad na nagsipag-comment ang mga kaibigan nila sa kani-kaniyang propesyon.
Si Sandra ay masayang binati ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, at Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa nalalapit niyang pagpapakasal.
catriona_gray
Soooo happy for you!!!!
rachelpetersx
Ahhhh congratulations
katarinarodri
Congrats gorgeous!! So so happy for you!
Habang si Sol naman ay binati rin ng mga basketbolistang tulad niya. Sa kaniyang IG post tungkol sa kanilang engagement ay sumagot ang fiancé niya na ngayong si Sandra na sinabing blessed at happy siya kay Sol.
“Baby!!!
You are an amazing human being, I feel so blessed & happier with you by my side & now for ♾
I love you”
Sol at Sandra magkaka-baby na!
Image from Sandra Lemonon’s Instagram account
Maliban sa balita ng nalalapit na kasal may isa pang surprise announcement sina Sol at Sandra sa mga friends at followers nila. Si Sandra ay nagdadalang-tao narin at nalalapit ng manganak.
“Creating life together. We love you Papi”
Ito ang kasunod na post ni Sandra kahapon sa kaniyang Instagram kalakip ang larawan nila ni Sol na humahalik sa kaniyang baby bump.
Sa post na ito ni Sandra ay agad rin nagkomento si Ms. Universe 2018 Catriona Gray na excited na siyang maging tita.
Hindi naman pinatagal pa ni Sandra ang excitement at agad ring inanunsyo na baby boy ang ipinagbubuntis niya. Ayon kay Sandra, gusto niya talaga ang magkaroon ng baby boy noon pa man.
Kaya ngayon na matutupad na ito ay hindi siya makapaniwala. Dagdag pa ang feeling na ito ay produkto ng pagmamahalan nila ni Sol na itinuturing niyang amazing life partner at friend na malapit ng maging “papa” ng kaniyang anak.
“Our baby boy
#KingZ
I’ve always imagined myself having a little baby boy, for it to actually happen is a surreal feeling
@m3rcmywords you are an amazing life partner/friend & now Papa, thank you for another priceless gift in helping me become a Mam
We love you ”
Ito ang sabi pa ni Sandra.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Iya Villania sa pagiging mom of 3: “It’s so addictive that you just want to have more babies.”
Kris Aquino on her health status: “HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.”
LOOK! Sam YG ikinasal na sa kaniyang girlfriend na si Essa Santos
Love story nina Sandra Lemonon at Sol Mercado
Image from Sandra Lemonon’s Instagram account
Setyembre noong nakaraang taon na isapubliko nina Miss Universe PH, Taguig City 2020 Sandra Lemon at PBA player na si Sol Mercado na sila ay may relasyon. Ito ay kanilang ginawa sa kani-kanilang Instagram account na kung saan nagpalitan sila ng sweet na mensahe sa isa’t isa.
Ayon kay Sandra, si Sol ang biggest blessing na dumating sa buhay niya. Lagi siya nitong pinapasaya at pinaparamdam ang “pure” na pagmamahal na matagal niya ng inaasam-asam. Sabi pa ni Sandra, si Sol para sa kaniya ay perfect at kaniyang guardian angel.
“To me you are perfect. (Yes I know no one is perfect, but you are perfectly imperfect & that is perfect for me).
I admire and respect the man you are today.
You have so much depth, strength, resilience, passion & compassion with in your heart & many other amazing qualities but that would be to long of a list to write them all down & some I cannot say them in public
I am so grateful to share & build life together & I can confidently say that you are the one for me
Thank you for being my guardian Angel & always protecting me & letting me be me
Life is definitely better with you
I love you so much my love ”
Ito ang sabi ni Sandra.
Si Sol naman sinabing thankful rin kay Sandra at nais na makasama itong mag-grow at mag-continue sa buhay.
“I’m grateful for you and your existence. Keep growing and continue to hold me accountable to grow with you, cheers to my 8! #myrideordie .”
Ito naman ang sabi ni Sol.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!