Isang 14-buwang gulang na bata ang aksidenteng mamatay matapos itong malunod sa timba. Nangyari ang insidente sa Malaysia, at ayon sa mga magulang ng sanggol na nalunod ay hindi raw nila namalayan na nasa panganib na ang kanilang anak.
Kalunos-lunos ang sinapit ng sanggol na nalunod sa timba
Natagpuan raw ng mga magulang ang kanilang anak na wala nang buhay at nakalubog ang ulo sa loob ng isang timba.
Ayon sa mga awtoridad, kumakain raw ng tanghalian ang mag-asawa nang mangyari ang insidente.
Nakarinig raw ng tubig na sumasaboy ang ina ng bata, at dali-dali itong tumakbo papunta sa banyo. Doon, nakita niya ang kaniyang anak na wala nang malay, na nalunod pala sa timba.
Tinawag raw ng ina ang kaniyang asawa upang humingi ng tulong. Dinala nila ang bata sa ospital, ngunit dineklara na itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Ayon sa ina, hindi raw niya alam na mayroong lamang tubig ang timba. Wala raw ito dapat lamang tubig, dahil ginamit raw itong pampaligo na nakatatandang kapatid ng sanggol.
Wala naman daw nakitang kahit anong injury ang mga awtoridad sa sanggol, at wala ring senyales na mayroong krimeng naganap. Ngunit magsasagawa pa rin daw sila ng imbestigasyon ukol sa nangyari.
Mga safety tips na kailangang tandaan ng mga magulang
Mahalaga ang kaligtasan ng mga bata, kahit nasaan sila. At mas importante ito kapag sila ay nasa bahay, dahil madalas sa bahay naaaksidente ang mga bata. Kaya dapat alam ng mga magulang kung paano nila poprotektahan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa disgrasya.
Heto ang ilang tips para sa mga magulang:
- Huwag hayaang maglaro ang iyong anak sa banyo. Ito ay dahil posible silang malunod o kaya madulas at masaktan.
- Kapag mayroon kayong timba, siguraduhing may takip ito upang hindi aksidenteng mahulog ang iyong anak.
- Iwasan din na paglaruin ang iyong anak sa kusina, lalong-lalo na kung mayroong nagluluto.
- Umiwas din sa pagbili ng mga front-loading na washing machine, dahil puwedeng makapasok sa loob nito ang mga bata at ma-trap sila.
- Kung may hagdanan kayo sa bahay, lagyan ito ng gate upang hindi aksidenteng mahulog ang iyong anak.
- Ilayo rin ang mga kemikal at kung anu-ano pa sa iyong mga anak. Ilagay ang mga ito sa aparador, at siguraduhing mahigpit ang pagkasara dito.
Source: NST
Basahin: 6-year-old dies by electrocution through mobile phone charger
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!